Inabala ko ang paglilinis ng kusina. Nakapagluto na ako ng agahan at nahugasan ko na rin ang lahat ng hugasan. Kasalukuyan akong nagmamop ng sahig ng mapansin ko si Angel sa bukana ng kusina. Nakasandig siya sa hamba ng pinto at pinagmamasdan ako.
"Can we talk?" seryosong tanong niya sakin. Tumango ako at itinabi ang mop. Lumapit kami sa dining table at umupo siya sa harap ko.
"Nakaalis na ba sila?"
"Nakaalis na sila". Matipid na sagot niya sakin. Sa uri ng tingin niya sakin alam kong pinagaaralan niya ang bawat galaw ko.
"Bakit mo kailangan pumili kung hindi naman talaga yon ang totoong nararamdaman mo?" tumayo ako saglit at kumuha ng maiinom sa ref.
"Do you want anything?" tanong ko sa kanya habang hawak ko ang isang pitsel ng juice. Umiling lang siya sa tanong ko. Bumalik ako sa puwesto ko kanina at naupo ulit.
"Mas sigurado ako kay Zach. Alam ko na hindi niya ako iiwanan at hindi niya ako sasaktan, bruh". Napataas ang kilay niya sa sinabi ko at bahagya niyang naipilig ang ulo niya.
"Sino ba yong nandiyan at tinalikuran ang trabaho niya para sumama sayo dito? Hindi ba si Jin? Hindi pa ba yon sapat sayo?" medyo napataas na ang tono ng boses niya kaya alam kong galit siya sakin.
"Mas tahimik ang magiging buhay ko sa piling ni Zach, bruh. Kung magiging kami ulit ni Jin kaakibat na ng pagsasama namin ang walang katapusang issue at problema. Sawang-sawa na ako don. Ayaw ko na ng ganon!"
"So, pinipili mo ang buhay na tahimik pero hindi masaya kesa sa buhay na walang privacy pero masaya kasi kasama mo ang tunay na mahal mo? Tama nga ang sabi ng matatanda..you really can't have it all. Matalino ka pero ang bobo mo sa pagibig!" kung hindi lang siya buntis papatulan ko siya pero alam ko naman kung bakit ganyan ang reaksyon niya, alam kong concerned lang siya sakin.
"Bruh, let me remind you something..paulit-ulit kang pinili ni Jin. Palaging ikaw ang pinipili niya. Nagkamali siya ng isa o dalawang beses pero sinuklian niya yon ng pinili ka niya kesa career niya. Ilang beses ng tinaya ni Jin ang career niya para sayo. Di mo ba yon nakikita? Bulag ka ba?"
"Ilang beses ko din siyang pinili dati, bruh. I'm ready to risk it all..for him. Pero wala eh. Hindi siguro kami para sa isa't isa".
"Ano to gantihan? Bakit kasi hindi mo sundin ang tinitibok ng puso mo? Hindi ko masisisi si Jin kung tuluyan siyang mapagod sayo at sana huwag mo yon pagsisihan sa huli". Napapailing na komento niya sakin.
******
[3 months after]
"Hon, next month na ang kasal natin pero wala ka parin nakukuhang wedding gown. I thought you're the one who will make your own gown. Bakit gusto mo bumili na lang?" Nakabalik na kami dito ni Zach sa Busuanga kahapon lang at kasalukuyan kaming tumutuloy dito sa townhouse ni Mia. Dito ko na kasi naisip magpakasal kasi nandito na sina tito naninirahan, lumipat na sila dito nong isang buwan para mas maalagaan si Mia. Sila na lang ang pamilya ko kaya dito ko na lang din naisip magpakasal.
Nasa veranda kami ni Zach at pinafinalize na namin ang kasal namin sa sunod na buwan.
"Maghahanap na lang ako. Mas matututukan ko ang preparations sa kasal kung hindi ako ang gagawa ng gown ko". Tinitingnan isa-isa ang mga invitations at ang listahan ng mga imbitado.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)