MY SUPERSTAR 1

10.8K 162 24
                                        

SIARGAO, ISLAND

Mabilis akong naglalakad hindi alintana ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Ordinaryong araw para sa iba pero hindi para sa akin. Tangan ko ang mga papeles na kailangan kong pagaralan, masyado akong pagod ngayong mga nakaraang araw, tiningnan ko ang ganda ng tanawin sa paligid ko. Iba talaga ang ganda ng Siargao, sabi nila makakalimutan mo ang problema mo kapag nasa Siargao ka dahil sa ganda ng tanawin dito. Gustong gusto ko ang pakiramdam na nasasayaran ng buhangin ang mga paa ko at nililipad ng hangin ang buhok ko. Mainit dahil sa tirik na tirik na araw pero hindi iyon katulad ng init sa siyudad na sobrang alinsangan.

Isang buwan na ako dito pero hindi ako nagsasawang pagmasdan ang ganda ng buong paligid. Wala akong planong pumunta dito kung hindi lang siguro namatay ang magulang ko. Naiwan nila ang isang resort dito sa Siargao na nakapangalan sa akin kaya kailangan kong pamahalaan ang resort na ito sa ngayon. Pano nga ba ako mamamahala ng isang negosyo kung sa simula pa lang hindi na ito ang ginusto ko? I took up fashion design, I don't have any background on handling a business. Lapis at sketch pad na ang hawak ko sa simula pa lang kaya wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Solong anak ako kaya wala akong ibang aasahan kundi sarili ko. My parents didn't push me to take up any business related courses even if our family is in business world. They wanted me to follow what my heart desire. Binigay nila sa akin ang karapatang mamili kahit nagaalala sila para sa akin. They trusted me even if I told them I want to pursue fashion design in London. They know I need to live independently, at first they don't want it. They want me to look for a fashion school here in the Philippines but my dream is to push through my fashion design is one of the prestigious universities in London.

Kinuha sila sakin ng wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Hindi ko na nakitang maipagmalaki nila ako. The day they died, gusto ko na rin maglaho. Gusto ko na lang sumama sa kanila.

Palaging iniisip ng iba na matapang ako kasi hindi man lang nila ako nakitaan ng isang patak ng luha ng mamatay ang mga magulang ko pero ang hindi nila alam hindi lang ako makaiyak kasi sa sobrang sakit at nakakamanhid na.

Biglang tumilapon ang mga dala kong papeles ng mabunggo ako ng isang lalaking may katangkaran ang taas at may takip ang mukha? Mata lang ang nakikita ko sa kanya pero base sa mga mata niya at sa kutis, hindi siya taga dito sa Pilipinas, ibang lahi siya kaya malamang turista. Hindi na ito bago sa akin kasi dinarayo talaga ang resort namin. Hindi man kasing laki ng ibang resort dito sa Siargao ang resort namin pero palagi naman kaming dinarayo dahil sa pagiging malinis ng lugar at ang mga magigiliw na staff.

Isa isa ko ng dinampot ang mga papeles na nagkalat. Ang bastos ng lalaking 'to hindi man lang ako tulungan magdampot ng mga papeles.

"M-mianhaeyo" sabi ng lalaki na medyo nauutal pa sabay takbo ulit.

Ano daw? Anong sabi niya? Dinampot ko na ulit ang mga papeles na nagkalat. Napapailing na lang ako. Pumasok ako sa cabin na tinutuluyan ko at pasalampak na nahiga sa kama. May bahay kami sa likod ng resort na pinagawa ng magulang ko nong isang taon lang pero mas gusto ko manatili sa cabin kasi mas nalulungkot ako kapag nasa bahay ako. Kapag nasa bahay ako ramdam na ramdam ko na magisa na lang ako sa buhay kaya lumipat ako ng cabin.

Maghapon kong ginugol ang sarili ko sa pagbabasa ng mga papeles, hanggang sa dumako ang tingin ko sa may bintana, magtatakip silim na pala. Wala akong kain ng tanghalian, niligpit ko ang mga papeles para sana pumunta sa resort at ng makakain na ako.

Paglabas ko ng cabin, may narinig akong tumutugtog ng gitara. Kung hindi ako nagkakamali galing to sa may lagoon na may malapit sa likod ng resort. Habang papalapit ako sa lagoon mas lalong lumalakas ang tunog ng gitara hanggang sa narinig ko ang malamyos na tinig kasabay ng tunog ng gitara.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon