Mag-dadalawang buwan na kami nakabalik dito sa London. Magkasama kaming bumalik ni Mia dito, naiwan sa Pilipinas ang BTS at si Angel. Pumanta pa kasi sila ng Davao at Bohol, sinulit nila ang bakasyon. Nakabalik na silang lahat sa Seoul pero hindi parin nakakabalik ng London si Angel, tumawag silang dalawa sa akin ni Jimin nong isang araw at pinakiusap niya na kung pwedeng makasama niya pa ng isang buwan si Angel. Pumayag naman ako kasi nakikita ko na walang paglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ni Angel.
"Couz, gusto ko ng adobo tsaka ice cream". Napapansin ko lately na nagiging masilan ako sa pagkain at may mga pagkain ako na hinahanap na hindi ko naman gawain dati. Tiningnan ako ni Mia parang nagtataka siya.
"Dinatnan ka na ba? Napapansin ko na parang nagiging antukin ka lately tapos sensitive masyado ang pang-amoy mo. Nakailang palit na rin tayo ng shampoo, conditioner, shower gel, body scrub, sabon at kung ano-ano pa kasi gusto mo vanilla scent lang. Hindi kaya buntis ka?" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mia, tiningnan ko ang hindi pa nagagalaw na sanitary pads sa cabinet ko. Wala pa talagang bawas kahit isa.
"Hindi naman siguro. Baka stress lang ako tsaka baka delayed lang ako kasi rregular ako diba? Tsaka wala naman akong nararamdaman na morning sickness". Pero pano kung buntis talaga ako?
"PT couz. Just to make sure".
Pumayag ako na magPT the next day. Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan kong tinitingnan ang resulta. Dalawang linya. Positive. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Natutuwa ako at the same time natatakot at kinakabahan.
"Couz, is it positive?" tanong ni Mia. Kinakatok niya pa ang pinto ng banyo. Kaya lumabas na ako at binigay sa kanya ang PT.
"Omaaaayghaaaaad! I'm going to be a tita na!" Patalon-talon pang sabi ni Mia. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nabablanko ang utak ko.
"Ayaw mo ba sa bata because of his dad? Kung ayaw mo akin na lang". Sinamaan ko siya ng tingin, anong akala niya sa anak ko..aso?
"Of course not! I just don't know what to do. Mag-isa kong haharapin ang lahat ng to". Tumabi siya sa akin at niyakap ako.
"We're here for you couz. Hindi ka namin papabayaan". Sapat na ang comforting words niya para mas maging matatag ako. Kakayanin ko to para sa anak ko at para sa akin.
Naging masilan ang pagbubuntis ko. Labas-pasok ako sa hospital kasi mahina ang kapit ng bata. Si Angel at Mia muna ang nagaasekaso ng Dale. Kaya minabuti nila tito na sa US na lang ako manganak para maalagaan nila ako. Ilang beses akong dinalaw nila Angel dito, kasama ang BTS. Napilitan kasi si Angel na sabihin kay Jimin ang sitwasyon ko, dapat kasi kasama si Angel sa Japan para sa family vacation ng pamilya ni Jimin kaso hindi siya nakasama kasi hindi kakayanin ni Mia kung siya lang mag-isa. Nagtampo si Jimin sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi sabihin ang totoo. Dapat si Jimin lang ang nakaka-alam kaso sa sobrang excitement ata kaya nasabi niya din sa ibang members.
Simula ng malaman nila ang pagbubuntis ko walang araw na hindi sila tumawag para kamustahin ako. Alam nila na masilan ang pagbubuntis ko. Hindi pa nga nakakalabas ang bata halos puno na daw ang nursery room ng baby ko sa London at lahat yon galing sa members. Alam na din ni Jin na buntis ako, pero kahit isang beses hindi siya tumawag para mangumusta. May mga binigay siyang gamit ng bata pero ni minsan hindi siya sumama sa pagdalaw sa akin. Nagbigay din siya ng isang milyon para sa panganganak ko at kung ano pang gastusin pero hindi ko tinanggap ang pera. Hindi ako namomroblema sa pera kaya kung buhayin ang bata, ang gusto ko sana suporta. Suporta galing sa kanya hindi pinansyal kundi yong emotional support kasi ang hirap ng pinagdadaanan ko. Alam din ng Bighit ang pagbubuntis ko, pero mas pinili ko na itago sa lahat ang pinagdadaanan ko. Kinausap ako ng manager ni Jin, tinatanong niya kung anong plano ko. Isip niya nong una maghahabol ako at gagawa ng eskandalo. I'm not that desperate. Simula ng malaman ko na buntis ako, nagsimula na rin akong mangarap para sa aming dalawa ng anak ko. Hindi kasama si Jin don.
BINABASA MO ANG
My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]
Fanfiction#Wattys2020Winner Genre: Fanfiction Two people deeply in love are sometimes cut off due to circumstances. Despite being soulmates they are forced to be apart and that is the irony of this kind of love. The worst part of this type of love is the ina...
![My Superstar 0.1 [#Wattys2020Winner]](https://img.wattpad.com/cover/167521572-64-k643247.jpg)