Pagbalik ko ng cabin tinawagan ko agad si Angel. Nakakamiss rin pala ang London. Si Angel ang isa sa mga naging kaklase ko sa London,fashion design din ang kinukuha niya. Ahead lang ako sa kanya ng isang taon kaya hanggang ngayon nasa London parin siya at nagaaral. Katulad ko pinay din siya, magkasama kami sa dorm nong nasa London pa ako. Di niya sinasagot ang tawag ko kaya siguro busy siya, nilabas ko ulit ang mga papeles na kailangan kong pagaralan hanggang sa makatanggap ako ng tawag sa skype galing kay Angel.
"Kamusta?" Di parin siya nagbabago ang cute at ang bubbly parin ng personality niya.
"Okay naman ako bruh. Sem break na namin, I'm going home". Masaya niyang binalita sa akin na uuwi na daw siya next week.
"Really? Wow! See you. Namimiss na kita". Angel is one of my closest friends, bilang ko lang kasi sa daliri ko ang kaibigan ko hindi kasi ako palakaibigan masyado. Mas okay na yong kunti ang kaibigan mo pero totoo sayo kesa naman yong madami nga pero hindi naman sayo totoo lahat.
"Namiss din kita. Bruha ka! Kamusta ka naman?" Kamusta nga ba ako? Sobrang bigat ng pakiramdam ko pero pinipilit ko maging matapang kasi kailangan.
"I think..uhmm, I'm doing fine". Naging seryoso siya at kapansin pansin ang lungkot ng mukha niya.
"I'm sorry if I wasn't there when you needed me. You knew how much I tried diba? I have a very tight schedule kasi kailangan ko magfull load para makagraduate na ako".
"It's okay bruh. I understand". Ngumiti ako sa kanya para at least gumaan naman ang atmosphere.
"Babawi ako sayo. By the way, papadala mo na ba yong ibang gamit mo na naiwan mo pa sa dorm?"
"Pakidala na lang yong mga portfolio ko na nasa cabinet tapos yong isang maliit na maleta na nasa may tabi ng bed ko." Madami akong naiwan na gamit sa London pero hindi ko iuuwi dito sa Pilipinas kasi babalik ako sa London kapag maayos na ang lahat.
"Okay, see you there! Kailangan ko ng magpaalam may pasok pa ako bruh". Pagkatapos namin magusap binalikan ko ang mga papeles na binabasa ko. Hanggang sa marinig ko ang sunod sunod na katok sa pintuan.
"Ma'am, wala pong tao sa cabin 6". Si Jerome pala, nakalimutan ko rin na sabihin sa kanya na huwag niya ng kunin yong phone at tsinelas ko. Nawala sa isip ko.
"Okay lang Jerome, nakuha ko na naman. Pasensya na kung di na kita nasabihan. Nawala sa isip ko". Pagkaalis ni Jerome, parang bigla akong inantok kaya naisipan ko na magpahinga muna.
Nagising ako na madilim na sa labas. Napasarap ang tulog ko kaya di ko napansin na gabi na pala, nakaramdam ako ng gutom kaya naligo muna ako at nagbihis, hirap na hirap na naman ako sa paghahanap ng masusuot na damit. Pinili ko ang isang floral halter maxi dress. Tinatamad akong lumabas pero walang pagkain dito sa cabin, walang laman ang ref kasi di pa ako nakakapag grocery kaya sa resort na lang ako kakain.
Paglabas ko ng cabin, sinalubong ako ng preskong hangin. Ang banayad na pagdantay ng hangin sa balat ko, kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa Cafe Mirasol, ang cafe na pinangalan ni daddy sa lola ko. Kapansin pansin ang katahimikan ng lugar, wala kang makikita ni isang guest.
"Good evening ma'am". Ngumiti ako kay Cindy, ang isa sa mga crew ng cafe.
"Hello noona!" Dumako ang tingin ko kay V. Masaya silang naghahapunan at nagkukwentuhan. Kinawayan ko sila at lumapit sa counter para magrequest ng pagkain ko. Mas pinili kong umupo ng malayo sa kanila, nahihiya parin ako kasi di mawala sa isip ko yong kaninang umaga sa cabin ni Jin.
Isa isa kong chinicheck ang pictures sa phone gallery ko ng makita ko ang pictures ni mommy at daddy. Last year lang to, nagbakasyon sila sa London. Hindi ko alam na yon na pala ang huli naming pagkikita. Hindi ko man lang nasabi sa kanila na mahal ko sila, hindi ko alam kung pano ako magsisimula ng wala sila kasi nasanay ako na nakadepende sa kanila kahit nasa London ako. Namimiss ko na yong araw araw ko silang nakaka skype pero ngayon wala na. Minsan, hindi parin nagsisink in sa akin na wala na sila, iniisip ko na lang nasa bakasyon lang silang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)