CHAPTER 35

1.3K 36 0
                                    


Amy's POV

Halos tatlong linggo na ang lumipas at friday na ngayon. Malapit na rin ang exam at napaaga pa dahil sa monday na ito. Sa halos tatlong linggo namang lumipas ay sobrang dami nang nangyari.

Una na ay ang pagpayag ko sa deal na pinagsasabi ni pangit. Naisip ko kasing kapag nakapasa siya ay maaring matapos na ang trabaho ko sa kaniya. Isa pa, hindi naman siguro siya seryoso na dapat kong layuan si Jeff na kaibigan niya pagkatapos noon 'di ba?

Pangalawa sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo ay ang pag-aaral maigi ni pangit. Paano ko nasabing pag-aaral ng maigi? Aba sa school at kahit sa bahay ay may dala-dala siyang libro para basahin. Nakakagulat nga dahil hindi siya ganito kasipag mag-aral tuwing tinuturuan ko siya noon. Kahit nga mga kaibigan niya ay nagtataka na rin. Tinatanong nila ako kung ano raw ang ginawa ko para mag-aral siya ng mabuti. Lalong-lalo na si Dan na mahilig pang mag-iwan sa'kin ng mga malalalim na tanong.

Pero syempre, dahil siya ang pangit na may deperensya sa utak ay hindi talaga maiiwasan ang pagiging tamad niya lalo na kung napapansin kong nakatingin siya sa akin ng masama kapag kasama ko si Jeff. Tumitigil na lang siya bigla sa pagbabasa at kukulitin ako ng todo na parang walang inaaral. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano talagang nangyayari sa kaniya dahil sa mga biglaan niyang kilos.

"Okay class before I dismiss you, I still have an announcement. After the first examination, the intramurals will going to be held in our school next month." Sabi ni sir sa harap na siyang naging dahilan upang umingay sa classroom namin. Halata tuloy masyado ang pagka-excite nila sa nalalapit na intrams.

"As expected, all of the players should get ready for that and all of them will be excuse for their practices." Huling sambit nito bago tuluyang tapusin ang klase.

"Amy pwedeng pumunta ka sa practice namin mamaya sa basketball?" Nakangiting sabi ni Jeff pagkalabas ni sir.

"Talaga namang pupunta siya dahil hihintayin niya ako. Sabay kaming uuwi." Singit naman ni pangit sa usapan namin.

Tinignan namin siya ni Jeff pero nagkibit-balikat lang siya at binuklat ang isang page ng librong hawak niya.

Lumipas ang ilang oras ay tapos na rin ang ibang klase namin. Kanina pa pinapunta sa gym ang mga players para sa seminar nila kaya umalis na sila Jeff, Dan, Len, Nel at pangit na napag-alaman kong mga basketball players pala.

Papunta na rin ako ngayon sa gym dahil sabi nga nang master ko ay kailangan daw hintayin ko siya. Nang makarating naman ako ay bigla kong naaalala iyong unang araw na nakapasok ako dito. Noong napahiya ako ng sobra sa napakaraming tao.

Nilibot ko pa ang paningin ko at marami akong nakitang mga istudyante na napatingin din sa akin. May kaniya-kaniya silang grupo para sa mga sports nila at meron pang mga cheerleaders na nagpa-practice na.

"Oh look who's here?" Maarteng sabi ni Mad habang papalapit sa akin.

Hindi ko napansing kasama pala silang dalawa sa mga cheerleaders kaya nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa akin.

"Don't tell me kasali ka sa intrams?" Maarteng tanong din ni Van.

Napabuntong-hininga na lang ako at itinaas ang dalawa kong kamay bilang tanda na ayoko ng gulo.

"Please lang--"

"Oh darling. Hindi ka namin guguluhin. We're just asking why are you here." Maang-maangan nitong sabi at mahahalata ang peke niyang ngiti.

"Andito sila Xian."

"So inaagaw mo na rin siya ngayon? Akala ko ba galit ka sa kaniya?" Tanong naman ni Mad sa akin at inirapan pa ako.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon