CHAPTER 64

1.1K 28 2
                                    


Amy's POV

"Can we go now?" Iritadong tanong ni Mad.

Siyempre dahil nandito siya ngayon sa bansa ay pinilit siya ni Len na sumama. Nagbakasyon lang pala siya dito at uuwi rin sa susunod na buwan.

Kaya ang magkakasama ngayon ay si Mad na kanina pa nilalambing ni Len, si Nel na nakikipagtawanan habang kausap si Vanessa, si Dan na kanina pa namumula, hindi ko nga lang alam kung bakit pero kinukulit siya ng president namin sa school at siyempre ako na tahimik lang sa tabi ni Jeff.

"Just wait for a minute. May hinihintay pa tayo." Masayang sagot naman ni Warren at may itinuro sa likod kaya tiningnan din namin. "They're here."

Para naman akong na-estatwa sa kinatatayuan ko ng makita kung sino ang tinutukoy niya. Ewan ko ba pero sa nakalipas na dalawang linggo ay ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na dapat ay kalimutan sila pero bakit parang ganun pa rin ang epekto nila sa akin? Tuwing makikita ko sila ay parang may kirot akong nararamdaman sa puso ko. Tulad ngayon, magkasabay silang naglalakad papunta sa amin at nakakapit sa isang braso ni pangit ang babae niya.

"So ready na ba lahat?" Tanong naman ni Ryan na nakaupo sa driver's seat ng Van na pagmamay-ari niya.

Naghiyawan naman ang mga kasama ko at agad na sumakay din. Kaniya-kaniya na sila ng pwesto samantalang naiwan pa rin ako sa pwesto ko kanina.

"Are you alright?" Bulong ni Jeff at inakbayan ako.

Napatingin naman ako sa kaniya na mukhang nag-aalala. Hindi rin pala siya umalis at hinintay pa 'ko. Nakasimangot na nagkibit balikat na lang ako at naglakad na papunta sa Van kaya napasama siya dahil nakakbay pa rin sa akin.

Nakaayos na ng pagkakaupo ang lahat at sa kamalas-malasan nga naman, ang dulong upuan kung saan sa harap ng iniiwasan ko pa ang natirang pwesto para sa amin ni Jeff. Nang mapadako ang tingin ko kay pangit ay nakita ko siyang nakakunot noo habang nakatingin sa amin ni Jeff. Hindi ko na lang siya pinansin at umiwas na ako ng tingin bago nagmadaling umupo sa likod.

Hays bakit ba kasi sila nandito eh! Akala ko ba naiinis siya kay Warren? Paanong pumayag siyang sumama dito? At paano ako magsasaya nito kung napakapangit ng view ko dahil nasa harap ko sila?!

Tss sana pala ay nauna na akong pumasok kanina at baka sakaling hindi ko sila nakikitang naglalambingan sa harap ko! Grabe hanggang dito sa loob ng Van ay nakadikit pa rin sa kaniya na parang tuko ang babae niya!

"Easy Amy." Natatawang sabi ni Jeff dahil alam niyang naiinis ako.

Mabuti pa sila Dan, Nel at Len dahil busy sila sa mga babae nila, samantalang ako dito ay hindi mapakali simula ng magbyahe kami.

"Do you want?" Malanding tanong ni Trish kay pangit at inabot ang chichiryang hawak niya.

Hindi naman siya pinansin nito at nakahawak lang sa cellphone niyang naka-off naman dahil black lang ang screen. Nang sulyapan kong maigi ang ginagawa niya ay nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin, sa repleksyon ko sa cellphone niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kaya napaiwas na lang ako ng tingin at napapikit.

Anong ginagawa niya? Tinitingnan niya ba ako sa pamamagitan ng cellphone niya?

"You can sleep if you want." Sabi ni Jeff at tinapik ang balikat niya.

Akala niya siguro ay gusto kong matulog dahil sa pagpikit ko. Ngumiti na lang ako at isinandal pa rin ang ulo sa balikat niya.

Tama siya mas mabuting itulog ko na lang ito kaysa mag-isip ng mga bagay-bagay na nagpapagulo lang sa isip ko, tutal ay medyo inaantok pa 'ko kasi maaga siyang pumunta sa amin. Sineryoso kasi niya ang pagsundo at pagpapaalam sa mga magulang ko kaya pinayagan talaga akong makasama kahit na mag-cecelebrate ako ng birthday ko na hindi sila kasama. Sabi naman nila nanay ay dapat maranasan ko din ito, ang makasama ang mga kaibigan sa pagdiriwang ng mahalagang araw ko.

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon