Nagsialisan na ang ibang members at si Jin na lang ang natira sa cabin. Ito na naman ang kabog ng puso ko parang anytime soon makakalabas na ng rib cage ko ang puso ko.
"Drink your medicine before you sleep". Ganon parin ang posisyon namin nasa couch ako at siya naman nasa sahig.
"I need to eat first". Tumayo siya sa pagkakaupo. "What do you have in your fridge?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako kasi ang totoo wala na atang laman ang ref ko. "You don't have anything in your fridge". Tumabi siya sa akin sa couch kaya halos di na naman ako makahinga. Tumawag siya sa resort gamit ang telepono na nasa may tabi ng couch. Siya na rin ang nag decide kung anong kakainin ko. Grabe ang suwerte siguro ng magiging gf niya kasi sobra siya mag alaga.
"You don't need to do that. Don't allow someone to hurt you". Kinuha niya sa akin ang hawak ko na cold compress at siya na ang gumamot ng pasa ko sa mukha. Malaya kong napagmasdan ang mukha niya, lahat naman ng member ng BTS gwapo pero bakit kapag siya ang tinititigan ko para akong nalalasing sa mukha niya?
Dumating ang pagkain ko at siya narin ang tumanggap at nag pasalamat sa staff na naghatid ng pagkain ko. Siya rin ang nag ayos ng pagkain na nasa tray, kukunin ko na sana ang kutsara ng inagaw niya ito sa akin. "Let me take care of you, even just for tonight". Gusto niya akong subuan? Hindi na ako bata. "I can feed myself". Umiling siya at sinubo sa akin ang pagkain. Anong meron ba sa aming dalawa? May magkaibigan naman sigurong nagsusubuan, naghahawakan ng kamay at nagyayakapan diba?
Umupo ulit siya sa sahig, sa may paanan ko. Siguro nararamdaman niya rin na hindi ako komportable na magkatabi kami.
"We decided to leave this resort three days from now. We will be leaving on Friday afternoon, someone will fetch us from here using Bighit's private jet and we will be flying to Manila". Parang bigla akong nalungkot sa sinabi niya pero siguro tama lang din to para maputol na kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Mawawala din siguro to kapag di ko na siya makita. "I thought you're going to stay here until next week?"
"We're causing too much trouble here and besides, we need to practice for our upcoming concert". Kahit naman pasaway sila, natutuwa parin ako kasi nakakangiti ako ng dahil sa kanila. Gusto ko sanang itanong kung anong mangyayari sa aming dalawa? Kapag nakabalik na ba siya ng Korea makakapagusap parin kami?
"Are you going to watch our concert?" Sa totoo lang nagdadalawang isip ako kung manonood ako. "I'm not sure yet but I'll try". Tumango siya sa akin.
"Why are you here? I mean what made you decide on staying here? Because you know what I can sense that something happened in Korea. Can you tell me what really happened?"
Nagbuntong hininga siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Bighit decided to sent me here because I was receiving a lot of death threats for the past months". So, hindi totoong desisyon niya ang pagpunta dito.
"At first we didn't take it seriously because death threats are normal to us, I mean it's part of being an artist but we got rattle when someone smashed my car and left a note that he will kill me". Ano bang makukuha ng mga taong nagpapadala ng death threats sa mga sikat na artist? Inggit ba sila? Idols are human too. They got scared, they feel sad. The worst part of being an artist is you get all the attentions from your fans---love, care, support but at the end of the day you can't escape the reality that you don't have freedom. You can't do what you want because you need to consider your fans. Bigla akong nalungkot para sa kanya at para na rin sa ibang members.
"For sure everything will be alright. Bighit will take care of you". Hindi ko man alam kung anong naghihintay para saming dalawa sa labas ng resort na to pero isa lang ang sigurado ko, iingatan ko ang mga ala-alang nabuo namin dito sa resort.
![](https://img.wattpad.com/cover/167521572-288-k643247.jpg)
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...