MY SUPERSTAR 63

1.1K 45 2
                                    

Nagkatinginan kami ni Jin ng may marinig kaming nagsisigawan sa living room. Binitiwan ko ang pinggang hinuhugasan ko at nagmamadaling pinunasan ang kamay ko. Pinatay ni Jin ang gas range at sinamahan akong pumunta ng living room. There you go. It's Angel and Heaven fighting again. Sabay kaming nagkatinginan ulit ni Jin at sabay din kaming napailing. Sa araw-araw yatang ginawa ng Diyos simula ng dumating sila dito wala na silang ginawa kundi ang magaway.

"What's your problem ba, ate? Bakit palaging ako na lang ang nakikita mo? Wala akong ginagawa!" nakasuot ng pulang two piece si Heaven -- red tube bra at string red bikini. May suot din siyang red wide brimmed hat.

"Ayusin mo ang suot mo! Wala ka na sa club na pinagtatrabahuhan mo!" Ilang segundong hindi nakasagot si Heaven. Kitang kita ko rin ang sakit na rumihistro sa mukha niya ng marinig niya ang sinabi ni Angel.

Walang magawa si Jimin. Nasa pagitan siya ng dalawa pero hindi niya ito masaway pareho. Hindi siya makasingit sa pagsasagutan ng dalawa.

"Nasa beach tayo ate. Anong masama sa pagsusuot ng two piece? Kapag nakasuot ba ako ng ganito ganon parin ang tingin mo sakin?" garalgal ang boses ni Heaven. Pinipigilan niyang huwag maiyak kaya pilit niyang kinakagat ang labi niya.

"Wala na akong ginawang tama sayo. Palagi na lang ganito. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sayo. Bakit ka ba ganyan sakin? Simula pa lang pagdating ko ganyan ka na sakin. Sinusubukan kitang intindihin kasi buntis ka pero this is too much!" Napayuko si Angel sa sinabi ni Heaven. Basta na lang tinanggal ni Heaven and wide brimmed hat niya at tinapon ito kung saan.

"Palagi mo na lang akong pinagdududahan. Hindi ako ganon katanga para hindi ko mapansin na halos bakuran mo si kuya Jimin kapag nasa bahay siya. Bakit? Akala mo aahasin ko ang asawa mo? Hindi ako ganon kalandi! Dancer lang ako dati pero hindi ako puta! Isang lalaki lang ang nilandi ko! Alam mo yan!!" tuluyan ng napahagulgol si Heaven. Naihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha niya.

"Ahmmm..I think you shou---"

"Shut up, Jimin!" Saway ni Angel kay Jimin. Para itong batang napahalukipkip sa isang tabi ng sinaway ito ni Angel.

"Guys, what's going on?" pumasok si RM, JK, V at Hobi na galing yata sa dagat base na rin sa itsura nila. Basa ang mga damit nilang suot at ganon din ang buhok nila.

"Ohhh..they are fighting again". Komento ni JK habang palipat-lipat ang atensyon kay Angel at Heaven.

Lumapit si Hobi kay Heaven at pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Heaven sa mukha. Niyakap niya si Heaven pero tinulak lang siya nito.

"You're thinking that I am a slut too, right? Don't come near me. I hate you to core!" Tumingin si Hobi kay Angel na parang humihingi ng paliwanag kung anong nangyari.

"Kuya Jimin, I'll be leaving now. I'm going back to the US. I'm sorry". Gusto siyang pigilan ni Jimin pero napapansin kong nagaalinlangan siya siguro dahil narin kay Angel.

"Ate Yuri, pasensiya na kung dito pa kami nagkagulo. Pakisabi kay ate Mia na maraming salamat sa pagtanggap niya samin". Wala akong naapuhap na sasabihin. Napatango lang ako sa kanya. Tinalikuran niya sila Angel at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

"What did you do this time, Angel?" tanong ni Hobi kay Angel bago tuluyan niyang talikuran sila at sumunod kay Heaven.

Buti na lang wala si Mia at Yoongi ngayon. Nasa check up si Mia kaya sinamahan siya ni Yongi. Binawal kasi ng doktor ang stress sa kanya. Kung nandito siya masasaksihan niya sana ang sagutan ng dalawa.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon