MY SUPERSTAR 30

1.4K 58 1
                                        

Nakabalik ako ng condo bago mananghalian at kung hindi ko lang iniisip na babalik na kami ng Siargao mamayang hapon hindi pa ako uuwi. Alas tres ang flight namin. Wala akong tulog at wala din akong kain, ang sama din ng pakiramdam ko para akong magkakasakit.

"Where did you go?" tanong niya ng madaanan ko siya sa living room. Hindi ko siya sinagot, dumiretso lang ako sa kwarto hindi ko alam na nakasunod siya sa akin. Bagong palit na ang bed sheet ng kama. Papasok sana ako ng banyo ng pigilan niya ako kaya napilitan akong lingunin siya. Napansin ko ang awa sa mga mata niya ng makita niya ang itsura ko, namamaga ang mga mata ko, sobrang laki din ng eyebags ko.

"Let's talk". Umiling lang ako kanya, wala akong lakas makipag-usap sa ngayon.

"I want to rest. Let's talk some other time". Hindi na niya ako pinigilan ng pumasok ako sa banyo. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na ako ng banyo pero wala na siya sa loob ng kwarto ko. Paglapat ng likod ko sa kama agad ako nakatulog. Halos isang oras lang ang iitinagal ng tulog ko.

Naligo ako at nagbihis. I chose a printed off shoulder top and ripped jeans, paired it with square heels sandals. Sobrang sakit ng ulo ko at ng katawan ko.

Nakahanda na ang gamit niya sa living room. Umupo ako sa couch at isinandal ang ulo ko. Nakapagpabooked na din ako ng grab na siyang maghahatid sa amin sa airport. Hindi na kasi namin pwedeng gamitin ang sasakyan kasi kukunin na ng family driver nila Mia. Tumawag ako sa resort para makapagpasundo kami pagdating namin ng Siargao.

Magaala-una ng hapon kami umalis ng condo, hindi parin kami nagpapansinan hanggang pagdating namin sa airport.

"Are you okay? You didn't eat anything since last night". Parang wala akong narinig sa sinabi niya, pinikit ko ang mga mata ko. Ang sakit talaga ng ulo ko, parang binibiyak ng paulit-ulit. Epekto siguro ng walang tulog, walang kain at hangover.

Magaala-sais na kami nakarating ng Siargao, paglabas namin ng airport sinalubong agad kami ni Jerome. "Welcome back po ma'am". Ngumiti lang ako sa kanya at sumakay ng service.

"Kamusta sa resort Jerome?" Magkatabi kami sa backseat ni Jin. Napansin ko rin na tinatanggal niya na ang disguise niya.

"Maayos naman po ma'am. Wala naman pong problema".

"Alam ba nila na ngayon ang balik namin?" hindi ko kasi nasabi kina Angel na ngayon ang balik namin kaya baka magulat sila kapag nakita kami.

"Hindi po ma'am. May dumating po na guest ma'am kanina po siguro mga alas dos ng hapon yon. Girlfriend daw po siya ng isang member ng BTS". Napatingin ako bigla kay Jin na walang idea sa pinag-uusapan namin ni Jerome.

"Natatandaan mo ba ang pangalan ng guest?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ji Woo po yata ma'am. Yon po ang narinig kong tawag sa kanya". Napatingin naman sa akin si Jin ng marinig ang pangalan ng nobya niya.

"Your girlfriend is here". Sabi ko sa kanya, pinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong matulog pero hindi ako inaantok. Bago kami makadating sa resort kinausap ko ulit si Jerome.

"Jerome, pakihatid ng bagahe ko sa cabin 3 ha? Don sa dating cabin ko. Don ako tutuloy". Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa utos ko. Sinalubong kami ng mga staff ng resort pagbaba ko sa sasakyan.

Dumiretso agad kami ng villa, don daw kasi nagrequest ang mga member ng hapunan. Pagpasok pa lang namin ng villa, naririnig na namin ang mga sagutan. Sinong nagaaway?

"Noona! Jin hyung!" bati sa amin ni V. Napatingin samin ang mga members pati na sina Angel at Mia na hindi maipinta ang mukha at panay irap sa babaeng kausap nila RM.

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon