Nagcheck in kami sa pinakamalapit na hotel sa dorm nila para daw madali niya lang kaming mapuntahan. Hindi na siya bumaba ng sasakyan kasi baka daw dumugin siya kapag may mga nakakita sa kanya lalo na mga reporters.
"JD, let's talk anak". Inayos ko ang maleta namin at binihisan ko siya. Alam niya na may kasalanan siya kaya nakayuko lang siya ng lumapit sakin.
"What did I tell you before about the elderly people?" tanong ko sa kanya habang nakayuko siya. "Look at me JD". Utos ko sa kanya kaya dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya.
"I'm sorry mommy. Grandpa is bad. Why is he like that? He's making you and daddy cry. I hate that old man!" napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Mabait na bata si JD kaya hindi ako sanay na nakikita siyang nagtatanim ng hinanakit sa isang tao.
"Anak, you need to respect grandpa. He's just like that because he cares for your daddy. Don't get upset". Tumango siya sakin pero alam ko na masama parin ang loob niya kay PD nim.
Kinabukasan nagising ako sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. It's Jin.
"Annyeong".. bati ko sa kanya.
"Annyeong. I'm here at the hotel's lobby. What room are you?" tanong niya sakin. Sinabi ko sa kanya ang room no. namin. Pagkatapos namin magusap dali-dali akong nagtoothbrush at naghilamos. Paglabas ko ng banyo, tulog na tulog parin si JD kaya hinayaan ko na lang siyang matulog pa. Magaalas sais pa lang naman ng umaga.
Binuksan ko ang pinto ng marinig ko ang sunod sunod na katok. Tumambad sa harap ko si Jin na nakabaseball cap na black at nakaface mask. Sinalubong niya agad ako ng yakap kaya hindi agad ako nakagalaw sa sobrang gulat ko. Napakunot noo ako ng makita ko ang suot niya, para lang siyang nakapambahay.
"Why are you here?" dumiretso siya sa kama at pinagmasdan si JD na mahimbing na natutulog. Hinalikan niya ito sa noo at umupo sa couch sa may tabi ng kama.
"Please don't open your social media accounts". Kahit hindi niya sabihin sakin alam ko naman na madami na naman akong hate comment at death threat na matatanggap. Inaasahan ko na yon. Hiniram niya sakin ang cellphone ko, nagtataka man ako pero binigay ko na lang sa kanya.
"I'll deactivate your social media accounts for awhile. Is that okay?" Hindi naman ako masyadong mahilig sa social media kaya wala akong nakikitang dahilan para hindi pumayag sa gusto niya. Tumango ako sa kanya bilang pagsangayon sa gusto niya. Lumapit ako sa kanya ng hiningi niya ang password ng social media accounts ko. Tumabi ako sa kanya sa couch, pero pagopen pa lang ng facebook ko nasa 844 unread messages na ang nakita namin at halos 3000 notifications in just a day. Nabuksan ni Jin ang isang notification na nakatag sakin.
"PETITION FOR A DNA TEST JUST TO MAKE SURE THAT BASTARD IS JIN'S LEGITIMATE CHILD!" Parang nanikip ang dibdib ko sa nabasa ko. Halos magiisang million na ang share ng post at puro hate comment ang nabasa namin. Okay lang sana kung ako lang ang makatanggap ng hate comment huwag lang isali si JD kasi mas masakit yon para sakin. Tawagin nila ako ng kung ano-ano matatanggap ko yon huwag lang nila tawagin na bastardo ang anak ko. Kinabig ako ni Jin palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit ng makita niyang umiiyak ako.
"I'll do everything for you and for JD's happiness. We will get through this". Kung kaya niya akong ipaglaban siguro kailangan ko narin manindigan para sa aming dalawa. Sa init ng yakap niya, napanatag ako kahit papano. Nawala ang mga agam-agam ko para saming dalawa.
"Can you extend your stay here at least a day? It's eomma's birthday on Saturday. I want you to meet my family". Hindi ko pa nakikita o nakikilala ang pamilya niya kaya parang nabalot ng kaba ang dibdib ko. Hindi na ako nagsalita ulit. Tumango na lang ako sa kanya para iparating sa kanya na pumapayag ako kahit parang labag sa kalooban ko.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)