"Mommy, are we going to join this year's family day? We weren't able to join last year because dada is busy and now he's busy again. I really want to join mommy, please?" kailangan umuwi ng Pilipinas ni Zach kasi may inaayos siyang negosyo don at plano niya rin tingnan ang bahay bakasyunan na gusto niyang bilhin para samin. Busy din akong magayos para sa kasal namin ni Zach pero alam kong gustong gusto ni JD na pumunta sa family day ng school nila.
"Okay we will go but is it okay if only the two of us will participate in the event?"
"Yes, mommy but we can ask daddy. I want to ask daddy to join us. Can I borrow your phone? I'll call him". Hindi ko binigay sa kanya ang cellphone ko, ayaw ko ng idea niyang tawagan ang daddy niya para imbitahin sa family day nila sa school. Ayaw ko lang magkaproblema ulit kami ni Zach.
"Anak, your daddy is busy. He can't join us".
"Mommy he promised me that if I need him he will make time for me. A promise is a promise". Wala akong nagawa kundi ibigay sa kanya ang cellphone ko. Wala naman sigurong masama kung isasama namin si Jin sa family day. Maiintindihan naman siguro ni Zach.
"Hello daddy"..
"I borrowed mommy's phone. Yes. Daddy, we have a family day celebration in school next week. Can you come with us?"
"Jeongmal-yo? Tto bwayo, appa". Ngingiti-ngiti siya habang kausap ang daddy niya. Hindi niya na kailangan sabihin, alam kong pumayag si Jin na sumama samin para sa family day nila sa school.
"Gamsahaeyo, appa".. binigay niya sakin ulit ang cellphone ko, kiniwento niya sakin na pumayag daw ang daddy niya na sumama samin kasi sa sunod daw na linggo nandito na ang daddy niya at ang mga tito niya para sa concert nila dito sa Chicago.
"I'm so excited mommy. This will be the first time that daddy will be with us to celebrate this event". Ngumiti ako sa kanya, as long as he's happy I will be happy too. Yon naman ang mahalaga sakin, ang makitang masaya ang anak ko.
Mabilis lumipas ang araw, hindi kami nakapunta ng concert ng BTS. Busy ako at exam week din ni JD bago ang family day nila. Ilang beses kaming inimbita ni Jin pero hindi talaga pwede kasi kailangan magreview ni JD. Ngayong araw ang family day nila, dadaanan namin ang daddy niya sa hotel kasi yon na ang usapan namin kagabi. Nasabi ko na din kay Zach ang tungkol dito, hindi ko alam kung okay lang sa kanya pero nong una ayaw niyang sumali kami na hindi siya kasama. Pinagtalunan na naman namin to kasi iniisip niya na ako ang may gustong isama si Jin. Bakit daw kailangan si Jin ang isama namin. Pumayag din naman siya kalaunan pero alam kung labag yon sa kalooban niya.
"Happy?" tanong ko kay JD na hindi mawala ang ngiti sa mukha. Nasa passenger seat siya, habang pinapanood sa ipad ang fancam ng daddy niya nong concert nila.
"Super mommy". Napangiti ako at hindi na ulit siya kinulit, inabala ko ang sarili ko sa pagmamaneho. We're wearing a red shirt with embossed print, sa likod ng shirt ko may nakalagay na "mommy" kay JD naman "baby" at kay Jin "daddy". Nakablack denim jeans kami pareho ni JD at ganon din ang sinabi namin na suotin ni Jin. The shirts was provided by JD's school.
Dumiretso kami sa parking pagkadating namin ng hotel. Tinawagan ko na lang si Jin na pumunta na lang siya ng parking para hindi na kami umakyat ni JD. Pagkalipas ng limang minuto dumating siya, he's wearing a black denim jeans, a button down sky blue shirt, gucci sneakers and his sunnies. Pinalipat ko ng backseat si JD at lumipat ako sa passenger seat kasi si Jin ang magdadrive.
"Daddy! I miss you". Pagpasok pa lang ni Jin ng sasakyan lumapit agad sa kanya si JD para yumakap at humalik.
"I miss you too". Tinanggal niya ang sunnies niya at tumingin sa direksyon ko. Ngumiti ako sa kanya at binigay ang shirt na kailangan niyang suotin para sa event.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)