MY SUPERSTAR 15

1.7K 73 0
                                        

Since peak season kaya madaming orders at demands sa amin, kaya halos sa opisina na ako matulog. I'm working so hard because I want to create a good impression to our customers. Halos di kami magkita at magpang abot ni Angel sa bahay. I arrived late and I left early kaya di kami masyadong nagkikita these past few days, after kasi ng grand opening naging busy na ako.

Busy ako sa pagcheck ng mga designs na ginawa ko ng makatanggap ako ng tawag galing kay Mia.

"Couz, are you busy ba?" Obviously, busy ako. Alam nila yon kaya nga di ako makasama sa kanila kapag lumalabas sila ni Angel.

"What do you need this time? Spill it". Alam ko may kailangan siya kasi hindi siya tatawag ng ganito ka-aga kung wala siyang kailangan.

"BTS is in big trouble right now, mamaya na yong concert nila but the problem is lahat ng outfits nila may problema".

"So, what do you want me to do?" Tanong ko sa kanya.

"Can you help them? I mean, nandito na si Agel pero hindi niya kakayanin if she's going to do it all by herself". Is that my problem? May stylist naman sila at sa yaman ng Bighit bakit di sila kumuha ng magaayos ng outfits nila?

"I'm busy right now. I have deadlines couz". Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Do this for V, JK and Jimin na lang couz. If you can just see how frustrated they are. Please couz?"

"No. I'm busy right now. Bighit can afford to ask someone to do their outfits and I'm not that person". Pagkatapos ng grand opening hindi ko na sila nakita ulit. Alam ko may concert sila pero I never bother to ask the detail.

"Okay. I'll text you the venue just in case you change your mind". Nagpaalam na siya kaya binalikan ko ang ginagawa ko. Pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa utak ko yong pag aalala sa kanila. Despite what happened from the past I still care for them because I love them.

Dali-dali akong umalis sa Dale para pumunta sa venue ng concert. Pagdating ko ng venue ang dami ng tao sa labas, ang aga pa pero ang dami ng tao. Nakakamiss din pala yong feeling na ganito, yong manood ng concert at mag fangirling. Dumaan ako sa likod ng venue at mukha namang inaasahan na ng mga staff ng Bighit ang pagdating ko kasi hindi nila ako hinarang, yumuko lang sila nong nadaanan ko sila.

Pumasok ako sa dressing room nila kasi sabi sa akin nong isang staff na natanungan ko nandon daw sila. Pagbukas ko ng pinto, nagulat sila ng makita ako. Nakaupo silang lahat sa isang sulok habang si Angel naman at Mia halos hindi magkandatoto sa pag-aayos ng mga outfits nila. Tumakbo si Angel at Mia sa palapit sa akin ng makita ako.

"Bruh! You came!"

Nagsitayuan din ang BTS at lumapit sa akin. Nagpasalamat sila kaya tumango lang ako at nginitian sila.

"Thank you so much noona. This means a lot". Sabi ni V sa akin. Tinapik ko lang ang balikat niya.

Tiningnan ko isa-isa ang mga outfits nila. Sabi ng staff maluluwag daw tapos yong iba naman masisikip. Sinimulan kong sipatin ang mga damit kung pwede pang gawan ng remedyo. Kinuha ko ang tape measure ko sa bulsa ng pantalon ko at isa-isa ko sila sinukatan.

Pero nong si Jin na ang susukatan ko biglang natahimik ang lahat. I tried to act professionally but I can't concentrate lalo na nong sinusukat ko yong balikat niya.

"Ano bang nangyari? Diba may mga stylist sila? Bat di nila utusan na sila ang gumawa? Tanong ko kay Angel.

"Oo nga bruh. Pero customized yong mga outfits nila. Made to order daw. Hindi marunong mag-ayos yong mga stylist nila kasi nga hindi naman sila mismo ang may gawa". Napapailing na lang ako. Buti na lang yong iba naayos na ni Angel pero yong iba kasi lalo na yong masisikip kailangan irepair. Buti na lang may mga allowance yong damit kaya pwedeng lakihan.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon