MY SUPERSTAR 23

1.6K 55 6
                                        

I packed all my things. I need to leave this resort as soon as possible. Pagkatapos ko ayusin ang mga damit ko, tumingin ako ng available flight kinabukasan papuntang Manila, pinili ko ang alas dos ng hapon. Pagkatapos ko makapag-ayos ng gamit, humiga ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko ulit siya. Maybe this will be the last time na makikita ko siya ng ganito kalapit. We're just an inch from each other but it looks like we're miles apart. Ang hirap abutin ng isang taong ayaw magpaabot, ang hirap abutin ng isang taong may ibang hawak na ang kamay.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan, I also have swollen eyes. Naligo ako at nagbihis, paglabas ko ng kwarto ang tahamik ng buong villa. Nagtext sa akin si Mia na nasa Café Mirasol silang lahat para magbreakfast kaya dali-dali rin akong lumabas ng villa para puntahan sila. Pagpasok ko ng café nandoon ulit sa paboritong lugar nila, lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Mia.

"Jal Jasseo noona?" ngumiti ako kay Jimin. Hindi ko alam kung pano ako magpapaalam sa kanila, kung pano ko sisimulan ang pamamaalam. Nahuling dumating ang order ko kasi huli ako dumating sa café, napapansin ko ang paminsan-minsan na pagsulyap nila sa akin at kay Jin. Ang awkward na talaga ng sitwasyon namin, kaya kailangan ko munang dumistansya. 

"You're not eating your food. Ayaw mo ba?"  tanong sakin ni Mia. Napansin kasi niyang halos di ko magalaw ang pagkain ko. Umiling ako at tinulak ko ng dahan-dahan ang pinggan na may lamang pagkain, I lost my appetite. "What do you like? I'll order you another one"  tanong ulit ni Mia sa akin. "Don't bother"  sagot ko sa kanya. 

"I'll be leaving for Manila this afternoon". Natigil ang pagkukulitan ng members at napatingin  silang lahat sa akin. 

"Bakit bruh? diba next week pa yong usapan natin? bakit napa-aga?"  tiningnan ko si Angel at Jimin, wala ba talaga silang idea kung bakit ko to gagawin?

"I need to visit my parents grave and I have also an scheduled interview for esquire magazine. Kailangan din ng supervision ko ng pinapagawa natin na building ng Dale sa Ortigas. I really need to go". Pagdadahilan ko.

"Noona, I thought we're going to stay here for 2 weeks?" tanong sa akin ni V. Mababakas din ang lungkot sa mukha niya.

"You can still stay here V. I am the only one who will leave the resort, you can still continue your vacation".

"Are you leaving because of me?" tanong sa akin ni Jin. Hindi pa ako nakakasagot ng bigla ulit siyang magsalita"I'll be the one who will leave this place if that's the case". Bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng cafe. Sinundan ko siya halos lakad-takbo ang ginawa ko maabutan ko lang siya. Ang lalaki kasi ng hakbang niya.

"Jin, I need to leave because it's kinda suffocating here anymore. I need to breath". Hindi parin siya lumilingon kaya hinahabol ko parin siya; I'm an inch away from him. I grabbed his arm and let him face me.

"Why are you being like this? This is also hard for me Yuri. Do you think I feel satisfied everytime I see you cry? It's hard for me and I keep on blaming myself because of that. I'm doing this because I don't want to be unfair on you. I'm sorry. I'm really sorry. I didn't mean to hurt you but I'd rather choose to hurt you with the truth than making you happy with the lies. This is so frustrating!" Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya at ang pagtulo ng mga luha niya. Parang mas lalo akong nasaktan ng makita ko siyang nahihirapan. Niyakap ko siya, his sadness is one of my weaknesses. I hug him tight, alam ko naman na may girlfriend na siya pero masama bang maghangad na kahit ngayon lang ako naman muna? Kahit ngayon lang gusto ko maramdaman na mahalaga ako sa kanya.

"I want to keep you as my friend Yuri. Please be my friend again". Hindi ako sumagot sa kanya bagkus, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Kahit alam ko na ako ang talo sa huli, mas mahalaga na maging masaya siya. "I promise I'll make it up to you". Kahit walang assurance susugal ulit ako. Baka this time, maging maayos na ang lahat.Baka this time, umayon na ang tadhana para saming dalawa. 

Sinabi ko sa kanya na kailangan ko talagang umalis at pumunta ng Manila, nagka-ayos man kami nakapagdesisyon ako na tumuloy parin sa Manila. "Can I go with you?" nagulat ako sa sinabi niya, ilang minuto akong natahimik. Pabalik na kami ng villa para makapaghanda na ako sa pag-alis ko. Sasama siya sa akin? "I think that is not a good idea Jin and besides, I already booked my flight last night". Mahirap kung sasama siya sa akin kasi hindi imposible na may makakilala sa kanya pagdating namin don. "I'll be careful. I want to go with you". Wala akong nagawa kasi mapilit siya, hindi kami magkasabay ng flight. Mauuna ako sa kanya at ang usapan namin sa airport na lang kami magkikita. Apat na araw lang kami sa Manila, babalik din kami ng resort. Kinausap niya ang mga members para magpaalam na sasama siya sa akin sa Manila. Pumayag naman sila, maliban kay Jimin na parang may pag-aalinlangan. 

