MY SUPERSTAR 14

1.8K 67 0
                                        

Mabilis lumipas ang panahon, magdadalawang taon na ako dito sa London simula ng nagdesisyon akong iwanan ang Seoul.

Pinagmasdan ko ang 4 storey building na bagong gawa pa lang. Wala talagang imposible kapag ginusto mo ang isang bagay basta determinado ka lang. Naaalala ko pa, halos di ako matulog sa dami ng demands sa akin, nagsimula ako sa pagdedesign ng mga damit hanggang pinasok ko na rin ang pagbenta ng mga damit na sarili kong design thru online. Ginawa namin ni Angel showroom yong kalahating portion ng bahay nong mga panahong wala kaming marentahang lugar kasi kulang ang pera namin. Magkasusyo kami ni Angel sa negosyo, siya ang naka assign sa production at advertising. Ako naman naka focus lang ako sa designs at sa pamamalakad ng buong clothing line. Paunti-unti na kaming nakikilala worldwide, siguro kung nandito sila mommy magiging proud sila sa akin kasi nakapagtayo ako ng negosyo na hindi ginagalaw ang mana ko sa kanila.

Ilang beses na din akong na-feature sa mga business magazine as one of the youngest fashion designer in the world. Magsisimula na din ang pagba-branch out namin sa Manila next month.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello..bruh, nasan ka na? Ngayon ang grand opening ng Dale diba? Nandito na sa bahay yong mag aayos sa atin. Ako na mauunang magpa ayos ha?"

Sumakay ako sa BMW na nakaparada sa tabi ko. "Sige, mauna ka na bruh. Pauwi na din ako, tiningnan ko lang yong building".

"Bruh, kasi ano...uhmm, ininvite ko kasi ang BTS sa grand opening ng Dale. Nahihiya kasi akong si Jimin lang yong iinvite ko. Sakto kasing nandito rin sila sa London para sa concert nila. Okay lang ba?"

Okay nga lang ba? Wala akong balita sa BTS, sa sobrang busy ko sa negosyo hindi ko na sila nabigyan ng pansin. Bibihira din kami makapag usap ni Angel tungkol sa kanila kasi kapag nag uusap kami madalas tungkol sa kanila ni Jimin ang pinag uusapan namin. Hindi ko rin sila pinafollow sa social media accounts ko, hindi ako nag-aadd ng basta basta kasi natatakot ako na baka may hate comment ulit ako mabasa. Pero ang alam ko, sikat na sikat parin sila. Sila na yata ang pinaka sikat na boy group sa buong mundo. At masaya ako para sa kanila, deserve nilang lahat ng yon.

"Oo naman bruh. Wala naman sa akin yon. Usap tayo mamaya magdadrive na ako".

Pagdating ko ng bahay, nadatnan kong inaayusan parin si Angel. Kaya minabuti kong maligo muna, pagkatapos kong maligo sakto naman na tapos na si Angel kaya ako na ang sinunod nilang ayusan.

Tinanong nila ako kung anong gusto kong ayos ng buhok ko, sabi ko wala. Gusto ko nakalugay lang. Hindi na rin kasi ako nagpahaba ulit ng buhok. Na-maintain ko yong shoulder length na haba ng buhok ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko ng mapaghaba ng buhok pero kasi mas komportoble ako sa ganitong haba ng buhok.

Tinanong din nila ako kung anong make up ang gusto ko sabi ko sa kanila simple lang, ayaw ko ng makapal pero gusto ko nade-define yong mga mata ko.

Patapos na ako ng nakapagbihis na si Angel, ang ganda niya. Mukhang hindi na siya makaka-uwi mamaya kapag nakita siya ni Jimin. Medyo natawa ako sa naisip ko. Gusto ko ng makakita ng little Angel at little Jimin. Waaaaah! Ang cute siguro non.

"Ang ganda mo bruh!" Siya mismo ang nagdesign ng gown niyang suot ngayon. Ano pa yong saysay ng pagiging fashion designer namin kung di kami ang magdedesign ng gown namin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon