"I'm sorry bruh kung sakin manggagaling ang bad news pero nagpaplano na ang BigHit ng presscon para sa announcement ng engagement ni Jin at Ji Woo. Nong isang araw ang sabi sakin ni Jimin nagusap na daw ang magulang ni Jin at ang magulang ni Ji Woo. Intimate dinner daw with friends and family. Nandon ang lahat ng members pero hindi ako sumama. I'm sorry couz. Wala kaming magawa. Walang magawa ang members". Ngumiti ako kay Angel. I tried to smile even if I don't know how to. Tatlong araw ng nakabalik si Angel dito sa London pero ngayon lang kami nakapagusap ng masinsinan.
"Okay lang bruh. I'm thankful because you still chose to tell me the truth. Papasok na ako sa trabaho. Kayo na ni Mia ang bahala muna kay JD".
Paglabas ko ng bahay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Masyado akong nasasaktan at sa bawat paghakbang ng mga paa ko pakiramdam ko paunti unti rin akong nawawasak.
"Yuri"..
Mabilis kong pinunas ang mga luha ko at sa nanlalabong paningin dahil sa mga luha pinilit ko parin tingnan ang nasa harap ko. It's him.
"What are you doing here? Leave me alone Jin please". Hinanap ko ang susi ng sasakyan ko. Siya ang pinakahuling taong gusto kong makita sa ngayon.
"We need to talk. Hear me out". Mababakas ang lungkot sa mga mata niya. Sobrang laki din ng pinayat niya agad at halatang wala siya palaging tulog dahil sa naglalakihang eyebags niya.
"No! We don't need to talk. Leave me alone!" sumakay ako sa kotse at pinaharurot agad ang sasakyan ko. Akala ko hindi na siya susunod sakin pero ng tumingin ako sa rearview mirror napansin ko agad ang sasakyan niya na nakasunod sakin. I decided to change my way instead of going to Dale. Pumasok ako sa mga makikipot na eskenita para maiwala ko siya. Mas kabisado ko ang pasikot-sikot dito kumpara sa kanya na hindi naman sanay dito.
Binagalan ko na ang takbo ko ng mapansin ko na wala ng nakasunod sakin pero biglang bumangon ang kaba sa dibdib ko ng makita ko sa rearview mirror na parang may pinagkakaguluhan ang mga tao. Dahil sa hindi ko sila marinig, binuksan ko ang bintana ng sasakyan.
"Help him! He's in danger. There's a lot of blood on his head. The guy is bleeding a lot!" sigaw ng babaeng tumatakbo sa may sidewalk. Mas lalo akong kinabahan ng matanaw ko ang sasakyan ni Jin na yuping yupi ang unahan at wasak ang pader na binungguan ng sasakyan niya. I run as fast as I can.
Gusto kong lumapit sa sasakyan niya pero pinigilan ako ng mga police. Inilabas ng medic ang katawan niya sa sasakyan at inilipat sa stretcher. Pinipigilan parin ako ng mga police na lumapit kahit nagpupumilit ako kaya sa sobrang frustrated ko sinigawan ko na sila lalo na ng makita ko na punong puno ng dugo ang mukha niya.
"That guy is my boyfriend. Get your hands off me!" saka pa lang nila ako binitawan kaya tumakbo ako palapit sa ambulansya at sumakay sa loob.
"I'm his girlfriend. Please save him". Pagmakaawa ko sa dawang medic na tumitingin sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm sorry Jin. I'm sorry. I didn't mean to hurt you this way".
Nakarating kami sa pinakamalapit na hospital. Dinala agad siya sa emergency room at kahit gusto kong pumasok hindi pwede. Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Kailangan ko tumawag kay Angel kaya lumapit ako sa nurse station at nakiusap kung pwede akong makitawag kasi naiwan ko ang cellphone ko sa sasakyan.
Pagkalipas ng isang oras dumating sila ni Mia. Bakas ang pagaalala sa mukha nila ng makita nilang punong puno ng dugo ang damit ko. Tinanong nila ako kung anong nangyari kaya kinwento ko sa kanila ang lahat.
"This is my fault. Hindi mangyayari to kung kinausap ko siya".
"This is not your fault okay? Walang may gustong mangyari to. Tinawagan ko na si Jimin, alam na din pala nila kasi may tumawag na sa agency. Nasa airport na sila nong tumawag sakin. Kasama nila si Ji Woo at ang nanay ni Jin. Kami na bahala dito bruh. It will be better if you go home and change first". Ayaw ko sanang pumayag pero wala akong nagawa. Sinamahan ako ni Mia pauwi. Dinaanan din muna namin ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)