Bukas na ang flight namin ni JD pabalik ng Chicago kaya naghanda si Angel ng maliit na salo-salo sa bahay nila. Dadating din kasi ang kapatid niya galing sa New York na ilang taon din na hindi umuwi para magaral. Walang magsusundo samin kasi busy din ang members at hindi narin naman pwedeng magdrive si Angel kasi pinagbawalan na siya ni Jimin kaya magtataxi na lang kami papunta sa kanila.
"Mommy, how do I look like?" tanong ni JD sakin habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Nakadenim shorts siya na itim na lagpas tuhod at white gucci shirt at doc martens boots na itim din.
"You're handsome as ever my love. Why?" nagtataka ako kasi hindi naman siya mapili dati sa mga damit na sinusuot niya pero ngayon parang kung umasta siya parang binata na.
"I want to look handsome because Sandy is there. I have a crush on her but please mommy don't tell Ninang and Tito Jimin about it". Jusko naman ang bata pa ni Sandy. Tatlong taon lang siya. Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya, mukhang magiging worlwide handsome din ang anak ko. Mamanahin pa yata ang trono ng tatay niya. Matchy matchy ang ootd naming dalawa I'm also wearing black denim short shorts and white gucci shirt and black doc martens boots.
Hindi naman kami nahirapan makahanap ng taxi kaya after 30 minutes nakarating na kami kila Angel. Kakadating lang din ng members pagdating namin, niyakap at humalik lang si JD kay Jin at sa mga tito niya at nagmamadali na nitong hinanap si Sandy kasi maglalaro daw sila. Nasa living room kami nagkukwentuhanng may marinig kaming nagsisigawan sa kusina.
"It's RM hyung"..usal ni JK kaya nagmamadali kaming pumunta sa kusina para matingnan namin kung anong nangyari.
Nadatnan namin si RM sa kusina na parang gulong gulo kung anong gagawin niya, nagkalat din sa sahig ang basag na baso.
"Ambot saimu dong! Tonto ka!" sigaw sa kanya nong babaeng may makapal na salamin at mahabang palda at maluwag na damit. "Who is she?" bulong ko kay Angel. "Kasambahay namin bruh". Napatango ako sa sagot ni Angel.
"What the hell did you say?" tanong ni RM sa kanya. Inirapan nito si RM at sinagot ulit. "What the hell, what the hell ka pa diyan gusto mo suntukan na lang!" tinaas pa nito ang manggas ng tshirt niya at akmang susuntukin na talaga si RM.
"Tina, what happened?" tanong ni Angel sa kasambahay nila. Saka lang nila kami napansin, parang bigla naman siyang nahiya kaya ibinaba niya ang mga braso niyang nakaposisyon sa harap ni RM.
"Kasi naman ma'am kada punta niya na lang dito kung hindi pinto, appliances, plato, mangkok, platito ang nababsag niya tapos ngayon baso naman. Dapat yata dito pagbaunin ng sarili niyang plato, baso at mangkok para hindi nakakaperwisyo." Yumuko ako kasi pinipigilan kung hindi matawa pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
"I can't understand you". Kakamot kamot sa ulo na sagot ni RM kay Tina.
"Et's nat may prablem enimur". Sagot sa kanya ni Tina.
"Hindi ako ang magadjust sayo dong! Kung di mo ako maintindihan problema mo na yon. Tabi! ikaw paglinisin ko niyan!" sigaw niya kay RM.
Pasensya na po ma'am Enjel at sayo din po Ser Jemin". Tinabig niya si RM at nagmamadaling umalis para yata kumuha ng dustpan at walis tambo. Yumuko pa siya sa pagdaan sa harap namin.
"Jimin, what is she talking about? She's talking some gibberish words or something". Pinagtatawanan siya ng members kahit si Angel at Jimin hindi mapigil ang tawa.
"Hyung, remember what she said? You need to bring your own utensils the next time you go here". Tatawa tawang sabi pa ni Jimin sa kanya. Napapailing na lang si RM sa sinabi ni Jimin.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)