Nageempake ako ng mga damit namin ni JD. Halos dalawang araw din kaming hindi umuwi dito sa bahay, tumuloy muna kami sa condo ni Mia. Nakapagpabooked na din kami ng flight kahapon at mamayang gabi na ang alis namin papuntang US.
"Bruh,sigurado ka bang aalis kayo? Pano tong bahay? Tsaka bakit mo gustong ibenta ang Dale? Okay lang naman sakin na ako muna ang mangasiwa habang wala ka". Pumayag na si Angel na ibenta ko sa kanya ang Dale kasi wala akong nakikitang mas deserving na mamahala sa Dale kundi siya. Alam ko kung gano siya kasipag sa trabaho at alam ko din na hindi niya papabayaan ang negosyo.
"Alam ko na hindi mo papabayaan ang negosyo. Hayaan mo kapag nakabawi na ang sales, sisikapin ko na mas makilala pa sa buong mundo. Pasensiya ka na kung hindi ko na magagawa ang wedding gown mo. Babawi na lang ako sayo". Niyakap niya ako ng mahigpit. Binalita niya sakin na ligtas na daw si Jin pero hindi parin siya nagigising.
"San kayo pupunta ni JD?" umiling ako sa tanong niya. Mas pinili kong huwag sabihin sa kanya ang mismong lugar sa US kung san kami pupunta kasi baka masabi niya kay Jimin.Pero alam niyang sa US ang punta namin.
"Gusto kang makita ng members. Kayong dalawa ni JD. Hindi daw nila alam na ganon ang ginawa ni Ji Woo sana pagbigyan mo silang makausap ka". Ngumiti ako sakanya, hindi ako nagtanim ng hinanakit sa members kasi alam ko na may rason silang magalit o maghinanakit sakin.
"Huwag na bruh. Mas mahirap magpaalam kapag ganon. Tsaka pakisabi na lang na hindi ako galit sa kanila". Niyakap niya ako ng mahigpit. Matagal na kaming magkasama sa bahay at alam ko na kahit papano hahanap hanapin niya ang presennsya namin ni JD.
"Wala ako sa pinakaimportanteng araw ng buhay mo. Pero sisikapin kong makatawag sa araw ng kasal mo. Be happy with Jimin". Hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng London kasi sa ngayon mas gusto kong mamuhay ng tahimik. Gusto ko maging masaya.
"Pano ang resort sa Siargao? Pano tong bahay bruh? Pano ang branch sa Pilipinas?" sunod-sunod na tanong niya sakin.
"Nandon naman si Charm para mangasiwa sa resort. Si Mia na ang bahala ng branch sa Pilipinas at itong bahay..hindi ko ibebenta to. Kaya nga ikaw muna ang bahala dito. May mga maiiwan kaming gamit dito sa bahay at sabi ni Mia siya na lang daw ang kukuha para madala niya sa condo niya. No goodbye bruh..just see you around. Kapag okay na ako magkikita din ulit tayo".
"Gusto kitang pigilan umalis pero alam ko na ito ang kailangan mo. Alam ko na sobrang pagod na pagod ka na sa lahat ng nangyayari pero sana huwag dumating ang araw na mapagod ka magmahal. I know someone out there is waiting for you. Who knows nakilala mo na siya o makikilala mo pa lang". Ngumiti ako sa kanya at inabot ang kamay niya. We have a wonderful friendship. We're not blood related but it seems like we're sisters by heart.
"I will miss you and JD. Bakit ganon? Bakit pakiramdam ko..wala ka ng planong magpakita sakin? Bakit pakiramdam ko ang bigat sa dibdib na payagan ko kayong umalis?" Nagsimula na siyang umiyak kaya naiyak na din ako.
"Kapag naging maayos na ang lahat..I'll promise..We will see each other again".
Naputol ang paguusap namin ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko at pumasok si JD na hatak ang malaking asul na box.
"Mommy, I will not bring these plushies and these clothes anymore. Ninang, can you give these to the orphanage?" Nagkatinginan kami ni Angel, halos lahat ng gamit na nasa loob ng box ay bigay ng members sa kanya.
"Baby, those things were given by your titos".
"I know mommy. I don't need those things anymore and I'm just thinking that maybe it will be a big help to the less fortunate kids if it will be given to them". Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. He's my son kaya kilala ko ang ugali niya. May ugali siyang namana niya sakin, yon ay ang pahalagahan ang mga bagay.. maliit man o malaki lalo na kung galing sa taong mahalaga sayo. Hindi siya namimigay ng gamit ng ganon lang lalo na kung galing sa members.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)