Hinanap ko ang BTS sa youtube at halos mabulunan ako sa kinakain ko ng makita ko kung gaano sila kasikat. Bakit di ko sila kilala? Pinakinggan ko ang mga kanta nila kahit hindi ko maintindihan ang lyrics, at isa isa kung dinownload. Kaya pala ganon na lang ang reaksyon ni Jin ng malaman niyang hindi ko sila kilala. Apat na beses na silang nagconcert dito sa Pilipinas pero wala akong kaalam alam siguro kasi nong mga panahon na yon nasa London pa ako at nagaaral. Hindi rin naman sikat ang kpop sa London.
"Hello Mia, kilala mo ba ang BTS?" Tinawagan ko ang pinsan ko na adik na adik sa kpop. Bigla siyang nagtitili sa kabilang linya. Inilayo ko muna saglit ang cellphone ko sa tenga ko baka kasi mabingi ako sa tili niya. Mukhang maling ideya ang tawagan siya at magtanong tungkol sa BTS. Siya lang naman kasi ang kilala ko na mahilig sa kpop.
"Like OhEmGee couz. BTS as in Bangtan Sonyeondan? I'm soo kilig. Of course I know them, I'm not born yesterday. They are so mega over sikat kaya sa world." Tumaas ang kilay ko. Kaya ayaw ko tong kausap minsan kasi sobrang arte magsalita. Sarap hilahin ng dila para maging tuwid ang pananalita.
"Okay, thank you. I have to go now, see you soon." Kahit napakaarte niya magsalita at gumalaw, si Mia ang naging sandigan ko ng mga panahon na sobrang hirap na hirap ako noong nawala ang magulang ko. Sila ang naging karamay ko sa lahat ng unos na dumating sa akin.
"Are you their fan na ba? I have an extra VIP ticket here for their upcoming concert. If you want I can make bigay na lang this ticket sayo so that you can watch them". May concert sila? Kailan kaya? Bakit nandito parin si Jin? Wala siyang nabanggit na may concert sila dito sa pinas. Ang sabi niya nagbabakasyon lang siya upang makapagpahinga.
"Hey couz! Still there? You want the ticket ba? Kasi if you want, we can make sabay na lang sa pagpunta ng concert. You know naman daddy is so strict to me these days" Since curious ako sa kanila, kaya pumayag ako na manood ng concert nila. I want to watch them perform. Gusto ko makita ng personal ang mga sinasabi ng fans nila sa comment na they are one of the most powerful kpop group in the world.
"See you couz! I'm sooo kinikilig kaya, I want to see my little meow meow." Tumitili na naman siya sa kabilang linya kaya naiirita na ako. Kapag nakita na naman siya ni tito papagalitan na naman siya sa ginagawa niya.
"Kailan ka pa nagalaga ng pusa? Diba may hika ka? Bawal sayo magalaga ng pusa". Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya, ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko? Kaya nga pinamigay nila 'yong mga alaga nilang pusa at aso kasi hindi mga hypoallergenic. Madalas siyang hikain dahil don.
"Omayghaaaad! You really don't know them? Tapos you're going to make punta sa concert nila? Why? As in like all of a sudden you're interested na sa kanila".
Hindi ko masabi ang dahilan kasi mukhang kaya nandito si Jin para magbakasyon, knowing my cousin alam ko kung gaano siya kadaldal kaya hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Ayaw ko mainvade ang privacy niya. Baka bigla na lang may mga magsisuguran na fans nila dito kapag nalaman na nandito ang isang miyembro ng BTS.
"Cooouuzzzz!! Why are you so tahimik? Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ng magpaalam sa kanya kailangan ko makausap si Jin.
"Nagustuhan ko kasi mga kanta nila kaya naging interesado ako". Palusot ko sa kanya, sana maniwala siya. Kahit wala naman akong alam na kanta nila sa ngayon at si Jin lang ang kilala ko. Sinusubukan kung kilalanin ang mga pangalan nila pero hindi ko matandaan. Magkakamukha kasi sila sa paningin ko.
"You did? Really? I will send you the list of their songs, so that you can make saulo na the lyrics and we will sing it with them while holding our army bomb". This is new to me, kaya wala akong kaalam alam. Ano ba yong army bomb? Bomba? Bakit kami magdadala ng bomba sa concert?
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)