Angel's POV
Nagaalinlangan ako kung lalapit ako sa kanya o hindi. Ilang araw ng nakaalis si Heaven at kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni Hobi at pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya malungkot. Hindi ko siya makausap kasi kapag lalapit ako sa kanya umiiwas siya sakin. Nasasaktan ako kasi hindi ko maaalis sa sistema ko na may espesyal kaming pinagsamahan dati. Siya ang tinuturing kong pinakamalapit sakin na kaibigan bukod kay Yuri.
Tumabi ako sa kanya sa mahabang upuang kahoy na madalas nilang pagtambayan. Maganda kasi ang view dito, kitang kita mo ang kabuohan ng dagat. Hindi man lang siya lumingon o tumingin sa direksyon ko kahit alam ko naman na naramdaman niyang nasa tabi niya lang ako. Pinipigilan kong huwag maiyak kasi sobrang nagiging emosyonal ako ngayong mga nagdaang araw.
"I-I'm really sorry"..
"It's okay"..matipid na sagot niya sakin. Tumingin siya sa direksyon ko at pilit na mga ngiti ang nakita ko sa mukha niya. Ilang taon na kaming magkakilala, alam ko kung genuine o peke ang ngiti niya.
"I'm trying to call her but she's avoiding my call. I will try harder to contact her and ask her to go back". Ilang araw ko ng tinatawagan si Heaven pero panay ring lang ang cellphone niya. Hindi ko alam kung nakabalik na siya ng US katulad ng sinabi niya pero malakas ang kutob ko na nandito parin siya.
"You're doing it because of me? Why don't you do it for her? Why don't you fix your issues with her? You called her just because you have to not because you want to". Hindi ako nakasagot sa sinabi niya kaya napayuko na lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya, ginagawa ko lang to kasi alam kong kailangan kong gawin hindi dahil sa gusto ko.
"I really don't know why you hate her so much. Like of all people..you should be the one who needs to protect her. You should protect each other".
"I'm sorry, Hobi. I tried to talk to her". Pilit ulit siyang tumawa. Mas masakit palang makita mong ngumingiti siyang pilit kesa makita mong umiiyak siya kasi alam mong kapag umiiyak ang isang tao nailalabas niya ang sakit na nararamdaman niya pero kapag pilit na mga tawa alam mong sobrang nasasaktan siya pero tinatago niya lang sa likod ng mga ngiti niya.
"I guess..I should accept that maybe we've met not because we're destined to be together but rather God used me as an instrument for her to meet her sister. Funny how I was being hurt by the two amazing women who has been a big part of my life. Maybe, cupid is making fun of me". He smiled bitterly. Tumingin siya sa kawalan at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Nangilid ang luha ko ng marinig ko ang sinabi niya. Alam kong hindi niya deserve ang masaktan ng ganito. Kahit may pagaalinlangan ako, I still tried to reach for his hand. Yon lang kasi ang kaya kong gawin. Iniiwas niya ang kamay niya sakin kaya wala akong nagawa kundi bawiin ito agad.
"Jimin will feel jealous".
"I..I will go ahead". Paalam ko sa kanya. Ang mahalaga nasabi ko ang gusto kong sabihin. Magiging okay din ang lahat.
"Angel"..
Lumapit siya sakin at kinabig ako palapit sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng maramdaman ko ang higpit ng yakap niya.
"I'm really sorry. It's not really my intention to hurt you. I don't know what to say..but I'm sorry for ruining everything". Hindi siya sumagot. Marahan niya lang hinaplos ang likod ko. I felt so guilty. Madami siyang naitulong sakin dati pero ito yong sinukli ko sa kanya? Ako ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nasasaktan. Ako ang dahilan kung bakit umalis si Heaven.
Niyaya niya akong pumasok na ng bahay dahil dumidilim na daw. He's always be the sweetest. Isa sa mga ugaling nagustuhan ko sa kanya dati, isa sa mga ugaling nakita ko pero hindi ko kailanman nagawang sabihin sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/167521572-288-k643247.jpg)
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...