Umalis kami ng Korea ng alas dos ng hapon. Iniwan namin si JD sa magulang ni Jin at buti na lang pumayag naman siya. Sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko ibabalita kay tito na hindi pumayag si Yoongi na dalawin si Mia. Hindi niya pinakinggan ang pakiusap namin ni Jin.
******
"I can't. I'm sorry but I can't. I'm trying to be a responsible family man to my wife and to my son". Kahit sinasabi niyang ayaw niyang dalawin si Mia, mahahalata mo ang paghihirap sa mukha niya. Nadatnan namin siya ni Jin sa studio niya.
"Just convince her, Yoongi". Pakiusap sa kanya ulit ni Jin.
"No..I'm sorry".
"It's okay, Yoongi. I understand. Thank you for your time". Niyaya ko na si Jin na bumalik ng bahay pero hindi siya natinag. Ayaw kong pilitin si Yoongi kasi desisyon niya naman kung ayaw niya pumunta para kausapin si Mia at wala kaming magagawa kung ayaw niya.
"Just a little consideration, Yoongi. No matter how much you want to avoid her in your life..you can't still erase the fact that at one point in your life..you loved her".
"I know! And that's the reason why I don't want to see her. Because I am afraid ---I am afraid that I finally give up my family for her. When I am with her she makes me do impossible things possible". Naisabunot niya ang kamay sa buhok niya sa sobrang frustration.
******
Umalis kami ng studio niya na sobrang naguguluhan parin siya at naiintindihan ko yon. Alam ko na mahirap ang sitwasyon niya.
"You didn't sleep since we left. I know you're tired. I'll wake you up once we already in the Philippines". Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko alam kung pano ako magpapasalamat sa kanya. Tinanggihan niya ang pagiging lead role sa isang Korean tv series para sakin. Para samahan ako sa Pilipinas.
Marahang haplos sa pisngi ang nagpagising sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko at napatingin sa bintana. Nagaagaw na ang liwanag at dilim sa labas at kapansin pansin din ang mga mumunting ilaw na nagmumula sa mga gusali sa siyudad.
"We're finally here"..
"You didn't sleep?" umiling siya at bahagyang ngumiti. Inayos niya ang face mask niya at ang baseball cap na suot niya. Medyo tabingi ang pagkakalagay niya ng facemask kaya inayos ko ito para sa kanya.
Magaalas siyete na kami dumating ng airport. Habang kinukuha niya ang luggage namin, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa paligid ko. Kinakabahan ako na dumugin siya kapag may nakakilala sa kanya.
Parang biglang nagslowmo ang paglalakad niya palapit sakin. Hindi ko magawang ibaling sa iba ang atensyon ko pero ng may mataan akong magbabarkada na tinitingnan siya at nagbubulungan. Sinalubong ko siya at biglang niyakap ng mahigpit.
Wala man siyang idea sa nangyayari sa paligid niya, niyakap niya parin ako pabalik. Tumingala ako para makita ko ang mukha niya. Ang hirap kapag 5'5 ka lang at 5'10 ang kayakap mo. Nagtatanong ang mga mata niya kaya napangiti ako.
"I need to this..to distract them. I think they have an idea that you're a famous celebrity". Paliwanag ko sa kanya habang hindi parin inaalis ang mga mata ko sa mukha niya. Siguro kung may makakakita samin iisipin na magasawa or magkasintahan kami. Pasimple akong tumingin sa paligid namin at nakita ko ang mangilan-ngilang tao na nakamasid samin at kinikilig.
"Let's go?" tumango siya bilang tugon sakin. Nauna akong maglakad sa kanya habang tinatawagan ko ang driver ni tito na magsusundo samin, hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit at taas noong naglakad palabas ng airport.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)