Binili ko ang apartment na inuupahan namin ni Angel at ang katabi pa namin na apartment. Pinarenovate ko para maging isang bahay na lang. Dito ko sisimulan ang pangarap ko, hindi na ako iiyak. Ayaw ko ng umiyak.
"Bruh, sigurado ka na ba sa desisyon mo sa pagbenta ng condo mo sa Seoul?"
"Oo bruh, hindi ko na naman yon magagamit. Tsaka hindi na ako babalik don. Bago pa ako pumunta ng Seoul nakapag desisyon na ako na ibenta yon".
Magpapasko na, sobrang kapal na ng snow sa labas. Winter ang pinaka ayaw ko na panahon, sobrang nakakatamad bumangon sa kama parang mas gusto mo mahiga at matulog na lang maghapon.
"Bakit mo kailangan ibenta yong condo mo?" Tanong sa akin ni Angel habang nilalagyan niya ng pasta ang plato ko.
"Pandagdag ko sa puhunan para sa negosyo". Gusto ko gumawa ng sarili kong clothing line, siguro panahon na para gamitin ko ang natutunan ko bilang isang fashion designer.
"Di ba may pera ka pa naman? May mana ka naman sa parents mo diba? Ang yaman niyo kaya". Ngumiti ako kay Angel, hindi ko pera yon. Pera yon ng magulang ko. Gusto ko sarili kong pera ang gamitin ko sa negosyo ko.
"May iba akong plano para sa pera na yon gel, tsaka yong negosyo na gusto kong itayo mas gusto ko na sariling pera ko ang gamitin ko don". Nagthumbs up sign siya sa akin, di kasi siya makapag salita dahil sa kinakain niya.
"Sayang kasi puro lang kagwapuhan at talent ang meron kay Jin. Ang tanga niya nong pinakaw--" Naputol ang sasabihin niya ng maisip niya ang sinabi niya.
"Sorry bruh". Natawa ako sa reaksyon niya kasi parang guilting guilty siya sa sinabi niya.
Ilang buwan na ang nakalipas ng huli ko siyang nakita, minsan kapag mag isa ako iniisip ko kung anong ginagawa niya, kung okay lang ba siya. Wala akong social media accounts, di na ako gumawa ulit. Nagpalit din ako ng mobile no. kaya wala talaga akong balita sa kanila. Hindi rin ako nagyu-youtube. Tinanggal ko ang lahat ng ala-alang meron ako sa kanya. Nasasaktan parin ako pero sabi nga parte ng pagmamahal ang masaktan. Patuloy parin ang takbo ng buhay, magiging maayos din ang lahat.
"Kamusta kayo ni Jimin?" Tanong ko sa kanya. Napangiti na lang ako ng magliwanag ang mukha niya ng banggitin ko si Jimin. Confirmed inlab na inlab nga siya.
"Naku bruh! Maayos kami ni Jimin. Mahirap ang LDR pero worth it naman ang lahat. Katulad ngayon monthsary namin pero di pa siya tumatawag kasi busy siya sa practice nila". At some point, bigla akong nalungkot at nainggit sa kanila. Bakit si Jimin kaya niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Angel? Bakit si Jin? Bakit hindi niya ako naipaglaban?
Napansin niya ang pananahimik ko kaya hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"I'm sorry. Ikaw kasi nagtanong ka pa. Alam mo ba na kapag magka usap kami sa skype palagi ka niyang tinatanong sa akin. Tapos isang beses nagka usap kami nandon yong mga members, hinahanap ka nila sa akin at kinukumusta. Ayaw mo ba silang kausapin kahit si Jimin lang o kaya si V at JK?" Umiling ako. Hindi ako galit sa kanila pero mas gusto kong huwag na muna silang makita kasi pakiramdam ko mabubuhay ang lahat ng sakit na pilit kong binabaon sa limot.
"Hindi pa ako handa sa ngayon. Baka sa paglipas ng panahon pwede na pero hindi sa ngayon". Bakas ang lungkot sa mga mata ni Angel ng tiningnan niya ako. Saksi siya sa mga pinag daanan ko, hirap na hirap akong makabangon. Halos patayin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho kasi yon lang ang oras na hindi ko siya naiisip kaya ayaw ko na wala akong ginagawa. Gusto ko pagdating ko ng bahay matutulog na lang ako dahil sa pagod. Ayaw ko bigyan ng chance ang sarili ko na maisip o isipin siya kasi ang sakit sobra.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)