"Hyung, make sure not to commit the same mistake again. Don't make noona cry or else I'll throw your Super Mario collection". Pagbabanta pa sa kanya ni Jimin, hinawakan naman ni Angel ang kamay niya "Waaah! you're so sweet baby". Jimin smiled at her and  quickly kissed her on the lips. "My virgin eyes and my innocent mind" sabay na sabi ni V at JK. 

"Too much public display of affection. Geeeezz! Nakakamatay ang masyadong matamis. Baka maging diabetic kayong dalawa". Komento naman ni Mia, hindi niya parin pinapansin si Yoongi kahit palaging nakasunod sa kanya, kulang na nga lang pati sa pagbanyo samahan siya. "Anyway, Jin how can you explain this to your girlfriend? I mean, what if she will know about this?" tanong sa kanya ni Mia.

"We're not doing anything Mia. Me and Yuri are friends". Tumaas ang kilay ni Mia sa kanya. "Don't hurt her Jin and be considerate. I hope this time you'll do the right thing. We also get tired and once we get tired there's no turning back". Tiningnan ko si Mia, si Jin pa ba pinagsasabihan niya o may pinaparinggan na siya?

Hinatid nila ako sa airport. Tumawag daw ako kapag nasa Manila na ako. Alas kwatro pa ng hapon ang flight ni Jin, kaya kailangan ko siyang hintayin. Pagdating ko ng Manila, tumawag agad ako kay Mia para ipaalam na nasa Manila na ako. Kakaalis lang daw nila sa airport kasi kakasakay lang din daw ni Jin. Halos dalawa't kalahating oras ako naghintay, hanggang sa may lumapit sa akin na lalaki na nakahoody jacket na blue tsaka na itim na pantalon, may bigote at may makapal na kilay, na may di kalakihang balat sa pisngi. Kung hindi lang sa hugis ng mukha at tindig niya hindi ko talaga makikilala na si Jin siya.

"Lets go? Do I look okay?" Natatawa ako sa itsura niya. Hindi talaga siya makikilala kung sino man ang makakita sa kanya. Tumango ako sa kanya, lumabas kami ng airport para hintayin ang grab na kinuha ko habang hinihintay ko siya kanina. Pinahiram ako ng sasakyan ni Mia pero bukas pa daw dadalhin sa condo kaya wala kaming choice kundi ang mag grab. Kinwento niya sa akin na si JK at V daw ang nag suggest na ganito ang maging ayos niya para di siya makilala at sa tingin ko tama naman ang naging suggestion nila.

Mag-aalas otso na kami nakarating sa BGC. Pagdating namin sa condo ko, dali-dali niyang tinanggal ang bigote niya at ang makakapal niya na pekeng kilay at ang balat niya sa pisngi. Nangangati na daw kasi siya. Tinuro ko sa kanya ang magiging kwarto niya, magkatabi lang naman ang kwarto naming dalawa. Pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Naligo ako at nagbihis ng pambahay, lumabas ako ng kwarto para sana maghanda ng hapunan pero saka ko lang naalala na hindi pa pala kami nakakapag grocery. Magpapa deliver na lang muna siguro kami. Lumabas siya ng kwarto na nakapambahay na din. Bakit kahit ang simple niya lang tingnan ang gwapo niya parin? Tumabi siya sa akin sa couch.

"I'm hungry". Sabay himas sa tiyan niya.

"I don't have anything in the fridge. Lets have pizza delivery. I'm craving for pizza since yesterday".

"I want KFC". Sagot niya sa akin. Magkaiba ang gusto naming dalawa, gusto niya pala sa kfc wala naman pizza don.

"There's no pizza in KFC" ngumiti siya sa sinabi ko at napakamot sa ulo niya. "I mean Korean Fried Chicken". Natawa nalang ako sa sinabi niya, tumawag ako sa halos lahat ng may pizza delivery pero isa lang ang sinasabi nila sa akin wala silang Korean fried chicken. We ended up ordering a pizza, fried chicken and mojos. Magaalas diyes na kami nakakain, pagkatapos namin kumain nagyaya siyang magkape, pumunta kami sa pinakamalapit na starbucks sa condo ko. Hindi na niya nilagay ang pekeng bigote, kilay at balat niya; nagsuot na lang siya ng facemask at baseball cap. Pareho lang kami nakapambahay. 

Naiilang ako sa kanya sa pag-akbay niya sa akin habang palabas kami ng condo pero nagpatay malisya na lang ako. 

I want to treasure this moment with him because I might woke up one day and realize that everything was just a dream. Habang magkasama kami sisikapin kong makabuo ng magandang ala-ala na kasama ko siya. 








My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon