"Bruh, ikaw gagawa ng wedding gown ko ha? Gusto ko sana yong vintage wedding pero hindi pa kasi kami nagkakausap masyado ni Jimin. Gusto ko din dito sa Pilipinas ang kasal kaso si Jimin naman gusto sa Korea".
"Bruh?!" Kung hindi pa niyugyog ni Angel ang balikat ko hindi ko pa malalaman na kinakausap niya pala ako.
"What did you say again?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Seriously? Kanina pa ako nagsasalita dito. May problema ka ba?" Umiling lang ako sa tanong niya.
"Si Jin ba yan? Kala mo ba hindi ko napapansin na simula ng magkita si Jin at JD kahapon parang bigla ka na lang nawala sa sarili mo. Anong problema?" Nagbuntong hininga ako bago ko siya sinagot.
"Naisip ko lang sana kung galit siya sa akin, sa akin na lang huwag niyang idamay ang bata". Kala ko kasi dati okay lang kahit hindi niya kilalanin si JD bilang anak niya pero masakit pala kapag harap-harapan na niyang pinakita sa akin na hindi welcome si JD sa buhay niya.
"Anong sabi ni JD?" Napadako ang tingin ko kay JD na mahimbing natutulog sa kama. Napangiti ako ng pilit ng makita ko na nakaBT21 Tata siya na pantulog. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ng members regaluhan ang anak ko ng BT21 merchandise. Para na ngang endorser nila si JD.
"Iniisip niya na ayaw sa kanya ng daddy niya. Tinatanong niya ako kung mahal daw ba siya ng daddy niya". Parang dinudurog ang puso ko sa paulit ulit na pagtanong ni JD sa akin, sinabi ko lang na pagod ang daddy niya.
"Pero alam mo bang halos suntukin siya ng members kagabi sa sobrang galit sa kanya. Pupunta nga pala sila ngayon, dito daw sila maglalunch". Lumabas na ng kwarto ko si Angel, may lakad din naman ako ngayon kaya siya lang ang maiiwan dito sa condo. Ipapasyal ko si JD.
Pagkagising ni JD, pinakain ko muna siya bago pinaliguan. Siya ang pumili ng damit na isusuot niya, napili niya ang kulay puting tshirt na regalo sa kanya ni Yoongi na may print na "I look like my dad" tsaka ripped jeans na regalo sa kanya ni RM at Puma shoes na regalo naman sa kanya ni Hobi. Hindi naman halatang spoiled siya sa members diba?
"Aalis kayo bruh?" Nagulat ako paglabas ko ng kwarto, nasa living room na kasi ang members tsaka si Angel at Mia. Ang aga naman nila, magaalas diyes pa lang ng umaga. Nagtago si JD sa likod ko ng makita niya ang daddy niya. Hindi ko alam kung nahihiya siya o natatakot siya pero pagkauwi namin galing concert naging tahimik na siya.
"Ipapasyal ko lang saglit si JD. Babalik lang din kami agad". Ngumiti ako sa kanila. Tinawag naman si JD ng members kaya lumapit siya sa kanila.
"Can you give us a hug and a kiss?" Tanong sa kanya ni V. Isa-isa niyang niyakap at hinalikan ang members. Pero pagdating niya sa may puwesto ni Jin, yumuko siya at nilagpasan ito. Bumalik siya sa puwesto ko.
"Let's go mommy". Tumingala siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagpaalam ulit ako sa kanila.
"Bruh, you need to go home early. We will talk about our wedding". Tumango ako kay Angel. Hiniram ko din muna ang sasakyan ni Mia para may gamitin kami ni JD.
Habang nasa biyahe kami, tahimik parin si JD. Nakakapanibago kasi madaldal siya pero ngayon parang ang lalim ng iniisip niya.
"Mommy, hindi ba tayo mahal ni daddy?" Alam ko naman na dadating ang panahon na magtatanong siya sa akin pero ganito pala ang pakiramdam, parang kahit pinaghandaan ko na hindi ko alam kung pano siya sasagutin.
"Anak, this is not the right time to explain to you our situation. Someday, you will understand everything". Nasasaktan ako para sa kanya, nasasaktan ako kasi hindi ko maibibigay ang kumpletong pamilya na hinahangad niya kasi ang alam niya nasa malayo lang ang daddy niya para magtrabaho at gampanan ang tungkulin niya bilang isang idol.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)