MY SUPERSTAR 26

1.4K 49 8
                                    

Nagising ako sa banayad na paghaplos sa mukha ko, pagdilat ng mata ko mukha agad niya ang bumungad sa akin. Napabangon ako bigla, pano ako nakapsok dito sa loob ng kwarto ko? Ang alam ko nasa couch lang ako kanina.

"I'm sorry to wake you up but it's already 5 in the afternoon. Are we not going to go shopping and grocery?" nakalimutan ko na may lakad pala kami ngayon. Bakit ba palaging napapasarap ang tulog ko lately?

"I'm sorry. Maybe, I'm just tired from the interview a while ago that's why I overslept. Anyway, how do I get here?" tumayo na ako galing sa kama para makapaghanda na sa lakad namin.

"I carried you so that you will have a comfortable sleep, I know you're tired".

Lumabas siya ng kwarto para makapaghanda na din daw siya, pumasok ako ng banyo para maligo, siguro mga dalawampu't minuto lang ang itinagal ko sa paliligo kasi nahihiya ako na matagalan pa ako sa banyo baka kasi kanina pa siya naghihintay na magising ako. I wore a white crop top and tattered boyfriend jeans, paired it with strappy white flat sandals. I tied my hair into a messy bun and choose a gold loop earings for my accessory.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko agad siya sa living room, siguro kanina pa siya naghihintay. Tumayo siya ng makita niya akong papalapit sa kanya. He's wearing a white gucci shirt, slim fit jeans and paired it with white gucci sneakers. Sinuot niya ang hawak niyang black baseball cap at facemask.

"Let's go?" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng condo. Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe namin, malapit lang kasi kami sa mall. Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan. Malapit na ako sa may bukana ng mall ng hawakan niya ulit ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kamay naming dalawa.

"I want to hold your hand. Is it okay?" nagpaalam siya kung saka hawak niya na? Ano pang magagawa ko syempre papayag ako.

Napagkasunduan namin na magshopping muna bago maggrocery. Sinamahan niya ako mamili ng mga damit, habang nagsusukat ako ng damit na bibilhin ko bigla na lang siyang nawala kaya kala ko nagsusukat din siya ng damit na bibilhin niya pero nong nagbabayad na ako bigla na lang siyang dumating na may bitbit na limang paper bags na Tory Burch ang tatak.

"Where did you go?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko ang pinamili niya. Grabe ang dami na niyang nabili samantalang ako isa pa lang.

"I bought these shoes". Sabay taas ng mga paper bag na hawak niya.

"Seriously? That's a lot". Ang dami kasi nilang sapatos, endorsers sila ng mga sikat ng brands ng sapatos kaya nagtaka ako na ang dami niyang binili.

"This is not for me. This is all for you". Hindi ako nakapagsalita agad ng marinig ko ang sinabi niya. Bakit niya ako bibigyan ng sapatos?

"For me? Why? I mean..uhmm, I have plenty of shoes". Actually, mahilig kaming dalawa ni Mia sa sapatos. Magkapareho kami ng hilig sa sapatos.

"I bought 5 pairs of flat shoes. If you're not comfortable wearing high heels then, use these shoes that I bought for you. I'm not familiar with women shoes so..uhmm, I called my noona (my brother's girlfriend) and asked some recommendations".

"Ang sweet naman po ma'am ng boyfriend niyo". Sabi ng sales lady na nagassist sa akin kanina. "Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko siya". Nakangiting sagot ko sa kanya. At hanggang ganon na lang talaga ang papel ko sa buhay niya..isang dakilang kaibigan.

Lumabas kami ng boutique pagkakuha ko ng pinamili ko. Nag-iikot ikot pa kami sa mall para tumingin sa ibang boutique at buti na lang hindi masyadong matao ngayon. Tumingin siya ng mga aceessories para daw magamit niya sa concerts at tv guestings nila. Habang tumitingin siya ng mga singsing, napako ang atensyon ko sa isang kwentas at siya agad ang naisip ko. It's a white gold necklace with infinity pendant. Nagmadali akong bilhin ang kwentas, kahit may kamahalan alam ko na worth it itong ibigay sa kanya. Nilagay ko sa bag ko ang kwentas para hindi niya muna makita, mamaya ko ibibigay sa kanya pagdating namin sa condo.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon