MY SUPERSTAR 16

1.7K 73 0
                                        

Saka ko lang naramdaman ang pagod ng mapadako ang tingin ko sa orasan, mag-aalas tres na pala ng madaling araw. Lumabas ako ng kwarto para pumunta ng kusina at magkape. Nagulat na lang ako ng madatnan ko na nasa living room ang bts, kasama sina Angel at Mia. Ang alam ko tapos na ang dalawang araw na concert nila dito sa London. Bakit kaya nandito parin sila? Di ko man lang napansin na nandito sila sa sobrang tutok ko sa ginagawa ko.

"Hey couz! What happened to you?" Tanong sakin ni Mia ng makita niya na may mga bahid ng pintura ang mukha ko at ang puting damit ko tsaka ang shorts ko. Bigla akong nahiya, umaga pa ng huling nadaanan ng suklay ang buhok ko.

Tumango ako sa kanila. "Painting". Simpleng sagot ko sa tanong ni Mia. Dumiretso na ako ng kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos ko magtimpla ng kape, pabalik na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ni Angel. Lumapit ulit ako sa living room.

"Bruh, lets have a vacation. You are working your ass off and maybe this is the best way to relax.?" Ang totoo gusto ko naman talaga magbakasyon, hindi lang talaga ako makahanap ng tyempo.

"I can't do that right now. You know how much busy I was for the past few days".

"That's why you need a vacation. Halos patayin mo na ang sarili mo sa pagtatrabaho bruh". Wala naman kasi talaga akong plano magbakasyon sa ngayon kasi madami akong ginagawa sa opisina pero nagbabalak naman akong umuwi ng Pilipinas.

"Noona, we are having our vacation since London is our last stop for our concert. You can go with us". Pagiimbita sa akin ni V.

"I want to spend my vacation in the Philippines because I need to visit our resort. Sorry if I can't be with you guys. Maybe next time". Sagot ko sa kanila.

"Let's have our vacation in the Philippines. I think it will be fun". Sagot naman ni RM. As much as possible ayaw ko silang makasama, hindi na ako komportable. Pumayag naman silang lahat, gusto daw nilang bumalik ng resort kasi hindi daw nila masyadong na-enjoy dati.

"I can't. I mean, I'm planning to have my vacation but not this month. I have a lot of deadlines this month so, its not really possible to have a vacation. If you want I can just ask my staff to reserve you a room in our resort". Tinaasan ako ng kilay ni Angel, sana huwag niya akong ibuko. Ang totoo kasi halos tapos na ang lahat ng designs na ginawa ko.

"Bruh, kailangan mong magbakasyon. Give yourself a break because you need it. Palagi kang subsob sa trabaho mo, you forgot to have some fun. It's about time to change your daily routines. Pahinga ka naman".

"Sige na couz. Pumayag ka na". Pakiusap sa akin ni Mia.

"I don't like my name to be dragged again this time. I don't like to read harsh and hurtful comment. I'm just protecting my name because no one will do it for me". Ayaw ko maging harsh sa kanila pero nagpapakatotoo lang ako. Nong halos di ako makalabas ng bahay dahil sa threat ng ibang fans nila, wala naman silang nagawa kasi they need also to prorect their name. Kaya di nila ako masisisi if I don't want to be with them.

"We're sorry if we aren't able to protect you before. We're very sorry about that". Sagot naman ni Jin.

"Let me think about it". Sagot ko sa kanila, nagpaalam ako at dumiretso na sa kwarto. Naligo ako at naghanda ng matulog.

Nagising ako ng maaga para magsimba, tuwing linggo kasi naka ugalian ko na talaga ang pagsisimba. Isang simpleng bestida lang ang isinuot ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pagmimake up. Mas okay na yong simple lang.

Nakauwi ako ng bahay bago mananghalian, nasa labas pa lang ako ng bahay rinig ko na ang tawanan sa loob. Pagpasok ko nadatnan ko sa bahay ang bts na may kanya kanyang ginagawa. Si V, JK at Jimin naglalaro ng PS4 habang si Yoongi naman at Jin nasa kitchen naghahanda ng lunch tapos si RM at Hobi nasa labas naman nagbabarbecue. Bakit na naman sila nandito?

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon