Nasa kusina ako para tumulong sa paghanda ng lunch mamaya. Masyado akong focus sa ginagawa ko kaya nagulat ako ng bumungad sakin si Mrs. Kim. Nagbibake kasi ako ng chocolate cake para sa mga bisita mamaya. Ayaw naman nila akong tumulong pero I insisted because I don't have anything to do. Sanay din naman kasi ako sa gawaing kabahay.
"Annyeonghaseyo Mrs.Kim". I smiled at her and slowly bow my head. Ngumiti siya sakin at pinagmasdan ulit ako. Nilagay ko ang cake sa oven at nagsimulang linisin ang mesa at hugasan ang mga ginamit ko sa pagbibake.
"I'm sorry if I was being cruel to you in the past. I'm just protecting my son and I regret everything I did. I hope we can still reconcile". Tumango ako sa kanya at ngumiti. Ilang minuto lang kaming nagkwentuhan, nagpaalam siya na may mga aayusin siya kasi ilang oras na lang dadating na ang mga bisita nila.
Pagkatapos ko magbake, pumasok na ako ulit sa kwarto para makaligo at makapagbihis na rin. Si Jin ang nagaasekaso kay JD, hinayaan ko na lang din siya kasi alam ko na bumabawi siya sa anak namin. Habang nagaayos ako, bigla na lang pumasok si Angel sa kwarto. Napapailing na lang ako, hindi man lang kumatok ang babaeng to.
"Bruh, kadarating lang namin. Ano maayos naman ba ang pakikitungo nila sayo?" tinapos ko muna ang paglagay ng lipstick bago ko siya sinagot.
"Okay naman". Tipid na sagot ko sa kanya.
"We wasn't able to talk yesterday and after the concert. Sure ka na ba talagang magpapakasal ka na? I mean..are you really over him?" tanong niya sakin na halatang may pagdududa.
"Bruh, Zach is a great guy. Anong mali kong magpakasal ako sa kanya?"
"Walang mali bruh. Pero sure ka na ba sa kanya?" tanong niya ulit sakin. Tumango ako at tiningnan ulit ang repleksyon ko sa salamin.
"Kailan ang kasal niyo? Anong plano niyo?"
"Hindi pa kami nakakapag usap ni Zach. Siguro pagbalik pa namin ni JD sa Chicago saka kami makakapag usap ni Zach".
"Pero kailan plano mo?" Gusto ko maging June bride kaya kung magtatanong si Zach kung ano ang preferred month ko, I'll choose..June.
"June ang gusto ko. Pero hindi ko alam kay Zach kung anong plano niya".
"Ang bilis naman. Buntis ka na ba? February na ngayon bruh. Hindi kaya magahol kayo sa oras niyan?" Natawa ako sa tanong niya. Buntis agad?
"Parang ayaw mo akong pag asawahin? Hindi naman ako buntis. Gusto ko lang maging June bride".
"Paano si Jin bruh?" napakunot noo ako sa tanong niya. Bakit nasali si Jin sa usapan namin?
"Bakit nasali si Jin? Bruh, what we had is already in the past now. I can see that we're both okay now." Naging seryoso ang itsura niya, parang hindi ko mawari kung anong gusto niyang sabihin. Hindi pa sana mapuputol ang pag-uusap namin kung hindi pa kami kinatok ni Jimin.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)