MY SUPERSTAR 45

1.3K 59 1
                                        

Once again I checked myself in the mirror, kinakabahan ako. This will be the first time I am meeting his family. Hinanda ko ang sarili ko pero hindi ko alam kung kakayanin ko ang kabang nararamdaman ko.

"Mahal"..hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya ako ng ganyan, siya ang nakaisip na yan daw dapat ang tawagan namin. I know it sounds so baduy pero I felt like there are thousand of butterflies in my stomach everytime he's calling me that way.

My heart skipped a beat the moment I laid my eyes on him. He's wearing a black tuxedo. Binalik ko ang atensyon ko salamin hanggang sa naramdaman ko ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko. He's hugging me from behind.

"Are you ready?" bigla akong nakiliti dahil sa bulong niya. Ang harot ng lalaking to talaga!

"Do I have a choice?" sagot ko sa kanya. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mga mumunting halik niya sa balikat ko pataas sa may leeg ko. I'm wearing an off shoulder black dress.

"Jin..stop it!" tumigil naman siya sa paghalik sa balikat ko ng sinaway ko siya.

"You're very beautiful. Seeing you like this makes me hate myself more. Why I am so blind before?" Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at humarap sa kanya.

"Let's move forward. Let's not bring the past okay? What matters most is today and tomorrow and the day after that". Niyakap ko siya, sa kanilang dalawa ni JD ako kumukuha ng lakas para maharap ko ang pamilya niya. Everytime I hugged him I felt at ease. I felt secured and safe.

"Let's go. The members are waiting for us outside". Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng hotel. Nasa private parking lot ang sasakyan ng mga members. Magkakasama sina V, JK, at RM. Sa isang sasakyan naman si Hobi, Suga, Jimin Angel at JD. Hinagis ni RM kay Jin ang susi ng sasakyan niya pagkakita nila samin.

"I already settled everything hyung. You owe me big time!" wala man akong maintindihan sa sinabi ni RM nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya.

"I'll make it up to you. Thanks bro!" sagot sa kanya ni Jin. Lumipat ng sasakyan namin si JD. Kaya inalalayan niya kaming makasakay sa sasakyan niya. Nasa passenger seat ako at kalong ko si JD. Nanginginig ang tuhod ko at mas lalong lumalala ang kabang nararamdaman ko. Naramdaman ko na lang bigla ang kamay niya na hawak ang kamay ko ng mahigpit.

"What are you thinking mahal?" Umiling lang ako sa tanong niya. "Don't be nervous. Just be yourself. I love you mahal". Dinala niya ang kamay ko sa labi nya at hinalikan ito.

Dumating kami sa venue ng party. Medyo humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jin ng makita ko ang mga nagkikislapang camera at ang mga di magkamayaw na reporters sa paligid, nagsilapitan ang mga reporters samin ng makita nila kami lalo na ng makita nilang may kargang bata si Jin. parang hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Mas pinili ni Jin na huwag sagutin ang mga tanong ng reporters, nilagpasan lang namin silang lahat. 

"Happy Birthday Imo". bati ng mga members sa babaeng nasa may pinakadulong parte ng mesa, she is Jin's mom. Hindi ko na kailangan kumpirmahin yon kasi kamukha siya ni Jin. She's so intimidating and sophisticated, the way she stares and the way she carries herself it screamed wealth and power. Mas lalo akong kinabahan ng mapansin ko ang lalaki sa tabi niya na parang older version ni Jin, He is Jin's dad. Dumako din ang tingin ko sa lalaking nasa left side ng mesa, I think he's the eldest brother of Jin, the woman beside him smiled at me and I smiled back. Hindi ko alam kung girlfriend or asawa na siya ng kuya niya. 

"Happy Birthday Mrs. Kim". Pagbati ko sa kanya sabay abot ng regalo ko, tumango lang siya sakin at hindi man lang kinuha ang regalong binigay ko, kaya kinuha agad ni Jin ang regalo at nilagay sa tabi ng mommy niya. Inanyayahan niya kaming umupo na kaya umupo na kaming lahat. Tumayo ang daddy niya at nagpaalam samin na kakausapin niya muna daw ang ibang guest. 

My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon