MY SUPERSTAR 7

2K 83 4
                                        

Habang kumakain kami ng breakfast tinanong ko sila kung ano talaga ang nangyari, kung bakit bigla na lang may mga fans na sa labas ng resort.

"Suga hyung got curious if what outside of this resort look likes. After we finished our drink, we sneaked out and found this resto bar near this resort". Sagot ni Jungkook sa tanong ko. Napapailing na lang ako. Hay naku! Kung sino pa matanda siya pa yong pasaway.

"Then?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko.

"We forgot to put our facemask because we don't have it. We thought no one will recognize us since the place was a little bit dark and there are colorful tiny lights hanging outside, it looks like a decoration tho. Sagot naman ni V.

Napansin ko ang pagiging uneasy nila. Nagtuturuan na naman sila kung sino ang magpapatuloy sa pagkukwento. Kahit di ko maintindihan ang pinaguusapan nila, alam ko na nagsisihan na naman sila katulad kanina.

"We went inside and there's this gir--"

Naputol ang pagkukwento ni Jimin ng isubo ni Suga ang isang buong hotdog sa bibig niya. Muntik pa siyang mabulunan.

"What happened Jimin?" tanong ko kay Jimin. Ayaw na niyang magsalita ulit. Kaya binaling ko ang paningin ko kay Jin.

"What happened Jin?" bigla na lang namula ang mukha niya pati tenga niya. Ano bang nangyari talaga?

"And...uhmm, there's this..uhmm, girl..dancing..uhmm, naked..on the..stage". Putol putol na sagot ni Jin. Harujusko! Para akong mauubusan ng pasensya. Lord! Habaan mo pa po ang pasensya ko.

"Noona, I swear I covered my eyes". Sagot ni V sakin.

"You're covering your eyes using only your 1 finger. How is that possible?" pambubuking ni Suga kay V.

"We decided to leave the place but Namjoon hyung......"

"What happened Jungkook? What happened to RM?" tumingin si Jungkook kay RM bago sumagot ulit.

"Instead of leaving the place, Namjoon hyung grabbed a chair and enjoy the moment". Nasapo ko ang ulo ko. Ang sarap mambatok sa totoo lang.

"So, since our leader is enjoying the moment. We also did the same". Sagot naman ni Hobi.

"After the show, the girl approached us and sit on Jin hyung's lap". Sumbong ni Jimin sa akin. Bwesit na club yan! Papasara ko yan kakausapin ko si mayor pagbalik na pagbalik ko ng resort. Kumpare ni daddy ang mayor dito. I'll use my connections para mapasara ang club na yon. Pero saglit lang, bakit ba ako galit na galit?

"And Jin hyung FAINTED". Sabay sabay nilang sagot tapos nagtawanan sila. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako sa kanila.

"When we decided to leave the place, a girl approached us and asked us if we're BTS. We didn't confirm nor deny. Maybe that's the reason why they followed us". Di ko alam kung anong sasabihin ko, pero sa totoo lang gusto kong kalbuhin kung sino man yong babaeng yon lalo na yong umupo sa kandungan ni Jin. Parang gusto kong manakit ngayon. Pero bakit ba kasi ako nagagalit?

"What's the name of that girl again Jin hyung?" tanong ni Jimin kay Jin.

"I forgot. I'm not interested". Sagot naman ni Jin.

"Noona, Jin hyung is gentleman. He gave his jacket to that girl".Parang proud na proud pang sabi naman ni V.

"I gave it to her because..uhm, she's exposing her body too much". Nagstutter na naman siya, parang gusto ko na lang silang ikulong dito sa villa. Ang pasaway nila, nasan ba kasi mga managers nila? Bakit di nila kasama?

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon