MY SUPERSTAR 3

3.2K 100 6
                                        

Habang kinakain namin ang pasta dish na niluto niya naisip ko na magtanong sa kanya. Kasi palaisipan sa akin kung bakit parang biglaan lang ang pagbakasyon niya dito.

"I was informed that you will be having a concert on the 24th of March, that's 2 weeks from now."

Tumango siya para kumpirmahin na tama ang sinabi ko. Bakit parang gutom na gutom siya, masyado siyang focus sa pagkain niya, hindi niya man lang nga ako matapunan ng tingin.

"So, you're a famous artist? Why are you here right now? Did something happened in Korea?"

"Hyuga". Sagot niya sa tanong ko.

"Yoga? You came here all the way from Korea just to have a yoga?" Dumayo siya ng Pilipinas para lang magyoga? Wala bang yoga class sa Korea?

Humagalpak siya ng tawa sa tanong ko kaya napakunot noo ako. Ano bang nakakatawa sa tanong ko? Nagtanong lang naman ako kasi nakakapagtaka naman na dadayo siya dito sa Pilipinas para magyoga. For sure may malalim siyang dahilan kung bakit siya nandito ngayon.

"What I mean is vacation. Hyuga is vacation in korean language".

Ang hirap naman ng language barrier na to. Nakakadugo ng utak. Pinagmasdan ko siya habang sarap na sarap siya sa kinakain niya, ang sarap niya magluto sa totoo lang. Kapag tiningnan mo siya parang ang simple lang niya, malayong malayo sa mga nakita ko na mga litrato niya sa internet. Ang gwapo niya talaga, hindi nakakasawang titigan ang mukha niya kahit may sunburn. Hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya kahit kunti.

"How long have you been managing this resort?" Tanong niya sakin habang nilalagyan niya ng pasta ang plato ko. Bakit ba ganito siya kaasekaso? Para tyloy nagiging abnormal ang tibok ng puso ko dahil sa kanya mga ginagawa niya para sa akin.

"A month. I don't have plan managing this resort because I don't have any idea on managing a business. I was just forced".

Tumayo siya saglit para kumuha ng maiinom. Pagbalik niya may dala na siyang alak. Seriously, iinom kami sa tanghaling tapat? Hindi ako umiinom. I am an occasional drinker. Hindi ko ugali ang uminom kung walang okasyon.

"I don't drink" sabi ko sa kanya sabay turo sa hawak niyang alak.

"It's okay". Bigla siyang ngumiti. Take it easy heart! Saway ko sa puso ko. Hindi magandang idea na kasama ko siya sa mga ganitong pagkakataon kasi para akong nahihilo sa nararamdaman ko. Siya lang ang unang lalaking nakaparamdam sa akin ng ganito. Nagaral ako sa ibang bansa may mga nakasalamuha akong ibang lahi pero wala naman silang epektong ganito sa akin. Pero bakit sa kanya? Urrrghhhh!!!

"You are being forced managing this resort? Why?"

"I...I was an....Uhmmm, an only child. My parents died eight months ago". Bumangon ulit ang lungkot na matagal ko ng tinatago, ang sakit parin ang sakit sakit parin. Hindi ako madalas magkwento sa mga taong nakakasalamuha ko pa lang ng ilang araw pero sa kanya, iba. Parang magaan ang pakiramdam ko na magkwento sa kanya.

"I'm so sorry. I didn't know." Pumilit akong ngumiti kahit pakiramdam ko ano mang oras maiiyak na naman ako. Tumango ako sa kanya para iparating na okay lang. Kusang loob naman akong nagkwento hindi dahil sa pinilit niya lang ako.

"What happened? If you don't mind me asking." Napabuntong hininga ako bago nagsalita ulit. "Vehicular accident". Sagot ko sa kanya. Hindi na ulit siya nagtanong, siguro kasi naramdaman niyang hindi pa ako ganon kakomportableng pagusapan kahit pa pahapyaw ko ng naikwento sa kanya. 

"This place is beautiful. I can stay here for the rest of my life. This is what I dreamed about, living a simple life." Bakit parang ang lungkot niya? Bakit parang may gusto siyang iparating sa sinabi niya? Hindi mangyayaring mamuhay siya ng simple kasi sikat na sikat siya. Naging malamlam ang mga mata niya at hindi niya yon maikukubli sa akin. Expressive ang mga mata niya kaya halatang halata ang lungkot dito.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon