"Kawawa naman ang prinsesa. Di ba sila nagkatuluyan ng prince charming niya ate?" Nguminti ako kay Pindoy, ang isa sa mga batang napalapit na sakin.
"Hanggang don na lang ang kwento mga bata. Naikwento ko na sainyo ang buhay ni prinsesa at ng prinsipe niya. Kailangan ko ng umalis". Nasa medical mission kami na sponsor ng resort namin. At isa ang Sitio Matinag sa madalas kong bisitahin dahil napalapit na ako sa mga bata dito.
Inayos ko na ang backpack ko at ang mga dala kong fairytale books at coloring books na para sa mga bata. Tumingin ako sa gilid ko ng maramdaman ko na may humihila ng laylayan ng damit ko.
"Ate, kailan kayo ulit babalik dito?" yumuko ako para maging magkalebel kami ni Kaikai, isa siya sa mga batang napaopera ko kasi may bingot siya dati.
"Matatagalan pa ako bago bumalik. Bakit? May gusto ka bang ipabili?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at pinagsalikop ang mga kamay.
"Kayo yong prinsesa sa kwento niyo ate, diba?" hindi ko siya sinagot. Ngumiti lang ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
Isinuot ko ang backpack ko at inayos ang baseball cap ko. Pinagpag ko ang natuyong putik sa itim na leggings ko at ininspeksyon ang sapatos ko na punong puno din ng putik. Umulan kasi kanina ng paakyat kami dito sa bundok.
It's been two years when I decided to moved here in Siargao for good. Madami ng nangyari sa paglipas ng panahon. Madami ng nawala sa buhay ko at may mga dumating din na bago pero nanatiling sarado ang puso ko sa mga gustong pumasok dito na hindi pakikipagkaibigan ang hangarin.
"Uuwi ka na ba ineng?" lumingon ako sa direksyon ng nagsalita. Nakita ko ang pinuno ng tribo na si Ka Tasyong, ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Opo, tay. Baka po makabalik naman ako sa makalawa. Dala ko na po yong mga bitamina ng mga bata at matatanda".
"Pagpalain ka ng Diyos, anak. Maraming salamat kasi hindi mo kami pinapabayaan". Binigay niya sakin ang isang sako na may mga lamang gulay at prutas.
"Tanggapin mo sana itong munti naming regalo, sayo. Pasensya ka na yan lang ang nakayanan namin". Taos puso akong nagpasalamat sa kanya at tinanggap ang mga gulay at prutas.
"Papahatid kita sa paanan nitong bundok para hindi ka mahirapan sa pagbaba. Maraming salamat ulit sa tulong mo saamin". Niyakap ko siya at hinaplos ang likod. Napamahal na sila sakin kaya tinuring ko na silang pamilya.
"Mauuna na po ako, tay". Nagpaalam ako sa mga bata at sa tribo bago ako umalis. May kasama akong bumaba ng bundok para magbitbit ng mga gulay at prutas na pinadala ni Ka Tasyong.
Medyo dumidilim na ng makarating kami sa paanan ng bundok. Ang isang oras na lakaran naging isa't kalahati dahil sa dulas ng daan.
"Maraming salamat po sa paghatid Mang Pising".
"Sigurado ka bang kaya mo na? Ihatid na lang kita sa resort. Maaga pa naman".
"Naku..huwag na po. Kaya ko na po ito". Kinuha ko ang bike ko sa pinagiwanan ko kaninang paakyat kami ng bundok.
"Saan natin ito ilalagay?" tukoy niya sakong may mga lamang gulay at prutas.
"Sa likod na lang po. Itali po natin".
"Masyadong mabigat ito. Baka mahirapan ka". Nagaalang komento niya. Sanay na ako kaya hindi na sakin bago to.
Halos sa dalawang taon naging ganito ang buhay ko. Ako parin ang nangangasiwa ng Dale at ng resort pero kapag may mga meeting sa Dale si Angel na ang pumupunta. Masaya akong mamuhay ng tahimik sa resort. Parang hindi ko maiwan ang puntod ng anak ko. Gusto ko man bumalik ng London pero parang hindi kaya ng puso kong lisanin ang lugar na to.
Maingat kong tinahak ang daan pauwing resort dahil sa dulas ng kalsada pero hindi pa ako nangangalahati ng tinatahak na daan ng biglang bumuhos ang ulan.
"Ngayon pa talaga. Pambihira naman!" Kahit gusto kong sumilong hindi ko ginawa. Kailangan kong makarating ng resort bago magalas siyete ng gabi. Tatawag si JD sa akin ngayong gabi kaya ayaw kong palagpasin ang oras na to. Minsan lang kaming magkausap kasi masyado siyang busy sa pagaaral niya. Mahigit isang taon na kaming hindi nagkikita kasi nong isang taon umuwi siya dito sa Siargao para magbakasyon.
Dahil sa buhos ng ulan at sa dilim ng paligid halos hindi ko na maaninag ang daan, kampante naman akong magiging maayos ang biyahe ko kasi dumaan ako sa shortcut papuntang resort. Wala masyadong dumadaan na sasakyan dito.
Bibihira akong dumaan sa lugar na to kasi natatakot ako sa nagtatayugang puno na siyang dahilan kung bakit mas dumidilim pa lalo ang daan pero ang importante kasi sakin ang makauwi bago tumawag ang anak ko. Sabik na sabik na ako sa kanya.
Papaliko na sana ako ng biglang may nakasalubong akong sasakyan at dahil sa wala akong ilaw hindi niya siguro ako napansin agad, nasilaw ako ng ilaw ng sasakyan niya at huli na ng makabawi ako. Natumba na ako kasi nawalan ako ng balanse. Naramdaman ko ang pagkirot ng tuhod ko at ang pagsirit ng dugo dito. Hindi ako makatayo agad sa sobrang sakit ng tuhod ko parang tumama ito sa matulis na bagay, nagkalat din ang mga gulat at prutas na binigay sakin.
"Araaaaaay"..daing ko ng paulit-ulit. Hindi ko madukot ang cellphone sa bulsa ko kasi kahit yata ang braso ko may pilay.
"Miss"..hindi ako makapagsalita sa sakit.
"Miss..I'm going to bring you to the hospital. I'm sorry, just hold on".
His voice..pamilyar ang boses niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabingan ang mukha ko ng sumbrerong suot ko. Patuloy ko paring kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko pero hindi ko ito makapa siguro tumilapon din ito ng matumba ako.
"I'm sorry, miss". Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng tela na itinali sa tuhod ko kasi kahit nakaleggings ako na kulay itim makikita mo parin ang pagtulo ng dugo galing sa tuhod ko pababa sa sapatos ko na kulay puti.
"Please..bring me..to-to the h-hospital". Putol-putol na pakiusap ko sa kanya.
Inalalayan niya akong makatayo pero ng magdikit ang katawan namin parang biglang may kung ano mang kuryente ang dumaloy sa katawan ko.
Ipinilig ko ang ulo ko kaya natanggal ang sumbrerong suot ko. Bumubuhos parin ang ulan pero malinaw sa mata ko ang lalaking nakaalalay sakin ngayon.
Matagal kaming hindi nakapagsalita pareho. Nagkakatitigan kami ng ilang segundo bago ko naramdaman ang pagkahilo ko hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Pero bago ko ipikit ang mga mata ko natawag ko pa ang pangalan niya..
"Jin"..
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfic#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...