Nagtulong-tulong kami sa pagluto. Isinantabi na muna namin ni Jin ang issue naming dalawa, magpapasko kaya dapat masaya kaming lahat. Kami ni Jin ang nagluto, si Hobi, Yoongi at RM naman ang nagbarbecue habang si Angel at Mia naman ang gumawa ng dessert at si Jimin, V at JK naman ang nagaalaga kay JD at tagatikim.
Napansin ko na sobrang pinagpapawisan si Jin dahil siguro sa medyo warm ang temperature namin sa loob ng bahay. Ang lamig kasi sa labas. Pumunta ako ng kwarto para kumuha ng towel. Pagbalik ko sa kusina, nagkukumpulan ang members kasi gusto daw nila tumikim ng leche flan na gawa ni Mia at Angel. Lumapit ako kay Jin sa may lababo, hinuhugasan niya kasi ang mga gulay na isasahog namin sa pancit.
Pinunasan ko ang mukha niya hanggang sa may leeg niya dahilan para mapatingin siya sakin. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero agad naman siyang nakabawi. "You're sweating. Are you tired? You can take rest for a moment". Hindi parin siya makapagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Basang basa din ang damit niya ng pawis, sobrang pawisin parin pala siya. Pinunasan ko din ang likod niya kasi basang basa na din ito ng pawis.
"I'll get you a shirt okay?" tumango lang siya sakin kaya bumalik ako ng kwarto para kumuha ng damit niya. Pagbalik kong kusina nandon parin ang members na tahimik pumapapak ng leche flan. Binilin ko sila na huwag pakainin ng kung ano-ano si JD. Ibibigay ko na sana kay Jin ang damit niya ng mapansin ko na basa ang mga kamay niya. Kaya walang pasabi kong hinawakan ang laylayan ng damit niya para mahubad ito. Sinuot ko sa kanya ang puting t-shirt niya.
"Eheeeeerrrm!" napalingon kami sa members na nakatingin din saming dalawa.
"Never had the chance seeing Ji Woo doing those things for you Jin hyung. Noona is indeed a wife material". Komento ni Jimin habang nakayakap sa likod ni Angel, inaamoy amoy niya pa ang buhok ng fiance niya tapos hanggang sa makarating sa leeg. Humahagikgik naman si Angel. Ang haharot naman ng dalawang to! Hindi na nahiya sa bata.
"Hajiimaaaa Jimin! there's a kid in here!" Saway ni Jin sa kanya. Tinapik naman ni V ang braso ni Jimin na nakapulupot sa bewang ni Angel pero hindi ito matinag kaya kinagat na lang siya ni V sa braso, kaya nabitawan ni Jimin si Angel. Dinampot ni Jimin ang maliit na kawaling nasa mesa at hinabol si V na papunta na ng living room.
"Angel, you still have time to cancel your wedding. Are you really sure you want to marry Jimin?" pabirong tanong sa kanya ni Hobi na ikinatawa naman ng members.
"Why Hobi hyung? Are you jealous? Remember your confession before when you got drunk? You told us that you have a crush on Angel the moment you saw her at that hotel in London. You just gave way..because Jimin talked to you and told you that she fell inlove with Angel the first time he laid his eyes on her". Natahimik kaming lahat sa sinabi ni JK. Kahit si Angel hindi makapagsalita sa gulat. Kaya para takpan ang nagawa niyang kadaldalan dali-dali niyang binuhat si JD na nasa kandungan ni Yoongi.
"Let's play JD". Mabilis pa sa alas kwatro ang pagalis ni JK sa kusina nakita na lang namin siya na nagmamadaling pumasok ng kwarto namin ni JD.
"JEEEEEOOON JUUUNGKOOOOK!" tawag sa kanya ni Hobi. Pulang pula din ang mukha niya pati ang tenga at leeg. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa kahihiyan. Nagsialisan na din ang members pati si Angel na parang lutang na lutang sa nalaman. Si Mia naman nagpaalam na magbibihis daw muna siya kasi susunduin niya sa airport si Tim. Parang may malalasing mamaya. Nangangamoy selosan yata.
Nagkatinginan kami ni Jin. Sinimulan na namin ang pagluluto ng pancit. Nagpaturo siya kung pano ito iluluto, kaya tinuro ko sa kanya kung pano ang proseso.
"Jin, is it true? Hobi has feelings for Angel?" Nahinto siya sa paghalo ng gulay at tumingin sakin.
"Yeah. That's true. When Angel and Jimin officially became a couple, Hobi got drunk and that's the time he confessed. Jimin didn't know anything about this because he wasn't there that time. He knew that Hobi 'HAD' a crush on her but Jimin told Hobi that he fell inlove with Angel the first time he saw her. Hobi gave way for Jimin just like what he did before we debut. He wanted to be a vocalist not a rapper but V wanted the same. He gave way for V and later on he became a rapper. That's his attitude. Sacrificing his own happiness for the members". Nakaramdam ako ng awa para kay Hobi. Ang swerte naman ng members. Iniisip ko pa lang na inuuna ni Hobi ang kaligayahan ng iba bago ang kaligayahan niya parang ang sakit na para sakin. Ano na lang sa kanya?
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)