Kinabukasan nakatanggap agad ako ng tawag kay Mia, hindi pa nakuntento at nag video call pa talaga.
"Omayghaaaaad couz! Is it true? Are they staying there ba talaga? Wait..what happened to you? You're glowing! Are you in love ba?"
Ang dami niyang tanong. Ang aga-aga pa nga, tapos ganito pa yong bubungad sa akin.
"Walang BTS dito. Tsismis lang yon! Hindi ako inlove. Maganda lang talaga ang araw dito sa Siargao".
"Awwww. I'm saaaaad. I thought its true. Kasi if its true I'm flying there as in now na talaga".
"Ano naman gagawin ng BTS dito? Tsaka for sure kung magbabakasyon sila hindi sila dito sa resort pupunta. Syempre mas pipiliin nila yong mga resort na sikat". Parang naconvince naman siya sa sinabi ko kaya tinigilan na niya ang pagtatanong.
"By the way couz, kailan ang dating mo here? I'll make sundo you sa airport. I'll borrow dad's car". Kung may gamot lang talaga para maging tuwid ang pananagalog bibigyan ko si Mia kahit isang taong supply pa.
"I'm not sure yet. What happened to your car? Di ba may sarili kang sasakyan?" Nakita ko ang bigla niyang pagsimangot.
"Daddy got my amber. Because I'm not doing anything daw. Just wasting money by watching BTS concerts from one country to another". Seryoso ba talaga siya? Kung saan nandon ang BTS nandon din siya? Amber is the name of her car, mahal na mahal niya yon.
"Ano ba kasing makukuha mo sa panonood ng concert nila? Sayang yong pera mo".
"Like duhh..I earned it couz. I didn't ask him to buy me a ticket and you know how much I love Min Yoongi right? He's the man of my dreams". Jusko! Kung alam niya lang kung gaano ko moody ni Suga.
"Ayaw daw ni Suga sa mga babaeng hindi tuwid manalita. Kaya hindi ka niya magugustuhan".
"Sinong nagsabi? I can speak fluent tagalog naman and I can speak in fluent english". Natatawa ako sa kanya, ganyan niya ka gusto si Suga?
"Couz, kailangan ko ng magpaalam. Magjojogging pa kasi ako". Nagulat ako sa biglang pananagalog niya. Kasi dati pa hindi talaga siya tuwid magsalita ng tagalog, 16 years siya sa US kaya hindi talaga tagalog ang unang natutunan niya.
"See? I told yah I can speak fluent tagalog". Patawa-tawa pang sabi niya.
Pagkatapos namin mag usap naligo ako at nagbihis para makakain na ako ng breakfast. Dumiretso ako ng villa para tingnan kung nakakain na ba sila, may susi rin ako kaya makakapasok ako sa ayaw at sa gusto nila. Pagpasok ko ang tahimik ng buong bahay. Nasaan sila? Siguro natutulog pa. Nadatnan ko sa living room ang mga nagkalat na bote ng beer at chips. Niligpit ko muna ang mga kalat bago ko naisipang ipagluto sila ng breakfast.
May nakita akong kanin sa ref kaya balak kong isangag yong kanin, sunny side up, ham at sausage. Tinawagan ko rin si Charmaine na ipadala sa villa yong pinagawa kong kimchi kay Bert kahapon.
Nagkagulatan pa kami ni JK ng pumasok siya sa kusina galing sa likod bahay.
"Annyeong noona!" ngumiti ako sa kanya at binati ko rin siya.
"What are you doing there?" Tanong ko sa kanya habang hinuhugasan ko yong mga ginamit ko sa pagluto.
"Jin hyung asked me to wash his jacket. He wanted me to wash it using alcohol but I can't find any. Then, there's an extra beer last night so I decided to pour some beer on his jacket, beer is an alcohol right noona?" Napamaang na lang ako sa sinabi niya. Binuhusan niya ng alcohol yong jacket ni Jin? Alcohol as in alak? Hanggang sa maalala ko yong sinabi ko ng binigay ko yong jacket niya galing don sa babaeng nagpakandong sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfic#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)