Nakausap ko na ang supplier namin ng mga gulay, isda at karne sa resort. Hindi na daw nila kami masusupplyan ng mga produktong kailangan namin kasi madami na daw demand sa kanila at di na nila kayang imeet ang demands ng ibang resort. Napapabuntong hininga na lang ako, biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang nakakafrustrate naman to sa totoo lang. Pabalik na kami ng resort ng maisipan kong dumaan muna kami ng munisipyo. Pagpasok ko ng munisipyo, dumiretso agad ako sa opisina ni tito.
Ngumiti ako sa babaeng nasa may labas ng opisina ni tito, middle aged woman wearing a thick glasses, mukhang masungit.
"Hello po. Good afternoon! Nandiyan po ba si mayor? Pwede ko po ba siyang makausap?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo naconscious ako. Abaaaaa! Itong matandang to! Pumapatol ako sa matanda kala niya.
"Busy siya. May appointment ka ba sa kanya?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay. Wala siguro tong asawa kaya ang sungit.
"Wala po eh. Pakisabi na lang po gusto ko siyang makausap Yuri Dale delos Reyes po. Anak po ako ng kumapare niyang si Eustacio delos Reyes". Walang pasabing umalis siya sa harap ko at pumasok sa loob ng opisina ni tito. Pagkalipas ng ilang minuto lumabas na ulit siya.
"Pwede ka na daw pumasok". Tinanguan ko siya at nagpasalamat.
"Hi tito!" bati ko sa kanya. Magiliw niya akong sinalubong ng yakap.
"What brings you here hija? May problema ba?" Parang umurong ang dila ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang pakay ko.
"Uhhhhm, tito..ano kasi, yong club na malapit sa resort namin. 'Yong Chuwariwap KTV Bar, gusto ko ipasara". Nagulat naman siya sa sinabi ko. Nabubuwesit parin ako don sa malanding babaeng sumayaw ng nakahubad and to think na siya rin ang umupo sa kandungan ni Jin. Arrrrrghhhh!
"Bakit gusto mong ipasara? Anong nangyari? Di ko pwedeng ipasara ang isang establisyemento na may business to operate hija". Bakit ba hindi ko to naisip kanina na magtatanong talaga si tito kung bakit gusto ko ipasara ang club na yon.
"Hindi niyo ipapasara kahit pa may naglalive show kapag late na ng gabi?" tanong ko kay tito. Kapag di niya pinasara hindi ko na siya susuportahan sa eleksyon.
"Live show? Pano mo nalaman hija? Pumunta ka ba?" Natampal ko ang noo ko. Bakit nagpadalos dalos ako sa pagpunta dito di ko muna pinagiisipan ang mga sasabihin ko.
"Pumunta don ang mga kaibigan ko kagabi. Nakwento nila sa akin tito na may sumasayaw ng hubad don sa club na yon". Tumango tango siya bago sinabing papabisita niya mamayang gabi sa mga police ang lugar para makita kung may naghuhubad nga.
Nagpasalamat ako kay tito at umalis na ng munisipyo. Habang pauwi nakatanggap ako ng tawag kay Charmaine. "Ma'am, natanong ko na po si Bert kung marunog siyang gumawa ng kimchi, marunong daw po siya ma'am. Hiningi ko na rin po yong mga ingredients. Paalis na po si Dianne dito sa resort para mamili sa bayan".
"Salamat Charm, pauwi narin ako. Kamusta naman sa resort? Kumain na ba ang BTS?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Naku! Ano naman kaya ang ginawa nila this time? Sana hindi maubos ang pasensiya ko.
"Kumain na po sila ma'am. Sa Cafe Mirasol po sila kumain. Madami pa rin pong tao sa labas ng resort ma'am. Hinahanap parin po nila ang BTS". Di na ako nagulat sa binalita ni Charmaine, pagalis namin kanina sa resort nadaanan namin ang mga taong nagaabang sa resort. May mga kumatok pa nga sa bintana ng sasakyan kasi akala nila nakasakay ang BTS dito sa van.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)