Hindi natuloy ang dinner na usapan sa bahay nila Angel kaya namasyal na lang kami ng araw na yon kasi kailangan ng bumalik ng Chicago ni Zach kinabukasan. Araw ng concert ng BTS, hinatid muna namin ni JD si Zach sa airport bago kami dumiretso sa venue kung saan gaganapin ang concert nila. Hinatid ni Angel ang 2 VIP tickets kanina sa hotel kaya pagdating namin sa venue dumiretso na kami sa pwesto naming dalawa.
"Are you sure about this monmy? Are we really watching their concert?" tanong ulit niya sakin. Siguro nakakalimang beses na niyang tanong sakin simula umalis kami ng hotel.
"Why? You don't like it? We can go home now". Sunod sunod naman ang naging pagiling nya ng marinig ang sinabi ko. Hindi na siya nagtanong pa kaya pinagtuunan na lang niya ang burger na kinakain niya.
Dumating si Angel 10 minutes bago magsimula ang concert. Inimbitahan niya kami sa party after pagkatapos ng concert. Tumanggi ako kasi hindi ako komportableng makasalamuha ang members at ang pamilya nila.
It's a notalgic feeling to see the purple ocean, to hear the fanchants and to watch them perform on the stage with so much passion in their faces. Para akong nanalamin sa nakaraan. Pagkatapos ng tatlong kanta bigla na lang tumahimik ang buong paligid ng pumailanlang ang isa sa mga iconic nilang kanta. The Truth Untold. Pero nagulat kami ng si Jin lang ang lumabas para kantahin ang kanta.
"Ang sakit naman ng kantang to talaga". Bulong sakin ni Angel. Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Tumingin ako sa malaking monitor sa side namin at bumungad ang maamong mukha ni Jin. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam pero parang may kakaiba sa aura niya. Alam ko na malungkot talaga ang kantang to pero bakit parang pakiramdam ko mas dumoble ang sakit ng si Jin na ang kumanta?
Eojjeomyeon geuttae
Jogeumman, imankeumman
Yonggil naeseo neoui ape seossdeoramyeon
Jigeum modeun geon dallajyeosseulkka
Nan ulgo isseo
Sarajin, muneojin
Hollo namgyeojin i moraeseongeseo
Buseojin gamyeo neul barabomyeonseo
And I still want you
But I still want you
But I still want you
Tumingin siya sa direksyon namin, ang lungkot ng mga mata niya. Gusto ko man ibaling ang paningin ko sa iba pero parang hindi ko kayang alisin ang paningin ko sa kanya. Hanggang sa narinig ko ang huling liriko ng kanta.
And I still want you..
Yumuko siya pagkatapos ng kanta at pasimpleng may pinahid sa mga mata niya. Kasabay ng pagpahid niya ng mga luha ay ang pagpatay ng mga ilaw sa stage. Nakita sa monitor na pinahid niya ang mga luha niya kaya hindi maiwasan ng mga fans ang magalala sa kanya.
"Is he okay mommy?" tanong sakin ni JD na nakatingin parin sa stage. Tumango na lang ako sa kanya pero mababakas parin ang pagalala sa mukha niya.
"Can I go there mom?" tinuro niya ang backstage. "No anak. We're not allowed to go there". Narinig naman ni Angel ang pinaguusapan namin kaya tinaasan ko siya ng kilay ng marinig ko ang sinabi niya kay JD.
"We will go later JD. Just 3 more songs". Nagliwanag naman ang mukha niya ng marinig ang sinabi ni Angel. "Thank you ninang".
"What are you going to do there anak?" tanong ko sa kanya habang pinupunas ang nagkalat ng ketchup sa bibig niya dahil sa pagkain niya ng hamburger kanina.
"I'll give this to daddy". Tinuro niya sakin ang isang burger na may kagat na, binalot niya ulit ito sa wrapper at isinilid sa loob ng backpack niya. "He's hungry mommy that's why he cried earlier. I'll give this burger to him so that he will stop crying".
Pagkatapos ng concert niyaya na kami ni Angel na pumunta ng backstage, kung ako lang ayaw ko na sanang pumunta pero nagpupumilit si JD kaya wala na akong nagawa. Pagpasok namin sa isang malaking kwarto, naghihiyawan ang lahat ng staff at nagpapalakpakan siguro dahil successful ang comeback concert nila.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)