Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong yakapin ng malamig na simoy ng hangin ang katawan ko. Sinasayaw ng malakas na hangin ang buhok ko na hindi ko itinali ng umalis ako sa cabin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa kanluran. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang kulay asul na dagat. Napayuko ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Nadako ang atensyon ko sa mga paa kong nasasayaran ng buhangin. Wala pa sana akong planong bumalik ng cabin kung hindi ko lang naramdaman ang paghapdi ng balat ko.
Tahimik akong naglakad pabalik ng cabin, may mga mangilan-ngilan na guest na nakakakilala sakin kaya bahagya akong ngumingiti sa kanila.
"Are you blind?! You didn't see me?!" Lumingon ako sa direksyon kong saan ko narinig ang sigaw. Huminto ako saglit at pinagmasdan ang dalawang tao sa di kalayuan.
"Mianhaeyo"..tinulungan nong lalaki na damputin ang dalang libro nong babae.
"Next time you need to be careful"..rinig kong sabi nong babae habang mahahalata parin ang pagkairita sa mukha niya. Yumuko lang ang lalaki at humingi ulit ng pasensiya sa kanya.
I smiled bitterly and walked away. I remember someone from that scene. Naalala ko na ganon din kami nagkakilala at nagsimula. Kung pano niya ako nabunggo ng araw na yon dahil tumatakbo siya at hindi niya ako napansin. Sariwa parin ang mga alaala niya sa isip at puso ko at don din mismo sa lugar na yon niya ako nabunggo.
Pumasok ako sa cabin at pabagsak na ihiniga ang katawan ko. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit na likidong nanggagaling dito. Bumangon ako ulit at pinunas ang mga luha ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko muna ang pangalan ng tumatawag na nakarehistro sa screen ng cellphone ko bago ako nagdisisyon na sagutin ito.
"Hello"..sinikap kong maging casual at maayos ang boses ko kahit parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Bruh!!" nailayo ko ng kunti ang cellphone ko ng marinig ko ang pagtili ni Angel sa kabilang linya.
"Ohh?" matipid na sagot ko sa kanya.
"Binyag na ni Forester sa isang linggo. Punta ka ha? Ang dami mo ng namissed na event. Wala ka nong birthday ni Sandy, wala ka din nong birthday ni Mia. Nakakatampo na".
"Pasensiya na bruh hindi pa ako nakakapagrenew ng passport kaya hindi ako makakapunta. Hindi ko pa naaayos. Babawi na lang ako". Palusot ko sa kanya. Magaanim na buwan na nong huli kaming nagkita at non pa yon ng araw ng kasal ko dapat.
"Sira! Dito sa Pilipinas gaganapin ang binyag. Dito sa Bulacan bruh, yon kasi ang request ni tatay. Punta ka naman, please?" hindi agad ako nasagot sa sinabi niya. Wala akong maapuhap na pwede kong gawin na rason.
"Don't use any alibi this time. I won't buy it. Miss na miss ka na ni JD, bruh. Isa yan sa mga hiningi niya sakin..gusto ka niyang makita at makasama sana pumayag ka". Ayaw ng bumalik ni JD ng Chicago, mas gusto niyang manirahan sa Korea kaya wala akong nagawa nong hiniling niya na sa Korea na siya magaral. Maayos naman siyang naaalagaan ng pamilya ng daddy niya kaya nakampante ako kahit papano.
"Sige, titingnan ko bruh". Matipid na sagot ko sa kanya.
"You need to loosen up, Yuri. Kung may problema ka nandito ako, nandito si Mia. Huwag mong sarilinin ang problema kung hindi mo naman kaya. Anim na buwan ka na diyan sa Siargao. Dale is doing great, maayos ang negosyo mo. Si Ji---".
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)