MY SUPERSTAR 60

1.2K 51 2
                                        

"Daaaadddy!"

Napapailing na lang ako ng takbuhin ni JD si Jin paglabas namin sa Incheon Airport. Spring na sa Korea ngayon kaya ang ganda ng panahon. Napangiti ako ng yapusin niya ang daddy niya ng kinarga siya nito. Napahagikhik pa si Jin ng pinupog siya nito ng halik sa mukha.

"Does it still hurt, daddy?" tanong niya kay Jin habang hinahaplos ang pasa ni Jin sa labi dahil sa suntok ni Zach.

"Hmmm..yeah but I think you need to kiss daddy so that it will lessen the pain". Hindi naman nagalinlangan si JD na halikan si Jin sa labi na kinatuwa lalo ni Jin. Ibinaba niya ito at pinasakay sa backseat, kinuha niya naman ang luggage naming magina at inalalayan ako makasakay sa passenger seat.

"Daddy, where's lola and lolo?" malambing na tanong ni JD kay Jin habang bumabyahe kami pauwi sa kanila.

"You'll see them later, son". Hindi na ulit nangulit si JD at inabala na lang ang sarili sa paglalaro sa ipad niya.

Pagdating namin sa bahay nila Jin, sinalubong kami ng pamilya niya. Kasama ang kuya niya at ang asawa nito.

"Annyeonghaseyo"..bati ko sa kanila, tinakbo naman agad ni JD ang lola at lola niya at niyakap kaya tuwang-tuwa sila.

"How's your flight?" tanong ng mommy ni Jin sakin ng lumapit siya sakin para yakapin ako at makipagbeso.

"Great. We just slept a lot". Nagpaalam si Jin na ipapasok niya muna ang maleta namin sa kwarto at susunod na lang daw siya samin para kumain. Hindi mapuknat ang pagkukwento ni JD tungkol sa school at sa mga sinalihan niyang extra curricular activities bukod sa mga piano recitals niya.

"It's almost lunch. You can continue your chitchats while we are having our lunch". Pagiimbita ng daddy niya samin, sabay-sabay kaming pumunta ng dining area. Halos malula ako sa dami ng pagkaing nakahanda.

Napapagitnaan si JD ng lola at lolo niya habang nasa magkabilang side naman ng mesa ang kuya ni Jin at ang asawa nito. Dumating si Jin at tumabi sakin kasi yon na lang din naman ang bakanteng upuan.

"I want fried chicken and beef bulgogi too, lola". Nilagyan ng mommy ni Jin ang plato ni JD ng kunting kanin at ang request niyang fried chicken at beef bulgogi.

"How about you? What do you like? I prepared a buttered chicken for you and jajamyeon". Magiliw na tanong sakin ni Jin, nilagyan niya ng buttered chicken ang plato ko. Napangiti ako ng makita ko na thigh part ang nilagay niya.

"Still your favorite part?" ngumiti ako sa kanya at tumango. "Kamsahamnida".

Madami kaming napagusapan habang kumakain kami. Pero ang tumatak sa isipan ko ng marinig ko ang sinabi ng daddy ni Jin.

"What are your plans? When are you getting married? Yuri, why don't you move here in Korea? There are a lot of well known universities here for JD. He can go in the same university with his dad". Alanganin akong napangiti at tumingin kay Jin na nakatingin din pala sakin. Hindi pala alam ng daddy niya na wala kaming relasyon ni Jin?

"Appa, you're pressuring her but don't worry we will talk about it". Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kahit parang sobrang naiilang na ako. Malalaman din naman niya kapag kinasal na kami ni Zach.

Pagkatapos namin kumain. Niyaya agad ni JD and lolo at lola niyang mamasyal kaya wala ng nagawa ang dalawa kundi pagbigyan ang apo nila. Nagpaalam din ang kuya ni Jin na pupunta ng restaurant nito kasama ang asawa niyang halos isang buwang buntis, masusundan na ang pamangkin ni Jin. Tinawagan ko agad si Angel kung pwede ko siyang dalawin ngayon pero may lakad daw sila ni Jimin, nangako naman sila na dadaan dito pagkatapos ng appointment niya sa OB.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon