MY SUPERSTAR 44

1.4K 57 3
                                        

Pagkatapos namin mananghalian bumalik na ako ng hotel para makapaghanda sa date namin ni Jin. Pinaiwan na ni Angel si JD sa dorm para daw sila muna ang magalaga. Pagkatapos kong maligo naghanap na ako ng damit na susuotin ko sa date namin pero wala akong mapili. I chose a red long sleeve romper shorts with bareback details. Humarap ako sa salamin para tingnan kung okay ang suot ko. Medyo maikli ang romper pero okay naman siguro to. I chose a stud earrings and wore my favorite signature watch for my accessories. Since black clutch purse ang dala ko kaya black strappy sandals ang sinuot ko. Naglagay lang ako ng light make up tsaka hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto napakunot noo ako ng mapansin ko ang suot ni Jin. Slim fit ripped jeans at hoody jacket na kulay blue at itim na converse shoes. Nakaputi siyang baseball cap at puti din na face mask. Hindi akma ang suot ko sa suot niya.

"You're very pretty but I think you need to change your clothes". Medyo nadismaya ako kasi hirap na hirap ako sa paghahanap ng isusuot pero kailangan ko lang din palang magbihis.

"What should I wear then?" tanong ko sa kanya. Hindi na siya nagatubiling tingnan ang mga damit na nasa loob ng maleta ko at siya na ang pumili ng susuotin ko. Kinuha niya ang isang blue din na hoody jacket at ang isang itim na skinny ripped jeans at tinuro sakin ang vans ko na sapatos.

Pagkatapos ko magbihis iniabot niya sakin ang isang baseball cap na kulay itim at face mask.

"Wear these". Sinuot ko ang baseball cap at ang face mask na binigay niya. Inabot niya ang kamay ko at ngumiti siya sakin.

"Let's go".. lumabas kami sa kwarto, kinabahan ako ng makita ko na madaming tao sa hotel. Naramdaman niya siguro na kinakabahan ako kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Parang nabunutan ako ng tinik ng matiwasay kaming nakalabas sa hotel.

Inalalayan niya akong makasakay sa sasakyan niya at siya din mismo ang nagkabit ng seat belt ko.

"Where are we going?" Hindi siya sumagot basta pinaandar niya na lang ang sasakyan niya at ngumiti sakin. Binaling ko ang atensyon ko sa labas, napakaganda talaga ng Seoul. Labing limang minuto lang ang tinagal ng byahe namin. Nilingon ko siya ng mabasa ko kung nasan kaming lugar.

"What are we going to do here?" Sa dinami dami ng pwedeng puntahan na magagandang lugar dito sa Seoul, bakit dito sa Konkuk University pa kami pumunta? Alam ko dito siya nagcollege pero anong gagawin namin dito?

Tinanggal niya ang seatbelt ko at inalalayan akong makababa sa sasakyan. "We're here to date"..matipid na sagot niya. Date? Sa university kami magdidate? Wala na akong nagawa ng hinila niya ako palapit sa kanya. Pumasok kami sa isang building at sumakay ng elevator. Hawak niya parin ng mahigpit ang kamay ko. Tumigil ang elevator sa pinakalast floor ng building. Wala akong idea kung anong gagawin namin dito.

"Close your eyes". Tiningnan ko siya at napakunot ang noo ko. "Are you going to close your eyes or you want me to kiss you torridly?" kahit nagaalinlangan ako, pinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Naramdaman ko na lang ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha ko.

"Open your eyes now". Medyo nakiliti ako sa pagbulong niya sakin kaya napapiksi ako. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Am I dreaming? Totoo ba ang nakikita ko?

"You like it?"  tumango ako sa kanya kasi wala akong masabi sa nakikita ko. Nasa rooftop kami ng building at sa gitna ng rooftop may nakalatag na itim na mat at may mga maliliit na unan na hugis puso na kulay pula at mga stuffed toy na iba't ibang kulay. May mga maliliit din na ilaw na nakakalat lang sahig.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon