Nanlalamig ang mga kamay ko. Lalo na ng marinig ko na we safely landed in Incheon Airport. Napilitan akong sumama dito sa Korea kasi ito ang gusto ni JD gusto niya makasama ang daddy niya. Kasabay namin ang mga members at si Angel. Malamig ang temperatura pero pakiramdam ko butil-butil ang pawis ko sa noo. May mga face mask ang members at halos hindi masyadong makita ang mga mukha nila pero si Jin wala ni kahit man lang kakapiranggot na tabing man lang sa mukha. Parang gusto ko na lang bumalik ng London. Napapagitnaan kami ng members, nauuna maglakad si Jimin at Angel na magkahawak kamay. Pinagmamasdan ko si Angel na kumakaway at ngumingiti sa mga taong binabati siya, sanay na sanay na siya kasi matagal ng nalantad sa publiko ang relasyon nila ni Jimin.
Karga ni Jin si JD habang hawak niya ang kamay ko. Nakaalalay samin si RM, Yoongi, Hobi at V. Habang nasa likod naman namin si JK na sobrang hingal na hingal sa dala niyang bag na animo'y kasing laki ng closet niya. Nagulat ako sa biglang pagkislapan ng camera. Ito ang kinakatakot ko kaya tutol ako sa pagsama dito sa Korea kung hindi lang dahil kay JD hindi ako sasama dito. Kahit madaming security ang nakaalalay samin hindi nakaligtas sa mata ko ang mga mangilan-ngilang taong nagbubulungan ng makita nila si Jin na may kargang bata at may kaholding hands. Bigla na lang akong napa-aray ng may humatak sa buhok ko, napunta kasi ako sa may gilid sa sobrang dami ng tao. Bago kami umalis ng London binilin na ako ng members na huwag akong pupunta sa may gilid, dapat palagi lang akong sa gitna nila kasi baka daw may bayolenteng sasaeng fan ang umatake sakin at hindi nga sila nagkamali. Halos makalbo ako sa lakas ng pagkakahatak nila sa buhok ko, mangiyak-ngiyak na ako sa sakit. Pinasa ni Jin si JD kay V at nagmamadaling lumapit sakin.
"Stop pulling her hair or I'll pull your hair instead!" niyakap niya ako at sinubsob ang ulo ko sa dibdib niya. Inayos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo, pinahid niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya.
"Shhh. Stop cyring. Don't let go of my hand next time okay?" Tumango ako sa kanya. May isang reporter na lumapit sa may harap namin at tinanong siya kung girlfriend niya ba ako.
"Ne, geunyeoneun je yeoja chingu-igo geunyeoneun je aiui eomeoniibnida. Naeil nae gongsig seongmyeong-eul balpyo halge. Kamsahamnida!" Halos mapanganga ako sa sagot niya. Hindi rin nakapagreact agad ang reporter na nagtanong sa kanya kaya sinamantala niya ang pagkakataon para makaalis kami sa puwesto namin. Paglabas namin ng airport may tatlong sasakyan na naghihintay samin. Ako, si Jin, JD, V at JK ang magkakasama sa sasakyan.
"Why are they so bad daddy? Why did they hurt mommy?" Namumugto ang mga mata ni JD dahil sa pagiyak. Ang kwento ni V samin sobrang umiyak daw si JD ng makitang may humihila ng buhok ko.
"Don't cry baby. Mommy is okay. Don't worry". Hinalikan ko ang pisngi niya kahit ang totoo sobrang sakit ng anit ko.
"Jin hyung, it's already in the news. There's a lot of stolen photos and videos". Pagbabalita ni JK kay Jin habang hindi parin inaalis ang tingin sa screen ng cellphone niya.
"It's okay. I already expected it". Pachill na sagot ni Jin. Parang hindi na siya nagulat sa narinig niya kay JK.
"Jin hyung, is it true that you're going to release your official statement tomorrow? You didn't even bother asking Bang PDnim first. What are your plans? Tanong ni JK sa kanya. Parang bigla akong nakaramdam ng kaba, bakit parang wala na siyang pakialam sa career niya? Hindi niya ba naisip na maaapektuhan ang pagiging sikat nila dahil sa ginawa niyang to.
"This is what I want JK. I want to decide on my own. I want to be happy and if my supporters will stop supporting me..that's fine, it's their decision to make. I already followed our agency when they asked me something that I am not willing to do before. Is it too much to ask if I want to live my life the way I want it to be?" Hindi na ulit nagsalita pa si JK. Magulo din ang isip ko, hindi ko alam kug ano ang dapat kung gawin. Kung sapat na ba yong ginawa niya para maging okay ulit kami o matuwa ako kasi nararamdaman ko na kaya niya na kaming panindigan.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)