MY SUPERSTAR 18

1.8K 73 0
                                        

Nagising ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Maaga akong nakatulog kagabi siguro dahil sa pagod sa byahe kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Gising na ako pero hindi ko maidilat ang mga mata ko, hanggang sa may nasagi ang paa ko. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at don tumambad sa akin ang maamo niyang mukha. Pinagmasdan ko ang mukha niya, siguro naman hindi siya magigising sa ginagawa ko. Ito yong unang pagkakataon na may nakatabi akong lalaki sa isang kama. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi, napalunok ako ng makita ko kung gano kaperpekto ang labi niya. Kitang kita ko rin ang malapad niyang balikat dahil sa suot niya lang na sandong itim. I don't know if I can consider this as a blessing but sleeping right next to this guy is like visiting again this majestic place--it feels home. I felt like I'm home.

I tried to reach for his face. I want to touch it even just a single second and then reality hit me. I can sleep just an inch from him but I can't have him, he's out of reach. Binawi ko ang kamay ko, dapat tanggapin ko ng siguro kami ang living proof ng "pinagtagpo pero hindi itinadhana" na kahit gustuhin ko man hindi talaga siya magiging akin. Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng pakiramdam ko.

Pinagmasdan ko ulit ang mukha niya pero bigla naman siyang dumilat kaya sa gulat ko muntikan pa akong mahulog sa kama buti na lang nahawakan niya ang bewang ko. Ang awkward ng posisyon namin, hindi ko rin maipaliwanag ang pintig ng puso ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan, walang gustong magsalita.

"Did I wake you up?" Umiling lang siya sa tanong ko.

"Good morning. I have the most wonderful sleep today". Bakit kaya? Is it because of the fresh air or the place itself? Maybe, this place is a great help to him or even to his other members for them to relax and for their peace of mind.

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. I tied my hair into a messy bun, hindi na muna ako magpapalit ng damit. Okay naman ang suot ko, paglabas ko ng banyo nakita ko agad siya na prenteng nakaupo sa may edge ng kama. Tumayo siya pagkakita sa akin, at siya naman ang pumasok sa banyo.

Chineck ko ang cellphone ko kung may tumawag sa akin or may nag message pero wala naman. I checked also my emails, 200+ unread mails just for a day. Napabuntong hininga ako, kahit nasa bakasyon ako sinusundan parin ako ng trabaho ko.

"Are you okay?" Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya ng banyo. Tiningnan ko siya, is it possible for a man to look devilishly handsome even after he washed his face? Because if not, well..I think you need to see his face. Stop praising him bitch! Sigaw ng isip ko.

Sabay kaming lumabas ng kwarto, dumiretso kami ng kusina para magluto sana ng breakfast pero nadatnan namin si Jimin na nakahubad baro at tanging sweat pants lang ang suot habang nakayakap sa likod ni Angel. Hindi kaya masunog ang niluluto ni Angel niyan?

"Jimin, are you running out of clothes?" Tanong ni Jin sa kanya.

"It's too hot yhung". Sagot naman ni Jimin. Mainit pala pero kung makayakap parang sobrang nilalamig.

"You feel hot but you kept on hugging Angel. Maybe that's the reason why you're feeling that way. Go to your room and look for a decent clothes". Wow! Look who's talking? As if he's wearing a decent clothes either. He's still wearing the black fitted sando that emphasize his lean body and his broad shoulder. Tell me,  how do I breath properly?

"Bruh, ako na magluluto. Samahan mo na lang si Jimin maghanap ng maisusuot mukhang sobrang nagtitipid kasi sa damit". Presenta ko kay Angel. Paalis na sila ni Jimin ng bumulong siya sa akin "Masarap ba bruh? Ang hot ng mga boys natin noh? Katawan pa lang ula---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng kinurot ko siya sa tagiliran. "Hajima! Noona, don't hurt her". Saway naman ni Jimin sa akin habang hawak ang kamay ko.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon