Xian's POVShit Xian! What are you doing?!
Napasabunot na lang ako sa buhok ko at isinandal ang ulo sa likod ng sofa. Andito ako ngayon sa kings room kasama si tabs, no, it should be Amy. Sumulyap ako sa kaniya pero agad ding umiwas ng tingin ng makita ko siyang nakatingin sa akin.
Bakit ko nga ba hinawakan na lang bigla ang kamay niya? Hindi ba dapat lumalayo ako dahil gusto kong makalimot? Pero bakit mukhang sa ginagawa ko ay gusto kong malapit ulit kami sa isa't-isa?
Nakakainis naman kasi 'yang moron na 'yan! Kung hindi sana siya lumipat at dumikit-dikit kay ta-- Amy ay hindi sana ako magpapadala sa.. basta ayoko talaga sa lalaking 'yun simula pa lang nang game namin, lalo pa't napansin ko na noon pa man ang patingin-tingin niya kay Amy.
Hindi ko tuloy alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Siguro nga ay ito na 'yung tinatawag nilang pagmamahal at pagprotekta sa kapatid...
***
Bigla akong nanlamig habang pinagmamasdan ko ang picture na medyo may kalumaan na. Hindi ko alam pero para akong nakakita ng multo, multo ng nakaraan. Picture kasi ito ng isang babae na naging malaking parte ng buhay ko, 'yun nga lang ay iniwan ako.
"B-bakit merong gan'to si tabs? Saan niya nakuha 'tong picture ni Mom?"
Pinagmasdan kong mabuti ang litrato at hindi ako pwedeng magkamali. Lagi kasing nagfaflashback sa isip ko 'yung mga panahong kasama ko pa siya kaya hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya kahit ilang taon na ang nagdaan.
Angel's Orphanage, 11/27/ --, Kate Cortez.
Nang tingnan ko ang likod ng picture ay nakumpirma kong tama ako. Siya nga si mommy pero bakit may date at orphanage?
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagsearch ng information about sa orphanage na 'yun. Medyo malayo siya dito pero kaya namang puntahan. Nabalitaan kong umaampon sila ng mga batang wala ng magulang o kaya ay inabandona na. Naisip ko namang magpunta doon para magtanong ng iba pang impormasyon. Gulong-gulo na kasi 'yung isip ko at kailangan ko ng mga kasagutan.
"Hello." Bati ko sa babaeng ka-edad ko lang 'yata.
Napatulala siya sa akin ng ilang segundo pero agad din namang ngumiti at tinanong ako kung anong kailangan ko.
"May gusto lang sana akong kumpirmahin."
"Ganun ba? Mabuti pa't pumasok muna tayo at ng makausap mo si mother Anna." Sabi niya at inakay ako papasok.
Nagpunta na nga kami sa loob at pumasok sa isang room doon. Nakita kong nakaupo sa isang swivel chair ang medyo may katandaan ng babae na ngumiti sa amin.
"Anong maipaglilingkod namin sa'yo iho?"
Napahinga naman ako ng malalim at tumingin sa kaniya ng deretsyo.
"P-pwede ko po bang malaman kung kakilala niyo po ito?" Tanong ko at ipinakita ang picture ni mommy.
"Teka lang iho." Sabi niya at may hinalungkat sa isang bookshelf. "Sa tagal na rin kasi ng panahon na namalagi ako dito ay hindi ko na matandaan kung sino-sino ang mga pumunta dito kaya pagpasensyahan mo na kung hindi ko maalala."
Binuklat niya ang makapal na notebook at hinanap ang buwan at taon na nakasulat sa likod ng picture. Nang wala siyang mahanap ay kumuha siya ulit ng isa pang makapal na notebook at naghanap dito. Napahinto siya ng sa wakas ay makita niya ang eksaktong araw nito.
"S-siya po ang nagpaampon?" Hindi makapaniwalang tanong ko ng ipakita niya sa akin ito.
"Siya nga. Naalala kong siya mismo ang nagsabi na kuhanan daw namin siya ng litrato para ibigay sa anak niya o sa pamilyang mag-aampon dito kapag lumaki na siya. Para naman kahit papaano ay makita daw nito ang nanay niya." Sabi ni mother Anna at ngumiti pa na tipong may inaalala. "Hindi ko nga alam kung malulungkot o matutuwa ako sa ginawa niya. Malulungkot dahil may lakas pa rin siya ng loob na magpakuha ng litrato o matutuwa dahil kahit papaano ay gusto pa rin niyang makilala siya ng anak niya kapag lumaki ito."
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Ficção AdolescenteThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...