Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya. Pero hindi pwede kasi alam ko ako lang din ang masasaktan sa huli. Magkahawak kamay kaming nagpatuloy sa paglalakad, dapat makuntento na ako sa ganito kasi masaya naman ako kahit papano. Huminto kami sa paglalakad ng nasa may tapat na kami ng cabin ko.
"I'm sorry for what happened last night, I can't remember anything. I can't even remember on how I end up on your bed". Di ako makatingin sa kanya kasi hiyang hiya talaga ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko, lalo na ng nadatnan ako sa kama niya ng mga members. Baka iba ang isipin nila sa akin.
"It's okay, you're drunk that's why you ended up on my bed but nothing happened. I asked your staff if I can stay with one of the vacant cabins then she offered me the cabin next to yours". Mas lalo akong nahiya sa nalaman ko, hindi na talaga ako iinom. Sinusumpa ko na ang alak.
"I'm really sorry".
"It's nothing".
"Thank you so much Jin". Ngumiti ako sa kanya, hindi ko alam kung ilang segundo kami nagkatitigan bago siya yumuko at nagpaalam na babalik na ng cafe.
"Thank you so much for letting us stay here in your resort and for securing our privacy. We really appreciate it a lot".
Pagkapasok ko ng cabin, naligo ulit ako at nagbihis ng pantulog. Hindi ako dalawin ng antok kaya minabuti ko munang mag youtube. Nanood ako ng mga videos ng BTS, hanggang sa naisipan ko na kilalanin pang mabuti si Jin. Hindi na ako nabigla ng malaman ko na anak pala siya ng CEO, okay so dito pa lang talaga kailangan ko ng dumistansya. Nakatulugan ko ang malalim na pagiisip hanggang sa mabulabog ang pagtulog ko ng sunod sunod na katok. Pupungas pungas kong binuksan ang pintuan.
"Noona..noona".
Noona? Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang pitong naggagwapuhang lalaki sa harap ko. Jusko naman talaga! Sinarado ko ulit ang pinto saka takbo ng banyo para maghilamos, mag toothbrush at magsuklay. Saka ko lang napansin na naka nighties lang pala ako. Halos mawalan ako ng ulirat. Bakit ba palagi na lang ako naiipit sa ganitong sitwasyon, puro na lang kahihiyan ang nangyayari sakin simula ng makilala ko ang BTS. Sinuot ko ang robe ko para matakpan ang suot ko. Saka ko binuksan ulit ang pinto, nakakalokong ngiti ni Jimin, V at Jungkook ang bumungad sakin.
"Good morning noona". Bati ni Jimin sakin. Good morning? Anong oras na ba? Tiningnan ko ang relo ko, alas sais na ng umaga? Ang aga bihis na bihis na sila, mas lalo akong nahiya. Bakit ba ang aga nila?
"What happened?" tanong ko sa kanila. Nagtuturuan sila sa pagkwento. "Suga hyung, tell noona what happened" sabi naman ni V. "Why me?" tanong naman ni Suga na parang kulang ang tulog kasi hindi maipinta ang mukha niya. "You're the reason why we're in a big trouble right now". Sabad naman ni Hobi. Habang si Jin at RM nagmamasid lang sa kanila.
"Ma'am! Ma'am!"
Nabaling ang atensyon namin kay Jerome na tumatakbo palapit sa direksyon namin. Ano bang nangyari? Natulog lang naman ako tapos ganito ang bubungad sa akin.
"Ma'am, may problema po tayo". Wala parin akong maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari.
"May nakakita po sa kanila, kaya po nagkakagulo sa labas ng resort. Madami pong nagaabang na fans nila simula pa po kaninang madaling araw. Pinagsabihan na po namin na wala po sila dito sa resort pero nagmamatigas po sila kasi nakita daw po nila mismo". Nasapo ko ang ulo ko bigla. Isa isa ko silang tiningnan para silang maamong tupa ngayon, kahit si Jin hindi makatingin sa akin. Ang sarap kunyatan ng mga to.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Hayran Kurgu#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)