Dumating kami sa venue na sobrang dami na ng tao pero may lumapit sa amin na staff ng Bighit, pinadaan kami sa likod ng venue para daw hindi kami mahirapan makapasok, kasama din to sa plano ni Jimin. Si Angel naman halos itago na ang mukha niya sa kahihiyan kasi hindi talaga akma ang suot niya para sa concert. Dahilan para pagtinginan siya ng mga tao.
"Can I see Jimin? Where is he?" tanong ni Angel don sa staff na naghatid sa amin papasok. Umiiling iling lang yong staff, hindi ko alam kung hindi siya marunong mag english o sadyang umiiling siya na ang ibig sabihin ay hindi pwede. Pumunta na kami sa may front seat. Nagmessage ako sa gc namin, sinabi ko na nasa venue na kami at nakaupo na. Hindi ako mapakali kasi kinakabahan ako.
"Bakit di ka mapakali diyan bruh?" Hindi ko na lang siya sinagot. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Pagkalipas ng isang oras na paghihintay nagsimula na ang concert. Nasa gitna namin ni Mia si JD. Nakikisabay siya sa kanta ng BTS habang hawak ang army bomb na regalo sa kanya ng mga tito niya. Nong makita niyang lumitaw ang mukha ni Jin sa monitor bigla na lang siyang sumigaw.
"Wooooow! That's my daddy over there! Hi daddy!" Nagkatinginan kami ni Mia. May kinuha si Mia sa loob ng bag niya tapos binigay kay JD. Hamburger?
"Mas okay na yan kumain na lang siya baka ano pa masabi ng anak mo kung wala siyang kinakain. Pagkain lang ang makakapagpawala sa kanya sa focus. Manang-mana talaga sa tatay..matakaw". Sinamaan ko siya ng tingin. Lumingon ako sa paligid, sana walang nakarinig sa pagsigaw ni JD.
Patapos na ang concert ng biglang nagpaalam si Angel na magbabanyo daw muna siya kasi ihing ihi na siya. Hindi na namin siya pinayagan ni Mia kasi malapit na yong surprise ni Jimin.
"Puputok na ang pantog ko bruh". Ungot niya sa tabi ko. Hindi parin namin siya pinayagan.
Pagkatapos ng last song nila biglang namatay ang lahat ng ilaw sa venue. Nagpanic na ang ibang army pero pagkalipas ng dalawa o tatlong minuto biglang bumukas ulit ang ilaw. Nasa gitna si Jimin ng stage may hawak siyang gitara, nakasuit na gray at nakapink na necktie. Biglang nagsigawan at tilian ang armys. He started strumming his guitar and started singing. Nagulat din ang armys ng magflash sa monitor ang mga pictures nilang dalawa ni Angel. Parang compilation ng pictures nila since day 1 ng relasyon nila. Sobra akong natouch sa effort na ginagawa ni Jimin kaya nangilid ang luha ko.
"Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday
They said "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together still going strong"
Napatingin ako sa reaksyon ni Angel. Parang naguguluhan siya sa nangyayari. Hanggang sa unti-unti na siyang umiyak, tears of joy siguro.
"Bwesit na lalaking to may paganito pang nalalaman". Komento niya habang panay parin ang iyak niya. Nagiiyakan din kami ni Mia, habang si JD naman nagaalalang napatingin kay Angel.
"Why are you crying ninang pretty?" pinahid naman agad ni Angel ang luha niya at hinalikan siya sa pisngi.
Tumingin sa direksyon namin si Jimin. Ngumiti siya ng makita niya si Angel at sinenyasan na huwag daw itong umiyak. Napangiti din kami ni Mia ng mapansin namin ang mga mata niya--punong puno ng pagmamahal.
"You're still the one I run to
The on that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss good night
Ain't nothin' better
We beat the odds together
I'm glad we didn't listen
Look at what we would be missin'
They said "I bet they'll never make it"
But just look at us holdin' on
We're still together still goin' strong".
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fiksi Penggemar#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)