I'm wearing a white silk above the knee robe. Tapos na akong maligo. I'm just waiting for my make up artist. Tamad na tamad akong tumayo ng marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Akala ko ang make up artist ko na pero tumambad sa harap ko si Mia at Angel.
Katulad ko nakasuot din sila ng robe. They are both wearing a turquoise robe because that's our wedding motif. Tapos na silang ayusan at ganon din ang ibang abay na naghihintay na lang sa pictorial. They are both beautiful. Si Mia kahit nakasuot siya ng wig sobrang ganda niya parin. She will always have this beautiful aura despite her condition while Angel, a hot momma indeed. Parang hindi nanganak. I will not be surprised kung next month buntis ulit siya sa pangatlong anak nila ni Jimin.
"Ano ba yan..nagiging koreana ka na. Singkit na mata mo sa walang tigil na pagiyak. Magang-maga na. Bruh, if you're not happy then..cancel the wedding. Kesa para kang bibitayin diyan". Nilocked ni Angel ang pinto ng tuluyan silang makapasok sa kwarto. Umupo ako sa edge ng kama at umupo din sila sa couch na malapit sa kama ko.
"Huwag mo na kayang ituloy couz? Look at you..hindi ganyan ang itsura ng isang ikakasal. Kung si Jin parin dapat maging honest ka kay Zach. Kung papakasalan mo si Zach pero si Jin naman talaga ang mahal mo hindi mo lang niloloko si Zach kundi pati sarili mo".
"Sinukuan na niya ako. Ayaw na niya". Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko. Iniabot ko sa kanila ang sulat ni Jin. Pagkatapos nilang basahin ito. Naguguluhan silang napatingin sakin.
"Where did you get this?" Nagdadalawang isip ako kung ikukwento ko sa kanila ang nangyari. Pero since para ko na naman silang kapatid, kinuwento ko ang lahat ng nangyari samin ni Jin.
"WHAT????" napatayo si Angel galing sa couch at lumapit sa harap ko pagkatapos marinig ang kwento ko.
"Huwag mo ng ituloy ang kasal. Pumayag ka na may mangyari sainyo. Pano kung mabuntis ka? Ipapaako mo kay Zach ang bata?" Sapo niya ang ulo niya at nagpabalik-balik sa harap ko.
"Itutuloy ko ang kasal"..napabuntong hininga si Angel at napailing. Bumalik siya sa tabi ni Mia.
"Hindi ko alam sainyo! Gusto ko kayong paguntugin ni Jin sa totoo lang. Para kayong teleserye ang kumplikado ng istorya niyo!"
"Couz, cancel your wedding. Kung si Jin ang gusto mo siya ang piliin mo. Zach is a nice guy kaya be fair enough". Komento naman ni Mia sakin.
"No..I will continue the wedding. That's my final decision". Walang sila nagawa sa naging disisyon ko. Alam kasi nilang hindi na nila mababago ito.
"I don't get it. Obviously, pareho niyo pang gusto ang isa't isa pero hindi ko alam sainyo kung bakit hindi niyo maipaglaban ang pagmamahalan niyo. You are both ready to endure pain but you are also both cowards by letting your happiness slipped through your fingers". Lumabas sila ng kwarto na disappointed sa naging disisyon ko. Napabuntong hininga ako at dinukot sa bulsa ko ang kwintas na binalik ni Jin. Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman ko na naman ang pagbigat ng mga dibdib ko.
"Mommy"..
Natuon ang atensyon ko kay JD na nasa may pinto. Nakabihis na siya. He's wearing a turquoise long sleeve and white casual pants na nakatupi ang laylayan with his Birkenstock slippers. Since it's a beach wedding, all entourage and guests will be wearing slippers.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)