Xian's POVNandito ako ngayon sa Dean's office. Pinatawag kasi ako kanina ni lolo at may pinapagawa siya sa'kin.
***
Iniwan ako ni scholar na nakahawak sa pisngi kong sinuntok niya.
The heck! Did she really punch me? Grabe kababaing tao,ang sakit manapak.
Napagdesisyunan ko tuloy na tumambay muna sa kings room at hindi muna pumasok dahil nakakahiya na nagawa akong suntukin nang babaeng iyon sa harap ng maraming tao.
Pero napatigil ako sa paglalakad ng maalala kong nagkakaroon ng surprise strolling si lolo if napagtripan niya. Kaya every class hour ay walang nagbabalak na mag cutting classes kasi kapag nahuli ka niya ay paniguradong may parusa sa'yo.
Naalala ko tuloy noong pinaglinis niya ako ng buong cafeteria dahil sa nahuli niya akong nag-cut ng class.Take note: Malawak ang buong cafeteria ng school. Sobrang dumi din nun that time at kahit apo niya ako ay hindi ako naging exempted sa punishment.
Binilisan ko na lang ang lakad ko dahil ayoko nang maulit pa 'yun pero sa kamalas-malasan nga naman,nakita ko siya sa 'di kalayuan. Bigla siyang tumingin sa pwesto ko at lumapit sa akin. Tinignan niya ako ng seryoso at pinasunod sa office niya.
"As far as I know,May klase ka ngayong oras. Am I right young man?" Tumango naman ako.
"Then why are still here? Are you skipping your class again? If nag-aaral ka na lang sana para magkaroon naman ng laman 'yang utak mo." Naiiling na sabi niya.
Hindi naman ako nagbalak pang sumagot at tinignan lang siya. Totoo naman kasing walang laman 'tong utak ko. Hindi ako 'yung tipong matalino dahil halos bagsak lahat nang grades ko.
Nakakapasa lang ako tuwing may remedial at pinapagbigyan ako ng mga teacher dahil bina-blackmail ko sila. I know that's bad 'cause I'm using my power as a grandson,but I have no choice or else I will get low grades.
Napabuntong-hininga naman siya at tumingin sa'kin ng deretsyo."As your punishment today. You're going to read books within 2 hours."
Easy. Mas mabuti na yun kaysa maglinis at magpakahirap. Kapag magbabasa ako ay hindi ko na lang iintin---
"Three dictionary books and after that I will ask you some questions." Pahabol niya at kinuha ang tatlong makakapal na libro.
Sh*t Dictionary yun at iba't-ibang words ang nakasulat dun for sure! Hindi ko alam kung pati ibang language ay nandoon na rin dahil sa sobrang kapal nitong tingnan!
"But--" Magko-complain pa sana ako pero nagsalita na siya at binigay sa akin 'yung mga libro.
"Your time starts now." He said at tinignan yung wall clock niya. Umupo na rin siya upang ayusin ang mga papers na nasa harap niya.
Can I finish all of this within 2 hours? Feel ko first page pa lang ay aantukin na ako! Feel ko nga ay nahilo ako nang buklatin ko ang isang page dahil maliliit ang font niya,it means sobrang dami talaga nitong babasahin ko.
Shit bakit pa kasi nauso ang ganitong libro eh!
***
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos. Halos 2 hours na ang nakalipas pero hindi pa ako naka-kalahati sa unang librong binabasa ko.
Iniwan din muna ako ni lolo dito sa office niya at hindi ko alam kung saan siya pumunta.
Breaktime na rin at lalabas sana ako para bumili ng makakain ng biglang pumasok si lolo na seryoso ang mukha at kasunod nito ang dalawang leader ng 'fansclub' kuno ko.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Ficțiune adolescențiThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...