MY SUPERSTAR 12

1.8K 69 1
                                        

Alas kwatro ng madaling araw nakahanda na ako. Nakaligo at nakapagbihis na ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin-- ang laki na ng pinayat ko, ang laki din ng eyebags ko at sobrang namamaga din ang mga mata ko, ang haba na rin ng buhok ko. I look like a mess! Ito ba ang gusto ko makita sa sarili ko sa paglipas ng mga panahon?

Sinuot ko ang baseball cap at ang face mask ko. Nakahoody jacket ulit ako. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin paglabas ko ng hotel, ang ganda talaga ng Seoul. Magwiwinter na pala. Pinagmasdan ko ang mga maliliit at makukulay na ilaw sa paligid. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito, kaya gusto kong busugin ang mga mata ko ng mga nagagandahang ilaw, nagtataasang gusali sa paligid.

Madami akong masayang ala-ala dito sa Seoul. Mga ala-alang hindi ko makakalimutan. Yumuko ako kasi naiiyak na naman ako, hindi ko alam kung kailan mauubos ang luha ko.

Hindi ko pansin ang sasakyang huminto sa harap ko. Sobrang pagod na pagod na ako.

"Noona".

Bumaba si V, Jimin at Jungkook sa sasakyan. Sila ang pinakamalapit sakin, tinuring ko na silang mga bunsong kapatid ko. Siguro sa sobrang sakit ng nararamdaman ko kaya bigla ko na lang silang niyakap, gusto ko maibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko.

"Where are you going noona?" Tanong sa akin ni JK habang tinuturo ang backpack ko. Patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko kaya binigay sa akin ni Jimin ang panyo niya. Samu't saring reaksyon ang nakita ko sa mukha nila---nandon ang lungkot, pag-aalala at awa.

"I'm going home. You did great during your concert last night. I'm so proud of you". Wala parin silang reaksyon, ayaw ko na kinakaawaan nila ako kaya pinilit kong ngumiti.

Pinasakay nila ako sa sasakyan, hahatid daw nila ako sa airport. Walang gustong magsalita sa amin kaya pagdating namin ng airport, nagpasalamat ako sa kanila at isa-isa ko silang niyakap. Gusto pa sana nila akong ihatid sa loob pero mas lalo akong malulungkot kapag ganon kaya pinigilan ko sila.

Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin ako ni Jimin.

"Noona, we're sorry. We're sorry because Jin hyung choose us over you". Pinilit kong ngumiti ulit sa kanila, habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.

"It's okay Jimin. Please take care of your hyung for me okay? Don't get mad at him, he loves you guys so much".

Ang sakit. Ang sakit-sakit sobra. Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang lahat ng to? Pero kakayanin ko. Kakayanin ko kasi alam ko ito ang tamang gawin.

"Noona, Saranghaeyo!"

Sigaw ni V, pero hindi ko na sila nilingon. Bahagya ko na lang tinaas ang kamay ko, hudyat ng pamamaalam.

Hindi ako natulog sa buong flight. Magang maga parin ang mga mata ko, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, na sa sobrang sakit gusto ko na lang itulog ang lahat pero kapag sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko, mukha niya ang nakikita ko.

Paglabas ko ng Heathrow airport, nakita ko agad si Angel at Mia na nagaabang sa akin. Tumakbo sila palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Lahat ng tao kinakaawaan ako base sa itsura nila kapag nakikita nila ako.

Dumiretso kami sa hospital para ipackeck up ang sugat ko sa likod. Sugat na magpapa-alala sa akin kung gaano ko siya kamahal. Habang hinihintay namin ang resulta ng check up, biglang nag flashback ang lahat na parang kahapon lang nangyari.

"Masaya akong makita siya na natutupad ang mga pangarap niya kahit hindi ako kasama sa mga pangarap na yon. Ilang buwan ko na silang sinusundan sa mga events nila, masaya na akong makita sila sa malayuan. Ang daming nangyari pagbalik nila ng Korea pagka galing nila ng Pilipinas, nawalan kami ng communication. Sinubukan kong makipagcommunicate sa kanya pero palagi niya lang siniseen ang messages ko sa kanya o kaya kinacancel niya ang mga tawag o video call ko. Inintindi ko siya kasi alam ko busy sila, kaya iniwan ko ang resort sa pamamahala ni Charmaine para sumunod dito sa Korea. Niyakap ko ang kultura nila kahit hirap na hirap ako. Inaral ko ang lenggwahe nila".

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon