MY SUPERSTAR 58

1.1K 46 5
                                        

"What's the meaning of this?" nilapag ni Zach ang newspaper sa mesa, maaga kong hinatid sa school si JD kasi exam week nila ngayon. Dinampot ko ang newspaper at nakita ko na ako, si JD at Jin ang nasa front page.

"BTS JIN FINALLY SPOKE UP ABOUT HIS RUMORED "WIFE" AND HIS ADORABLE SON"

Nong family day kuha ang litratong nasa front page ng pahayagan. Pero wala akong matandaan na pinakilala niya ako bilang asawa niya. Sinabi niyang pamilya niya kami pero hindi niya sinabing kasal kami.

"You let them called you as his wife? You're already engaged, Yuri! Hindi mo man lang tinama ang iniisip nila patungkol sayo". Napakunot noo ako sa sinabi niya. Tinabi ko muna ang kapeng iniinom ko bago ko kinalma ang sarili ko.

"Zach, it's not like that. Hindi sinabi ni Jin na asawa niya ako. Wala din akong matandaan na may nagtanong sakanya tungkol sa relasyon namin. Not all the things that was written on a newspaper are accurate". Paliwanag ko sa kanya habang pinagmamasdan ko siya na hindi mapirmi sa isang tabi.

"Pinagtatanggol mo pa siya? Yuri, open your goddamn eyes! He's just using you para bumango ang pangalan niya. Para mapansin sila ulit kasi matagal silang namahinga! It's all about publicity!" Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Oo, may kasalanan si Jin sakin pero hindi niya ugali ang manggamit ng tao para sumikat. Hindi sila ganon. Tumayo ako at lumapit sa kanya, saka ko lang napagmasdan ang pamumula ng mukha niya. Isang palatandaan na galit talaga siya.

"I can't believe this. Pupunta ka lang dito sa bahay para awayin ako dahil nasa front page ako ng pahayagan at pinagkamalang asawa ni Jin? You're not even there..so, what's the fuss all about, Zachary? Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"That's the point! I'm not there pero pumunta parin kayo. I told you na huwag na lang kayong pumunta don!" napaatras ako ng sumigaw siya at makita ang iilang ugat niya sa leeg na naglilitawan dahil sa galit niya.

"Kasi gustong pumunta ni JD, Zach. Hindi na siya nakapagattend last year kasi busy ka din. Bakit ba ang hirap mong paliwanagan? I thought we're okay? Kala ko ba okay sayo na pumunta kami? Bakit ngayon kailangan mong isumbat sakin to?!!"

"He is your son, Yuri! May karapatan kang kontrolin kung anong gusto niya. Anak mo lang siya! Not unless gusto mo rin makasama ang tatay ng anak mo!" hindi ko na napigilan ng umigkas ang kamay ko sa mukha niya. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Parang ibang Zach ang kaharap ko ngayon, nasan na yong Zach na minahal ko?

"Hindi ko akalain na ganyan kababaw ang pagkakakilala mo sakin, Zach. Nakakapagbitaw ka ng ganyang salita kasi hindi mo pa nararanasan na maging magulang". Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at dahan-dahan siyang lumapit sakin pero umiwas ako sa kanya.

"Leave"..matigas na utos ko sa kanya.

"We need to talk, Yuri". Mahinahon na pakiusap niya. Lumapit pa siya ulit sakin pero umiwas ako at bumalik sa dati kung puwesto.

"We're already talking. May plano ka palang kausapin ako pero simula ng pagdating mo ang init na ng ulo mo. Umalis ka na! Saka na tayo magusap". Pagtataboy ko sa kanya. Pero hindi parin siya umalis, bagkus umupo pa siya sa harap ko.

"Let's move our wedding. We can make it next month. Pwede tayong magpakasal muna dito tapos umuwi na lang tayo ng Pilipinas para sa church wedding natin". Hindi demanding ang Zach na nakilala ko dati, pero bakit siya naging ganito? Bakit parang sa isang iglap nagbago ang lahat sa kanya?

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon