4 YEARS AFTER:
"Bruh, nood tayo ng concert ng BTS sa Pilipinas". Tumingin sa akin si Angel na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"May sakit ka ba? Anong nangyari sayo? Bakit gusto mo manood ng concert nila?" Ginagawa ko to para kay Jimin. Tumawag kasi sa akin si Jimin nong isang araw. Gusto niya na daw magpropose kay Angel kaya kahit ayaw ko manood ng concert nila wala ako magawa.
"Bruh, ang daming demands ngayon. Peak season na. Baka hindi natin ma meet yong demands ng market". Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang plano ni Jimin sigurado ako uramismo mageempake to papuntang Pilipinas.
"Bruh, sige na. Pagbigyan na natin ang gusto ng inaanak mo. Gusto niya kasing mapanood magperform ang mga tito niya alam mo naman yon baby army. I'm doing this for my son. Kahit yon na lang pamasko mo sa kanya". Malapit si JD sa members, as in sobrang close niya sa anim. Sabi niya nga sa akin gusto niya din maging idol someday kasi role model niya ang mga tito niya. Ito din ang unang beses na makikita niya si Jin. Kilala niya si Jin bilang daddy niya at madalas niyang hinahanap ang daddy niya sa members pero sinasabi na lang ng members na busy ang daddy niya pero one day daw mamemeet niya din ito.
"Sige na nga. Pero pano ang ticket natin? Diba sa Sabado na concert nila? Huwebes na ngayon bruh. Sold out na for sure ang ticket. Wait..tawagan ko si Jimin". Akmang tatawagan niya si Jimin ng pigilan ko siya.
"Huwag na bruh. May ticket na tayo. Nakabili na ako, VIP front tayo. Buti nga wala ng standing ngayon. Mas okay yong nakaupo tayo kasi nakakangalay ang nakatayo baka maipit pa si JD". Tiningnan niya ako na parang takang taka siya.
"Parang handang handa ka bruh? Pano kung di ako pumayag?" Hindi talaga ako magaling magsinungaling. Ito ang ikakapahamak ng plano ni Jimin kapag pinahalata kong planado ang lahat.
"I anticipated everything bruh. Kahit nga si Mia wala din planong manood pero kinuhaan ko din ng ticket. Kung di ka man sumama eh di ibebenta ko ang ticket mo". Ang totoo kakutsaba din ni Jimin si Mia, lahat kami may alam si Angel lang talaga ang walang kaalam-alam sa plano ni Jimin.
"Kailan ang flight natin?"
"Bukas ng umaga bruh". Parang gulat na gulat na naman siya sa sinabi ko.
"Bakit bukas na? Ang bilis naman. May mga tinatapos pa ako bruh". Tinaasan ko siya ng kilay.
"Gaga ka! Nasa UK tayo. 14 hrs ang byahe pauwing Pilipinas. 8 hrs ahead ang Pilipinas. Sige nga kung bukas ng hapon tayo aalis sa tingin mo aabot tayo ng concert?" Natampal niya naman ang noo niya. Parang kakasink in palang sa utak niya na tama ang sinabi ko.
"Maghalf day tayo ngayon. Si Alexis na ang bahala dito. Babalik lang naman tayo ng Monday morning kasi may mga tinatapos din ako".
Sabay na kaming umuwi ng bahay. Kinakabahan ako sa kakahinatnan ng plano ni Jimin parang ako yong magpopropose. Pinagawan niya din ng damit sa akin si Angel at yon pa ang iniisip ko kung pano ko yon maipapasuot sa kanya. Kasi for sure magtataka siya kung bakit ko siya pagsusuotin ng ganong damit. Naku Jimin kung di lang talaga kita mahal! Hindi ko to gagawin.
Pagpasok pa lang namin sa pinto sinalubong na kami ng yakap ng bibong bibo kong anak.
"Hello mommy! Hello ninang pretty!" Pareho niya kaming pinupog ng halik kaya tuwang tuwa kami ni Angel sa kanya.
"What are you doing baby?" tanong ko sa kanya. JD is a smart kid. 1 yr old pa lang siya nong natuto siyang magsalita at hindi man lang siya utal. 4 na taon na siya ngayon. Nag-aaral na din siya, kumuha ako ng magaalaga sa kanya kapag nasa trabaho kami ni Angel. Madaming natutuwa sa kanya kasi chubby siya at litaw na litaw ang dugong korean niya. Kapag pumayat siya, mas lalo na niyang magiging kamukha ang tatay niya. Ngayon kasi siya ang pinatabang version ni Jin sabi ng mga members sa akin.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)