Lumapit ako sa kanya para yayain sya na pwede na kaming umalis. Hawak niya ang magazine na feature ang BTS, ngumiti ako ng makita ko na ngingiti ngiti siya habang binabasa niya ang article nila. Sana palagi lang siyang nakangiti, sana mawala na ang lungkot sa mga mata niya.
"We can go now." Tumayo siya at binalik ang magazine sa magazine rack na nasa tabi ng inupuan niya. Nauna na akong naglakad palabas pero hindi pa ako nakakalayo ng pigilan niya ako.
"Jasimanyo". Lumapit siya sakin at tinuro ang damit ko. Medyo lumuwag pala ang pagkakatali ng strap ng dress ko, tumalikod ulit ako sa kanya at inayos ang strap ng damit ko pero kung bakit naman kasi nanginginig ang kamay ko kaya di ako magkandatuto sa pagtali. Pambihira naman! Ngayon pa talaga ako nakaramdam ng ganito kung saka nasa paligid lang siya at nagmamasid.
"Let me". Lumapit siya sa akin at wala man lang kahirap hirap naitali ang strap ng dress ko. Ito na naman ang eratikong tibok ng puso ko. Hanggang kailan ako magiging ganito kapag nagkakalapit kami? Ibang iba ang nararamdaman ko kapag sobrang lapit niya sa akin.
Sumakay kami sa van na service ng resort. Una ko siyang dinala sa Dapa, sa pinakacentrong munisipalidad ng Siargao. Pero pano kapag may makakilala sa kanya? Nagalala ako na baka bigla na lang may makakita sa kanya tapos biglang kumalat ang mga litrato niya.
"Jin, are you not going to cover your face?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan niya ang mga tanawin sa labas ng sasakyan.
"Why? Are you ashamed to be with me? I'm worldwide handsome you know." Tinaasan ko siya ng kilay, sino bang mahihiyang kasama siya? Sa gwapo niyang yan. Dapat nga maging proud pa at saming dalawa dapat ako pa ang mahiyang kasama siya kasi nagmumukha akong basahan. His face is perfection. You can't see any imperfection in him. Well, I read somewhere that Koreans have higher standards when it comes to beauty.
"Of course not. We're on a public place, someone might recognize you. You need to cover your face". Tumango siya at kinuha ang face mask na nasa bulsa ng pantalon niya. Bumaba kami sa sasakyan at nagikit ikot sa bayan, pumunta muna kami sa isang souvenir shop. Bumili siya ng pampasalubong sa mga kagrupo niya, nagulat pa ako ng halos bilhin niya na lahat ng nandon sa souvenir shop. Parang buong Korea ang papasalubungan niya hindi lang para sa ilang tao.
Pagkatapos namin makapamili ng mga pampasalubong, naghanap kami ng pwedeng makainan. We tried Siargao's delicacy. Hindi siya maarte sa pagkain, wala ata akong maipipintas sa kanya kasi parang lahat sa kanya maganda. Mas lalo pa akong humanga ng makita ko siyang binibigyan ng pera yong mga batang nagtitinda ng kakanin sa may gilid ng daan. Mali ang nararamdaman ko, hindi to tama. Baka naman natutuwa lang talaga ako sa kanya, baka simpleng paghanga lang to ng isang fan sa isang idol. Siguro may mga nakikita lang talaga ako sa kanya na hindi ko nakita sa iba dati.
Magaalas siyete na ng gabi ng maisipan namin na bumalik na ng resort. Tinanong niya ako kung puwede daw ba kaming dumaan muna sa isang bar na nadaanan namin nong papunta kami ng siyudad. Pumayag naman ako kaya tuwang tuwa siya kasi matagal na daw yong huling beses na nakapunta siya ng bar.
Uminom siya habang ako naman juice lang, hindi ako ganon kalakas uminom pero hindi rin ako ganon kabilis malasing, depende na lang siguro kung masyadong matapang ang alak. Binigyan kami ng tuba ng may ari ng bar, best seller daw to dito sa bar nila at dito lang sa Siargao merong ganito.
"This is good". Sabi niya sa akin habang nagsasalin ulit ng tuba sa baso niya. Malakas pala siyang uminom? Nagsalin ulit siya sa isang baso at binigay sa akin. Sinubukan kong inumin ang binigay niya at nagustuhan ko ang lasa. Medyo manamis-namis ito at mapakla pero parang red wine lang din ang lasa niya.
Hindi ko alam kung nakailang shot ako ng tuba at di ko rin maalala kung paano ako nakarating sa loob ng sasakyan kasi pagdilat ko ng mga mata ko nasa loob na ako ng van at mukhang pabalik na kami ng resort. Hanggang sa makatulog ako at wala ng maalala.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)