"Mahal mo parin siya?" Napawi ang ngiti sa mukha ko at napatingin sa direksyon ni Mia. Tatlong araw na siyang nakalabas ng hospital. Binalik ko ulit ang atensyon ko kay Jin at Yoongi na nasa may dalampasigan habang masinsinan na naguusap.
"Ikaw, mahal mo parin ba si Yoongi?"
"That means you still love him. Your avoiding my question because you're afraid to confirm your feelings". Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. May takot akong nararamdaman sa puso ko kaya iwas akong pagusapan ang tungkol saming dalawa ni Jin. Papalubog na ang araw pero nandito parin kami sa tabi ng dagat.
"Hindi ko alam"..napatingin sakin si Mia at pinagmasdan ako ng maigi.
"If you still love him why are you still with your fiance?" Napayuko ako sa tanong ni Mia. I can easily choose Jin, kaya ko namang gawin yon eh. Lalo na ngayong mga nagdaang araw na magkasama kami nararamdaman ko ang pagpapahalaga niya sakin. Hindi ko lang pinapahalata pero hindi naman ako bulag para hindi mapansin yon. Pero nandon ang takot sa puso ko. Takot na baka may mangyari na naman kapag nagkaayos kami.
"Complicated"..pagak na tawa lang ang naisagot ni Mia sakin.
"It's not complicated, you're the one who complicates everything. Hindi pa kayo kasal ng fiance mo pwede ka pang pumili, couz. It's not too late. Huwag kang gumaya sakin. Choose the right one. Gusto ko bago ako mawala, makita kong nasa maayos ka ng kalagayan. Kayo ni JD". Nakatingin siya kay Yoongi habang sinasabi niya yon sakin. Malungkot ang mga mata niya.
"Don't say that. Gagaling ka". Ngumiti siya ng pilit habang hindi parin inaalis ang tingin kay Yoongi.
"How about you? Do you still love him?" Tumingin siya sakin hanggang sa may bumagsak na butil ng luha sa mata niya. Pinahid niya ito at tumingin ulit sa direskyon ni Yoongi.
"Ay ano ba yan!" pinahid niya ang luha niya. "He's my home. It didn't leave. Nasa puso ko parin siya. Hanggang yata mamatay ako siya parin ang nasa puso ko. That's why I told you to choose because you still can. Samin kasi kung baga dead end na. He's married". Ramdam ko ang sakit sa boses niya kahit hindi niya sabihin sakin alam kong sobrang nahihirapan siya.
"What if..he chooses you?" Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus niyaya niya akong maglakad-lakad daw muna kami.
"If he will choose me..talo parin siya". Tumingin ako ulit sa kanya. Nakayuko siya habang pinagmamasdan ang alon na umaabot sa paa niya. Basa na din ang laylayan ng palda niya pero hindi siya nagrereklamo parang natutuwa pa siya sa nakikita niya.
"Why? Ang mahalaga pinili ka niya. Di ba dapat maging masaya ka don?"
"How can I be happy kung alam ko naman na maiiwan ko lang din naman siya. Pano ako magiging masaya kung alam ko naman na masasaktan ko siya? Kaya nga mas gusto kong mas piliin niya ang pamilya niya kesa sakin. Mas gusto kong piliin niya yong sigurado siya". Huminto kami saglit ng naging sunod-sunod ang paghinga niya na ikinabahala ko naman agad.
"Okay ka lang ba? Maupo muna tayo". Tumango siya sakin kahit hinahabol niya parin ang hininga niya.
"Medyo napagod lang ako. Matagal din kasi akong namalagi sa hospital hindi ako nakapaglakad-lakad ng matagal".
Nagpalinga-linga ako sa lugar. Medyo malayo na pala ang naabot namin. Inakay ko siya at naupo kami sa isang putol na kahoy na mukhang inanod lang ng alon sa pampang. Nagaagaw na ang dilim at liwanag. Pinagmasdan namin ang maliliit na ilaw ng mga bangkang namamalaot sa sa dagat.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfic#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...