"Sa lahat ng ikakasal ikaw yong mukhang namatayan. Ano ba nangyari sayo? Ang payat mo. Ang laki din ng eyebags mo? Nagdadrugs ka ba?" Lumapit sakin si Angel at niyakap ako. Kadarating lang nila dito sa Busuanga. Sinundo sila ni Zach sa airport.
"Moommmmy!" nawala ang mga agam-agam ko ng makita ko si JD na tumatakbo palapit sakin. I kneeled down and spread my arms to welcome his embrace. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ulit ako ng mahigpit.
"Honey, hindi na ako papasok. Kailangan kong sunduin sila mommy sa airport at kailangan ko din ayusin ang hotel na tutulayan namin. See you on our wedding day!" Niyakap niya ako at ginawaran ng halik sa labi. Hindi kasi siya pwede dito sa townhouse kasi sinunod parin namin ang pamahiin ng mga matatanda na bawal magkita ang groom at bride bago ang kasal kaya sa hotel sa bayan sila tutuloy ng parents niya.
"See you. Ingat ka sa pagdadrive". Nagpaalam siya sakin at kay Angel bago umalis. Pagkaalis ng sasakyan niya nagtawag ako ng tauhan ni tito para ipabuhat ang mga maleta nila Angel. Pinapasok ko ang maleta ni JD sa kwarto ko at ang maleta naman ni Angel sa katapat na kwarto. Inakay ko si JD sa loob ng bahay, dumiretso agad siya sa kwarto kasi inaantok daw siya. Naiwan kami ni Mia sa living room. Karga niya ang baby niya na mahimbing na natutulog.
"Kamukhang-kamukha ng tatay, bruh. Walang nakuha sayo". Ngumuso siya at pinagmasdan ang anak na karga niya mga braso niya.
"Kaya nga eh..kung si Sandy mixed kami. Si Forester inangkin lahat ni Jimin". Natawa ako sa sinabi niya at pinagmasdan ulit sila.
"Nasan sila Mia, bruh?
"Nasa check up. Mamaya nandito na yon".
"Hindi ba pupunta sina Jimin?" Nalulungkot ako sa posiblidad na baka hindi sila pumunta o dumating.
"Si Jimin at Yoongi ang alam ko pupunta. Baka nga nasa flight na sila ngayon. May prior commitment sila kanina kaya di sabay flight namin. Kasama din ni Jimin si Sandy kasi pano ang flower girl mo di ba? Hindi ko lang alam ang ibang members kung pupunta sila. Kasi alam ko si Jin for sure hindi. Ang alam ko pabalik na siya tonight sa Italy". Napatango ako sa sinabi niya. Nasasaktan ako kasi tinuring ko silang pamilya at kaibigan. Gusto ko sana nandito sila pero hindi ko naman sila mapipilit kung ayaw nila.
"May mga dapat pa bang ayusin o okay na lahat? Ang gown mo? Ang gown naming lahat?" nasasabik na tanong niya sakin.
"Okay na lahat. Naayos na namin lahat ni Zach".
"Kasya kaya gown ko sakin? Lumaki ako ng kunti kasi kakapanganak ko lang. Lumaki din ang suso ko bruh! Pano kung hindi magkasya ang gown ko?" Natawa ako sa pagrereklamo niya. As if naman hindi siya fashion designer kung umasta.
"Eh di..irepair natin. Masyado mo pinapalaki problema mo! Kung umasta ka parang hindi related sa fashion ang trabaho mo. Fit mo mamaya ang gown para maremedyuhan natin kung may problema". Maid of honor ko siya habang si Mia naman ang isa sa mga principal sponsors ko. Sympre partner ni Angel si Jimin at si Yoongi naman kay Mia. Ang ibang abay, mga empleyado namin sa Dale.
"Sure ka na ba talaga? Wala ng atrasan to, bruh. May oras ka pang umatras. Kung si Jin talaga ang tinitibok ng puso mo, sundin mo". Matagal na akong nakapagdisiyon at buo na ang disisyon ko, hindi na mababago yon.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...