Limang araw na kaming nakabalik ng London at sa limang araw na yon walang tigil din ang pagtawag ni Jin. Halos maya't maya ang tawag niya na siyang pinagtataka ko. Napagusapan naman namin na hindi ko siya pagbabawalan na dalawin si JD pero hindi ko alam kung bakit imbes na kapag tumatawag siya si JD ang kausapin niya, madalas ako parin. What's with him?
"Couz, ang aga nakabusangot ka na agad. What happened?" umupo si Mia sa harap ko. Kagigising niya lang din katulad ko.
"Si Jin kasi tumawag ulit. Kakatawag niya lang kagabi". Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Baka naman he's just trying to make it up to you and to JD and besides, he's single. Break na sila ni Ji Woo diba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Break na sila ng girlfriend niya? Akala ko nagpaplano na silang magpakasal?
"Ohh..it seems that you didn't know. Nalaman ko lang kasi kinwento ni Angel sa akin nong pabalik na kayo dito sa London. Teka nga..where is Angel by the way?" Luminga linga pa siya sa loob ng bahay para hanapin si Angel.
"Naliligo". Pinagmasdan ko siya habang naghahanap siya ng puwedeng mailuto sa ref para sa breakfast namin.
"Kamusta kayo ni Tim? Kayo na ba?" Napatingin siya saglit sa direksyon ko ng marinig niya ang tanong ko at agad din naman niyang binalik ang atensyon niya sa ginagawa niya.
"We're getting there". Matipid na sagot niya sa tanong ko.
"Do you really like him? How about Yoongi? I thought you love him?" Tumalikod siya sa direksyon ko para kumuha ng kawali.
"Wala naman kami ni Yoongi couz. Pinaglandi lang kami pero hindi itinadhana". Alam ko na gusto niya si Yoongi dati pa. Si Yoongi din ang dahilan kung bakit ang laki ng pinagbago niya.
"How about Tim? Do you love him?" Sinalang niya ang kawali at hinanda ang mga ipiprito niya.
"Kaya ko naman pagaralan ang mahalin siya couz. He's an amazing person. Madali lang na mahalin siya tsaka gusto din siya nila daddy para sa akin". Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, I'm not against Tim. Totoo ang sinabi ni Mia sobrang bait ni Tim, pero diba ang unfair naman non sa part ni Tim?
"Couz, bakit hindi mo sundin ang tinitibok ng puso mo--" hindi pa ako tapos magsalita ng pinutol niya agad ang sasabihin ko.
"Para ano? Para masaktan lang din katulad niyo ni Angel? I've seen you guys suffered enough just by loving an idol and I don't want to feel the same way. Hindi ko kayang yakapin ang mundo nila. Masasaktan lang ako. Tama na yong isang beses akong nasaktan ni Yoongi. Okay na ako don". Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang naging epekto sa kanya sa nangyari sa amin ni Angel dati. Nakita niyang sobrang naapektuhan si Angel nong nagkahiwalay sila ni Jimin at nakita niya rin kung gaano ako nadepressed nong nagbuntis ako.
"Pero tingnan mo naman..Si Angel at Jimin parin naman sa huli couz. Ikakasal na sila". Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko.
"Jimin is a great guy couz. Magkaiba sila ni Yoongi. Si Jimin kasi kaya niyang ipaglaban si Angel, kaya niyang ipaglaban kahit kapalit non ang pagbagsak ng career niya. Si Yoongi..hindi niya naman ako gusto. Hindi rin kami magkasundo kapag magkasama kami, palagi kaming nagaaway. Nakakapagod ang ganon couz". Lumingon ulit siya sa direksyon ko at bakas ang lungkot sa mga mata niya kahit ngumingiti siya.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...